KABANATA 26
Hindi kailanman naging balakid kay Estefan ang sumunod sa mga patakaran.
He was born and grew up to be obedient. He was an observant child, too. Tahimik niyang napagtanto mula sa murang edad kung anong magandang dulot sa kanya ng simpleng pagsunod ng mga patakaran mula sa mga matatanda.
Madali rin para sa kanya ang sumunod sapagkat mabubuting tao ang kanyang mga magulang. Since he was a little boy, his parents had countlessly proven to him that they were trustworthy.
Katulad na lamang noong may patakaran sa kanilang magkapatid ang bawal na pagkain ng matatamis (halimbawa'y tsokolate) tuwing gabi. Sinusunod niya iyon kahit malala ang kagustuhan ng isang batang tumikim kahit isang pirasong tsokolate.
Hindi niya susubukang lumusot habang tulog na ang lahat at walang nakatingin. It was tempting. He wouldn't deny that he would think of cheating with sweets.
But at the end, he wouldn't do it. He would not disobey his parents' rules. Kahit pa ginagawa iyon ng kanyang Kuya Arc at hindi ito nahuhuli, hindi naman kakayanin ng kanyang konsensya ang gumaya rito.
Mahirap man sa isang batang katulad ni Estefan na magtimpi, nagagawa niya.
Sapagkat pagkatapos ng lahat—kung hindi siya magiging pasaway at laging susunod sa lahat ng utos ng kanyang mga magulang, may gantimpalang naghihintay para sa kanya.
As a child, he would receive more chocolates and candies in times it was allowed to eat. Iyong pagsunod at pagtitimpi, may magandang kapalit... Palagi.
Habang tumatanda, napagtanto ni Estefan na hindi lang materyal na bagay ang gantimpala sa mga marunong tumalima.
It brings peace and safety.
More than that, it was easy for him to continually be obedient because he had good and trustworthy parents. Nagtitiwala siyang ang mga inuutos ng mga ito ay para sa ikabubuti niya. Ilang beses niyang napansin at napatunayan iyon.
His parents are promise-keepers. Bawat patakaran ng mga ito, may kalakip na pangako.
Hindi niya na iisa-isahin pa ang pangakong tinupad ng mga ito. Dahil kalakip din ng bawat utos na sinunod niya ay kahit minsan, hindi siya napahamak.
Kaya nga't hindi niya naiintindihan ang kanyang Kuya Arc at mahilig itong sumuway sa mga patakaran at utos ng mga magulang. Tila pagsalungat ang dugong nananalaytay rito.
Was it hard for his brother to see how good and loving their parents are?
Hindi nag-uutos at nagbibigay patakaran ang kanilang Papa at Mama upang manduhan sila. Rules implemented in their household were never to control them, only to protect them.
But maybe, Estefan's brother could not see it because Kuya Arc could not feel the consequences yet.
To rebel against bad authority is different from disobeying the rules for discipline.
The former is standing up against the abuse of power. That was never wrong.
Marunong din si Estefan sumuway sa mga alintuntuning hindi patas. Hindi siya sumusunod sa mga utos na halatang ikapapahamak niya. At hinding-hindi nag-uutos ang mga kanyang mga magulang (at mga pinagkakatiwalaang tao) ng mga bagay na labag sa batas at lumalabag sa kanyang pagkatao at buhay.
The latter, however, is a humble submission. Obedience to responsible and fair authority is never a blind faith. It's having the knowledge that if the character of those in power are always good and just, then there's no reason to resist even if sometimes, it's tempting not to comply.
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Spiritual4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.