KABANATA 24
Mula sa kinatatayuang burol, natatanaw ni Estefan ang pantalan. Ang natatanging barkong nag-umpisa nang maglayag ay lulan na si Sandra.
He smiled faintly as the sun started to set and he stood still from where he was. All he could do is... let her go.
Kung kailan maaari na... Kung kailan nakapagpaalam na siya sa puntod ni Uriah upang maaaring siya naman ang mag-alaga kay Sandra...
Hindi pa rin maaari.
Pinuno niya ng hangin ang baga. His chest constricted with a familiar pain. Gradually, he exhaled.
Hindi niya unang beses na palayain ang mga bagay na iniibig niya. Hindi ito ang unang beses na kailangan niyang pigilan ang sariling abutin si Sandra.
Hindi niya unang beses magpaubaya sa panahon. Hindi niya unang beses na unahin ang kapakanan ng mas nakakarami. Hindi bago sa kanya ang magparaya.
Ngunit bago para sa kanya ang makaranas ng mas tumitinding kirot habang tahimik lang na hinahayaan ang barkong iyon na ilayo si Sandra... Sa malayong-malayo.
He aged enough to know everything about himself and his natural capabilities.
Estefan embraced whatever comes along with true selflessness. Because it could hurt, but there's peace within. May galak pa ring kalakip kahit na hindi para sa sarili niya ang ginagawa.
But not that day.
Estranghero sa kanya ang pakiramdam na tilang pagkakamaling hindi niya pinigilan si Sandra sa paglisan.
Hindi matukoy ni Estefan kung anong mayroon sa kanya ngayon at hindi mabilis para sa kanyang intindihin ang hinihingi ng sitwasyon.
Nagtagis ang kanyang mga panga at kumuyom ang mga kamay. Sinubukan niyang ipatag ang paghinga, ngunit nauwi lang sa lalong pagbigat ng damdamin sa dibdib.
He looked up the sky. Nagsimula nang tumaklob ang mabibigat na ulap. Nanatiling nakatingala si Estefan hanggang sa unang patak ng ulan... Pangalawa... Pangatlo...
He closed his eyes as the rain started to pour down on him.
The very first time Estefan experienced playing under the rain was when he was four years old.
Paikot-ikot siya habang tumatakbong mag-isa sa bakuran. Pagkuwa'y tatakbo siya at tatalunan ang munting mga lusak. The watery mud would splash all over his feet and wet clothes.
Humigikgik siya at napaikot-ikot ulit. Tumakbo siya hanggang makaabot sa bakod.
"Estefan!" tinig ng ina ang nagpahinto sa kanya mula sa paglabas doon. "Estefan, huwag kang lalagpas sa bakod."
Masunuring lumayo siya sa bakod at patakbong bumalik sa bungad ng bahay. "Mama, ang saya ko!"
Hawak ang payong, nginitian siya nang matamis ng ina. "Mabuti naman. Tandaan mo lang ang usapan natin, mahal ko. Limang minuto ka lang maglalaro at kung magtatagal ay baka sipunin ka."
Mabait siyang tumango at tumingala rito. "Si Kuya Arc, Mama? Kailan siya maglalaro sa ulan? Makikipaglaro ba siya sa 'kin?"
"Hmm..." Lumingon ang ina sa nakabukas na pinto. "Archelaus! Maglalaro ka rin sa ulan, hindi ba? Samahan mo ang iyong kapatid. Nais ni Estefan na maglaro kayo."
Lumabas ang limang taong gulang na kapatid ni Estefan. Mas lumawak ang kanyang mga ngiti. "Kuya Arc!"
Sumimangot ito. "Ayokong kalaro si Estefan!"
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Espiritual4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.