Kabanata 25

2.3K 196 42
                                    

Huling 5 kabanata!

***

KABANATA 25

Dalawang taon ang matuling lumipas. Ang mga mamamayan ng Monte Amor, patuloy na umuusad at nagsisikap sa kanya-kanyang pag-unlad.

Marami nang nagbago. Nadagdagan ang mga kabahayan at tinatag na negosyo. Mayroong mga nakabuo na ng sariling pamilya at nagpapatuloy sa mapayapang pamumuhay.

The lifestyle, economy, and population flourished.

Everyone changed. Everyone moved on.

Estefan, too. Gayunpaman, binibigyan niya ang sarili ng mga pagkakataong tumanaw pa rin sa kahapon.

He laid the flowers on Uriah's tomb. Sumalampak siya ng upo sa damuhan sa tabi ng lapida nito. Mula sa suot na amerikana, hinugot niya ang postcard sa panloob na bulsa.

"Maligayang kaarawan, kaibigan." He put the handmade postcard beside the flowers.

"Kumusta ang langit? Umaasa akong maginhawa riyan at tunay kang maligaya. Dito... Nanatili ang kapayapaan ng Monte Amor. Mangilan-ngilan sa mga inilunsad kong programa ay nakikita na ang epekto. Ang mga programa mong inaral ko, nakakitaan ko na rin ng paraan upang maisakatuparan."

Hindi batid ng nakararami, ngunit may pangako sila ni Uriah noong tumakbo silang pareho upang maging alkalde. Kung sino ang manalo sa kanila, bibigyan pa rin ng tsansa na alamin at aralin ang programa ng natalong partido. At kung nararapat, ilunsad kung makakatulong sa kanilang bayan.

Uriah had feasible caring programs for the homeless youth. Walang bahay-ampunan noon sa Monte Amor. Kaya't umaapaw ang simbahan ng mga sanggol at palaboy-laboy na mga bata.

Last year, with the help of the appropriate government sectors, Estefan launched the very first children's orphanage, and a separate girl and boy center for the teenagers.

Isa lang iyon sa maraming programa at pagbabago na nailunsad mula nang magsimula ang termino ni Estefan. He's not taking all the glory alone, though. He didn't want any, to be quite honest.

It's his sworn duty and... passion, after all. He thought that until his last breath, he'd help and serve.

Matipid na napangiti si Estefan. "Naaalala mo ba, Uriah? Noong mga bata pa tayo, sinabi ko sa 'yong... wala akong planong mag-asawa?"

"Kahit tumanda na tayo?"

Napalingon siya sa puntod ng kaibigan.

But instead of a tomb, a ten-year-old Uriah was looking at him with a brow raised.

"Kahit tumanda na tayo? Hindi ka pa rin mag-aasawa?"

Humagikgik ang batang si Estefan. "Hindi naman maaaring magpakasal ang bata, Rai. Kaya't natural na ang ibig kong sabihin ay hindi ako magkakaroon ng asawa sa pagtanda."

"Bakit mo naisip iyon?" takang-taka pa rin si Uriah. "Ako, sa tingin ko, masayang magpakasal! Gusto kong magkaroon ng asawa kung maaari na!"

Tumawa ulit si Estefan. Nakaupo sila magkaibigan sa damuhan at katatapos lang nilang manghuli ng mga tipaklong.

"Kung magkakaroon ako ng asawa, magkakaroon ako ng anak. Isang pamilya iyon na kailangan kong alagaan. Ang nais ko sana, Rai, paglaki ko, magiging kagaya ako ni Lolo Aris..."

"May asawa at anak ang iyong abuelo! Kaya't buhay ka ngayon, Estefan!"

"Hindi iyon, hindi." Natawa siyang muli. "Nais kong maging alkalde. Paglilingkuran ko ang Monte Amor. Kung magiging alkalde ako, Uriah, makakatulong ako sa maraming-maraming tao. Ibig sabihin, makakatulong din ako sa maraming-maraming aso. Papatayuan ko silang lahat ng bahay.

Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon