Pagkarating palang namin ay dinig na dinig ko na ang mga masasayang sigawan at tunog ng mga tambol at gitara.
“Narito ang pamilya ng Xelvestry! Narito ang Alcalde Mayor!”
“Napakaganda ng mga binibini.”
“Ngayon ko lamang nakita ang isang 'yan. Natatangi ang kaniyang ganda, sa tingin ko ay umiibig na ako.”
“Napakaganda nung binibining nakaputi ang kasuotan, para akong nakakita ng isang dyosang kagaya niya.”
Iilan lamang 'yan sa narinig ko nang makababa kaming lahat sa kalesa. Lahat ng tao ay nakatingin sa amin. Lalo na sa'kin.
Ang ganda ko naman kasi.. Ayy charizz masyadong mahanginnn..
Bumagay talaga sa'kin ang suot kong kimona at ang sombrero ko, makikita talaga ang kaputiang taglay ko. Nasa harapan ko rin ang pamaypay ko at bahagyang tinatakpan ang bibig ko.
“Don Jacinto, kinagagalak kong makita ka rito. Mabuti at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon.”
Napatingin ako sa isang matandang lalaki na nilapitan si Don Jacinto.
“Kinagagalak ko ring muling makadalo sa pista ng Santa Rita, Don Juan.” At nagkamayan sila. May pinag-usapan pa sila pero hindi ko na pinansin pa.
“Pumasok na kayo sa loob ng aking tahanan. Hali kayo!” Ilang sandali lang ay nagsalita ulit yung Don Juan.
Inakbayan naman ako ni Katrina at sabay kaming naglakad papasok sa malaking bahay.
Gosh! Akala mo mansion ang bahay niya sa laki, mas malaki pa sa bahay ng Xelvestry.
Nilibot ko ang paningin ko at puro painting ang nakasabit sa pader. Aakalain mo nga namang museum ito dahil sa daming mga naka display na mga banga at iba pa.
“Bes, kumusta ang aking itsura? Maayos ba? Ang aking kasuotan? Ang aking sombrero, maayos ba? Maganda bang tignan?. ” Napatingin ako kay Katrina na inaayos ang kaniyang suot. Napangiwi ako.
Alam ko 'yang moves na ganiyan eh. Kapag nandiyan yung crush mo, talagang tatanungin mo talaga kung ayos ba ang itsura mo o kung maganda bang tignan.
“Ikaw ha! Marunong kang lumandi ah, sino naman crush mo?” Sinundot sundot ko ang tagiliran nito siya naman ay tudo Iwas habang naglalakad kami pero nagpigil ngiti lang siya.
He don't like Gabriel, kaya for sure may nagugustuhan siya at mukhang nandito.
“Hindi ko na naman alam ang salitang tinuran mo.”Nalilitong sabi niya.
Pabiro ko siyang inirapan.
“Crush, Yung taong natitipuhan mo.” Paliwanag ko. Mabilis namang kumurba ang ngiti sa labi niya at namumula pa ang pisngi. Psh!
Ayy talindi nito...
Napatingin din ako sa direksiyon niya na Meron siyang tinitignan at nakita ko ang isang lalaki na may hawak na kopita.
Nakikipag-tawanan pa ito habang nakikipag-usap sa tatlong lalaki na kaedaran niya lang.
“Siya si Winchi de Firma. Ang nag-iisang anak ni Don Juan at Donya Antonettte. Siya ang aking iniibig.” Pigil ang ngiti ni Katrina nang tignan ko siya.
I squinted my eyes on her at mahina siyang pinalo ng abaniko ko. Gulat naman siyang napatingin sa'kin.
Oops! Hindi ko napigilan.
“Pasensiya ka na, nadala ako sa aking nararamdaman.” Natatawa kong sabi kaya natawa rin siya.
“Maiwan muna kita ha, puntahan ko lamang siya. Sabihin mo na lamang kay ama o ina na pinuntahan ko si Vanessa na aking kaibigan dito.” Nginitian niya ako at tinapik sa braso.
