True Love Waits

11 0 0
                                    

I am Patricia. 18.

I had this only man that I love. Siya si Aldridge. We were both young when I first saw him. Nakatira kami sa village kung saan nakatira din sila.

I was 12 years old nung nagka-crush ako sa kanya because he's really sweet. Alam ko na malandi ang dating ko kasi nga ang bata ko pa kumekerengkeng na ako.

Ang sarap lang balikan yung mga days na feel na feel ko ang ka'sweet'an niya sakin...

Naliligo kami nung kapatid ko sa ulan and suddenly...

Joyce: Patricia tignan mo yung lalaki na ka-age mo. Kung makatingin sayo para kang matutunaw.

Ako: Where?

Joyce: Yung tumakbo sis. Napansin ko kanina pa yun nakatingin sayo. Tuwang-tuwa siyang pinapanood ka maligo sister!

Ako: E si Aldridge lang naman yun e.

Joyce: (Kumakanta) Pasulyap-sulyap pa kunwari, patingin tingin sa akiiinn.......

Ako: Yaaaaak! (Pero kilig much)

Joyce: Feeling ko talaga crush ka nun ah! Because I see the spark in his eyes nung tinitignan ka niya. At nakanganga pa!

Natawa lang ako sa sinabi na yun ni Joyce. Di ako naniniwala kasi nga di ko naman nakita.

Until one time, nasalabas ako ng tindahan namin, nahuli ko siyang nakatingin sa akin mula sa bahay nila. Hindi na siya nakaiwas pa ng lingon so lumabas nalang siya.

Aldridge: Hi Patricia! Nakita nga pala kita nung naliligo ka sa ulan. Nice. Isip bata?

Ako: (Nabara ako nung sinabi niyang isip bata ako) Wow ha? Bakit mo ba ako pinapanood? Gandang-ganda ka sakin no?

Aldridge: Maganda ka naman talaga e.

Ako: (Unexpected na yun ang sagot niya kasi akala ko lalaitin niya pa ako) Buti alam mo!

Aldridge: Yiiee! Kinilig ka na non? (Mukang baliw mga tanong niya diba?)

My Mother: Kayong dalawa, ang dami niyong alam ha! Tumigil nga kayo. Kababata pa! At ikaw Aldridge, san mo ba naririnig yang pinagsasasabi mo?

Aldridge: Sa tv po.

My Mother: Sasabihin kita sa nanay mo!

Ako: Yaaaaan! Si Aldriddgeeee! (Pero ang totoo kinikilig talaga ako)

My Mother: Patricia, pumasok ka na dito.

Nag-13, 14 years old na ako. Medyo close na kami ni Aldridge.

Isang beses pa nga natyempuhan ng kapitbahay namin na si Angela na nagkasalubong si dad, ako and si Aldridge..

Angela: Mang Benjie, yan pong si Aldridge ang magiging manugang niyo. Sila na po yata ni Patricia!

Aldridge: Hindi po yun totoo Mang Benjie! Kaibigan ko lang po ang anak niyo.

Patricia: Hala? Pauso? (Speechless ako because I'm totally nervous sa iisipin ni daddy pero buti nalang hindi niya lang pinansin)

Nagkaroon naman ng concert and nandoon kaming dalawa ni Aldridge tapos siya ang kumukuha ng pictures...

Aldridge: Patricia! (One Shot)

Ako: Aldridge ano ba?! Burahin mo yan!

Aldridge: Ayako nga!

Nag-agawan kami sa camera. Nakuha ko tapos nakita ko na puro candid shots ko yung mga nandun.

Ako: Aldriiiiidge! Andami kong pictures dito. Hindi ako nainformed. Burahin mo lahat yan!

Aldridge: Wag mo na ipabura. Mas maganda ka nga diyan, mas makatotohanan.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon