New found friends

28 5 0
                                    

ANONG ORAS NA?" ani mommy na nakapamaywang at nanlalaki mata. Nakakatakot siya. Ayaw niya kasi na nagpupuyat kami sa laptop. Masama daw kasi iyon sa akin.

"Mag 12 na po." - Sagot ko naman. Umiiling iling si mommy. "Matulog ka na. "

"Opo. " Sagot ko na lang kay mommy para hindi na niya ako kulitin at pumasok na siya sa kwarto. Ayaw ko pa naman talaga matulog. Hindi pa naman ako inaantok.

So ang nangyari, nagbrowse ako sa newsfeed ko sa ra ko.

Damn! Wala namang mabasa na interesting. Nag logout ako at nag log in sa second account ko na "ColCol DT" at nagtingin din sa newsfeed. Wala naman din ako napala.

Lipat wattpad. Damn. Wala pang update yung paborito kong author na si asdfghjkl.

Basa basa ng ibang stories.

Umabot ako ng 2:30 ng umaga. Wala pa rin siyang update.

Damn insomnia! ayaw ako dalawin ng antok.

Nagpasiya na ako na mag logout, pero bago yun nagtingin muna ako sa facebook, sinilip ko yung group ng paborito kong author at tiningnan, baka kasi may announcement.

Hanggang sa may isang post na nakaagaw ng atensyon ko, yung post ni Mr. Romeng Wp. Post niya sa group pero wala namang kinalaman sa stories ni asdfghjkl?!

Pero nacurious ako, binasa ko yung ibang post, comments, interesting huh? Sabi ko sa sarili ko. Makapag comment nga.
ColCol DT : damn. Nakakatakot naman to!

Tiningnan ko yung oras. Mag 3am na pero di ko padin ramdam ang antok at takot. Sige na lang ako sa pag comment.

*1 notification* Tiningnan ko yung notif.

Diana T., Bells Wp and 9 others also commented on a post in asdfghjkl stories.

Patuloy lang kami sa ginagawa namin, hindi namin namalayan ang oras. Damn. Malala na to. May nag notif ulit: Jeje Eksdi, SB and 9 others also commented on a post in asdfghjkl stories.

Xyrena XX: litsi yang photo comment mo Jeje Eksdi!

Diana T: di nako makakapag Cr nyan!

Me: damn nauuhaw ako. Paano na ako iinom niyan? -_-

Jeje Eksdi: haha sorry guys.

SB: haha. Pero pare, naniniwala talaga kayo sa mga ganyan? Yung incubus, mga ganyan.

Jen jen: *photo comment*
Jan Nina: *photo comment*

Takteng yang mga photo comments nyo. :(

Patuloy lang kami sa pag comment.

Jeje Eksdi: *take down notes*
Xyrena XX: Sige lang Jeje.
ColCol Dt: *kain popcorn*

Jeje Eksdi: colcol penge..

Bells Wp: guys may kwento ako.

At kinwento na nga noong bells wp ang kanyang ninanais. (Guys di ko na kniwento yun iba. Lol hahaba pa to e haha)

Hanggang sa umabot na kami ng mga 5? 6? Napagpasiyahan na kaming matulog.

Pero bago yun, minessage ko muna sila ng. 'TULOG NA!' at isa isang in-add.

The next night , ewan ko ba, pero may nag udyok sa akin na wag muna matulog at hintayin ulit sila. At di nga ako nabigo. Maya maya lang.

Romeng Wp posted in asdfghjkl stories.

Yeah. Same people. May mga nadagdag. Pero yung mga kasabayan ko last night? Sila na talaga!

Romeng Wp: mas nakakatakot talaga sa hospital kaysa sa sementeryo..

SB: (Nagopen ng new topic) boy dila. :(

And the discussion goes on and on. Hanggang sa abutin na ulit ng umaga.

Damn. I don't know pero 2 nights ko pa lang sila nakakausap pero ang gaan gaan ng loob ko sa kanila.

The next day.

*1notification*

Jen Jen tagged you and 8 others in a status and it says:

Attendance check guys.

Damn. Attendance check? Klase lang? Haha. Nagcomment ako. Umalis agad then pagbalik damn yun comments flood same as chat box.

Jeje Eksdi: *eats fries*
Jen Jen: *sends photos of chibi*
Me: haha.

Until we became compatible sharing with each other..

Xyrena XX: damn. 1000 messages?!!
Xyrena XX: br-ing.

Me: tekaaaaa.
Jan Nina: bahahahajajaja
Romeng Wp: minions? Haha.
Jan Nina: sisihin nyo si autocorrect.

October 13, 2014. I met my so called new group of crazy friends.

Mga kasama ko sa katatakutan, kasiyahan, iyakan, kalokohan, kiligan, kahalayan, sige. Lahat na ng may AN, kasi habang lumilipas ang mga araw, unti unti ko silang nakilala. Their ups and downs. Our deepest secrets.

May roong may saltik o tililing (o kung ano man ang tawag doon.) sa utak pero matalino. May palaging nagpapadugo ng ilong namin pero may awa pa rin naman. May sikat pero di niya napapansin at parang gusto kami kutosan. May workaholic pero gumagawa ng time para makisali. May akala mo tahimik pero madaming alam pala. May pala kwento pero sa sobrang excited magkwento sinasabayan ng kanyang maling pagtype. Mayroon din may kunting lumot ang utak at alam kung kailan dapat magseryoso. May kabute pero madaling makisali at hindi nauubusan ng topic. At higit sa lahat mayroon din hanggang dalawa o tatlong salita lang ang sinasabi madalas pero NOON lang iyon.

Damn. Strange, isn't it? Hindi namin inakala na magiging daily routine na namin ang pag uusap? May kwenta man o wala.

Sino ba kasi mag aakala na dahil sa pagbabasa makikilala ko tong mga ABNORMAL na ito? Abnormal pero may malaking puso.

October 13, simula ng araw na to palagian ng may ngiti sa aking mga labi bago ako matulog ng maaga este umaga. Dahil dito, naniwala na ako na you can make friends every where. Kung sa love, madalas sabihin na age does not matter, sa amin, distance does not matter. Right? Sa dummy world, nothing is impossible.

A/N kuno :

Edited by Xylene Morales na hindi ko alam kung tumatawa o umiiyak. This chapter is dedicated to her, KuyaMistery, Janine Trinidad, Bella Mo, Dayan Tejereso, Jiji XD, Jenniffer Mosquerra, and to Sorr Betes. We miss you sorr.:) Haha. Sorry for the names.
Try ko gawan din yung mga sumunod. Kaunting oras lang. Salamat.:)

Dummy World (combination of one shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon