“Kayo ay magkasiyahan na!” Anunsyo ni Don Juan at magkakasama sila ni Don Jacinto, at iilan pang matatanda na umakyat sa second floor ng bahay.
Nagsimulang tumugtog ang tambol at gitara, old fashioned but nakakaindak.
“Psst.” Sinitsitan ko ang isang lalaki. Napatingin naman siya sa'kin. I gestured him to come near me.
“Kuhanan mo nga ako ng tatlong baso ng alak, para sa mga ginoo.” Pagsisinungaling ko. Tumango naman siya at sinunod ako.
Bawal daw kasi kumuha ng alak ang mga babae amp!
“Aecy, bakit naririto ka lang sa sulok? Ayaw mo bang sumabay sa kanila?” Napatingin ako kay Sebastian na tumabi sa'kin.
“Mamaya na.” Magpapatama pa kasi ako ng alak para enjoy. Tama na siguro yung tatlong baso lang.
Napangiti ako nang dumating na ang lalaking inutusan ko, hirap pa ito sa paghawak sa tatlong baso kaya kinuha ko ang isa at pinatong sa naka-usling pader.
“Salamat. Anong pangalan mo?” Tanong ko sa kaniya.
“Joven po, binibini.” Tinanguan ko lang siya at umalis na rin siya.
He's like a normal citizen lang, dahil naka simpleng barong lang siya at wala masyadong ayos.
“Aecy? Para kanino ang mga serbesang iyan bakit ang dami?” Napatingin ako kay Sebastian.
Kumuha ako ng baso at inisahang lagok ang laman ng baso habang nakatingin sa kaniya. Gulat na gulat naman siya habang pinapanood ako.
Nang maubos ay pinunasan ko ang bibig ko at pasimpleng binalik ang basong wala ng laman.
“Pûtchá matapang nga, Grabe! Gumuhit pa sa lalamunan ko.” Bigkas ko at nakangiwing tinanggal ang sombrero ko.
Gulat pa ring nakatingin sa'kin si Sebastian.
“Ang OA nito talaga mag-react. Normal naman 'to sa panahon ko kaya huwag ka ng magulat. Oh shot ka muna!” In-offer ko sa kaniya yung basong may laman pero gulat pa rin itong nakatingin sa akin.
Nang mangalay ang aking kamay ay ininom ko na lang 'yong basong may laman na alak.
“Tâng!na may level ba ng tama 'to at napaka tapang ng lasa?” Napatingin ako sa alak, pareho-pareho lang naman sila.
“Ano na? Tititigan mo na lang ako? Baka maging statue ka diyan.” Mabilis kong inubos ulit ang alak at iniling ang ulo ko nang maramdaman ang tama no'n.
Iniiling ko ang ulo ko dahil umiikot na ang paligid ko, nakaka dalawang baso palang ko niyan. Pero mas nahihilo ako kapag umiiling ako.
“A—Aecy, p-paano ka natutong uminom ng s-serbesa?” Hindi pa rin bumabalik sa wisyo si Sebastian.
Matagal ba mag process realization niya na bar girl ako? Well, kapag may problems lang naman and kapag may occasion.
“Kasi umiinom na talaga.” Hindi ko na makilala pati boses ko. Pûtachá anong alak ba 'to at ang lakas ng tama?
“Tara sayaw tayo, dali!” Hinila ko Sebastian sa dance floor. Ang lahat ay gentle lang ang pagsasayaw, tamang sine-sway lang nila ang mga kamay nila, tamang nakahawak lang sila sa mga kamay ng partners nila pero ako? I have to standout
Nginitian ko ng malawak si Sebastian na hindi alam ang gagawin. Medyo malaki ang space sa pwesto ko kaya malaya akong makakagalaw.
“Oh my gosh! This if life!” Tinaas ko ang dalawang kamay ko at nagsimula nang sumayaw ng malalaking moves.
Yeah! Kembot to the left, kembot to the right! Poin to the left, point to the right. Swirl! Twerk! Ikot! Headbang! Twerk ulit.
“Ganito sumayaw!” Sigaw ko at literal na sumayaw ng hip-hop.
“Oh! Oh! Woah!” Masaya kong sigaw at patuloy sa pagsayaw kahit pa hindi bagay yung tugtugan sa sayaw ko, I have my own dance.
Pero napahinto ako, mas exciting kapag may song! I have my phone with me, together with my earphones.
Huminto ako sa pagsasayaw at dinilat ang mga mata ko para lang makita na ang lahat ng sumasayaw ay nakahinto rin at nakatingin sa akin. Ang ilan ay natutuwa, pero karamihan ay hindi maipinta ang mukha.
Pake ko sa judgement nila? Basta masaya ako.
Kinuha ko sa loob ng damit ko ang cellphone ko at sinalpak ang earphones sa phone at mga tainga ko.
I opened my music up at pinatugtog ang “What it is” by Doechii.
Muli akong napangisi habang nakatingin kay Sebastian na gulat na gulat.
“Yeah! Back to dancing.” Sinayaw ko ang chorus no'n na trending sa TikTok.
“Sinabihan na kasi kitang huwag kang iinom, bes eh.” Hinahaplos nito ang likod ko habang patuloy pa rin ako sa pagsûka sa labas.
“B-Bes! Enjoy the life, that's life. Enjoy it. Feel it. Remember it.” Nakapikit ako pero nangingiti ako.
Grabe tama ng alak sa'kin, ngayon lang ako tinamaan ng ganito ka-grabe.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko at panigurado namumula na 'yon. Ganito ako tuwing lasing, namumula ang mga pisngi at tainga ko.
“Arg! Ang init!” Inalis ko ang parang balabal na nagpadadag sa kainitan ng suot ko.
“Aecy, ano ba ang iyong ginagawa! Huwag kang maghubad.” Hinawakan ni Sebastian ang dalawa kong kamay.
Dinilat ko ang mga mata ko at kita ko ang nakasalubong nitong mga kilay.
Winaksi ko ang mga kamay kong hawak niya. Hinawakan ko siya sa dibdib niya habang ang isa kong kamay ay pinaghiwalay ang mga kilay niya.
“Ayan ganiyan lang dapat. Don't frown, feeling ko tuloy galit ka sa'kin kapag magkasalubong kilay mo.” Napasinghot ako kahit wala naman akong sipon.
Bumaba ang daliri ko sa matangos niyang ilong hanggang sa bumaba iyon sa labi niyang... malambot.
Napatitig ako roon at bahagyang naka-awang 'yon dahil marahan ang paghawak ko sa ibabang labi niya.
I tilt my head and stare at it for couple of seconds more.
Bumalik ang tingin ko sa mga mata niya.
“What did you do to me? Did you know how much strong your impact to me? In my life, I have never shifted my eyes when someone's looking directly in my eyes pero sa'yo? Palagi na lang akong umiiwas ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata mo at titigan nang matagal kasi parang hinihigop ako niyang brown eyes mo. Pero ngayon kayang kaya kong tumagal habang nakatingin sa mga mata mo oh.” Napatingin ulit ako sa labi niya dahil kumunot na naman ang noo niya.
Parang may humihila sa'kin na paglapitin ang mga labi namin.
There was a long pause of silence and no one around us was initiating anything. In a blink, I was inching the gap of our face, like everything was in a slow gravitational force. My heart started to inside my chest as if something was chasing it. Ipinikit ko ang mga mata ko.
And then, like a magical moment as if the moon and the sun finally collided after centuries of chasing each other, our lips finally met.
I KISSED HIM.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...