Pft! Uso na pala mag-alibi ngayon. Pinanood ko lang siyang lumapit doon sa Winchi pero parang bumagal din ang galaw ng paligid nang humarang sa harap ko ang lalaking kanina ko pa hinihintay.
Isang metro ang layo niya sa akin. Bumagal ang paglalakad ng mga tao na narito, akala mo 0.5 ang paglalakad nila.
Ngumiti siya sa akin at mabagal na naglakad palapit sa'kin. Nakasunod lang ang tingin ko sa mga mata niyang nakangiti.
He snapped.
He snapped?
Fvck! Natulala ako sa kaniya. Nagulat pa ang expression ko kaya narinig ko na naman ang mahinhin niyang tawa. Bumalik ako sa ulirat at bumalik na rin ang mga tao sa normal.
“Ikaw ay natulala. Batid kong maganda ang aking mukha, marami na rin ang nakapagsabi sakin. ” Hindi ako nag-react ng sabihin niya yun dahil totoo naman na gwapo siya..
Kakaiba ang ayos niya ngayon. Mas presentable ang itsura niya ngayon pati ang porma. Bakas na bakas sa kaniya ang isang disenteng anak ng kilala at mayamang pamilya.
Bagay na bagay sa kaniya ang kulay kayumanggi niyang suot. Kung sa panahon ko, tuxedo ang tawag dito. May neck tie pa siya na bumagay talaga sa ayos niya, napaka-gwapo. Maayos din ang buhok niya na naka gel, as usual.
“Napakaganda mo, Aecy.” Nakangiti niyang usal. Inirapan ko siya at pasimpleng yumuko para ilabas ang ngiting pinipigilan ko.
Gosh! Ayon palang ang nasasabi niya ah pero Yung puso ko tumatalon sa tuwa...
Binalik ko ang tingin sa kaniya.
“Bagay na bagay nga sa'yo ang kimona na pinili ko para sa'yo. At kasiyang-kasiya pa. Natatangi ang iyong kagandahan sa araw na ito, Aecy.” Usal na naman niya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay pero nanatili siyang nakangiti.
“Wala ka bang sasabihin sa akin?” Nang-aasar ang ngiti nito sa labi.
Alam niyang gwapo siya masyado!
“Ano namang sasabi—Sebastian! Naririto ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Bakit mo ako iniwan doon?!” Naputol ang sasabihin ko at napatingin sa babaeng naglalakad papalapit sa'min.
Si Vienna. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya at pasimpleng umirap.
Lumapit siya kay Sebastian at pinulupot pa ang kamay sa braso niya na parang sinasabing sa kaniya ang taong yan.
Wow! Wala ba silang respeto sa single? Hello, nasa harapin niyo lang ako.
“Narito ka pala, binibining Aecy. Bumagay sa'yo ang iyong kasuotan, maayos na tinatago ang kapangîtân ng iyong ugali.” Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya.
Ang kapal, ano pa kaya ang ugali niya?
Ano bang meron na babaeng 'to at hirap na hirap mag-move on?
Hindi niya ba Alam na ang past is past hmp..
“Kumusta naman ang ugali mo?” Pabalang kong asik.
Nanlaki rin ang mga mata niya. Anong expect niya hindi ako marunong sumagot? Hahayaan ko lang siyang apihin ako? No way kahit sino pa siya no way na no way Duhhh..
“Hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa Iyong bibig, babae ka!” galit na sabi nito at akmang sasampalîn niya ako nang hawakan ni Sebastian ang kamay niya.
“Vienna.” Malalim at nakakatakot ang pagkakabigkas niya sa pangalan ni Vienna.
Inalis din ni Sebastian ang pagkakakapit ni Vienna sa braso niya at binitawan ang kamay niya.
“Matuto ka rin sanang ilugar ang iyong ugali binibining Vienna, huwag kang umasta ng ganiyan sa pamamahay ng mga De Firma. Fiesta ngayon dapat nagkakasiyahan tayo.” Gano'n pa rin ang boses ni Sebastian.
Nakatingin lang ako Kay Sebastian at napatingin kay Vienna na hindi siguro makapaniwala kasi pinigilan siya ni Sebastian.
“Deserve!” Mahina kong sabi.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasía"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...