ʚChapter 33ɞ

16 1 0
                                    

𝘼𝙪𝙩𝙝𝙤𝙧: [ 𝐈𝐧 𝐜𝐚𝐬𝐞, 𝐈 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐚 𝐠𝐚𝐲 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫𝐬 𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐨𝐫 𝐚𝐧𝐲 𝐋𝐆𝐁𝐓𝐐𝐈𝐀+ 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐦𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬, 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐞𝐰 𝐜𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫𝐬 𝐲𝐨𝐮'𝐥𝐥 𝐞𝐧𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐦𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐛𝐞 𝐝𝐢𝐬𝐭𝐮𝐫𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐦𝐲 𝐜𝐡𝐨𝐬𝐞𝐧 𝐰𝐨𝐫𝐝𝐬 𝐦𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐛𝐞 𝐨𝐟𝐟𝐞𝐧𝐝 𝐲𝐨𝐮. 𝐈𝐭'𝐬 𝐧𝐨𝐭 𝐦𝐲 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐭𝐨 𝐮𝐬𝐞 𝐚 𝐡𝐚𝐫𝐬𝐡 𝐭𝐞𝐫𝐦𝐬, 𝐛𝐮𝐭 𝐭𝐨 𝐦𝐚𝐤𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐦𝐨𝐫𝐞 𝐫𝐞𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭𝐢𝐜 𝐚𝐧𝐝 𝐛𝐞𝐥𝐢𝐞𝐯𝐚𝐛𝐥𝐞, 𝐈 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐭𝐨. 𝐓𝐡𝐚𝐧𝐤 𝐲𝐨𝐮!]

°~°~°~°~°~°°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°


“Mahabaging langit, bigyan Niyo kami ng kapayapaan. Nawa'y ang mga mamamayan ay mabuhay ng malaya na naaayon sa kanilang kagustuhan. Ilayo Niyo kami sa mga naghihintay na kapahamakan, nawa'y manataling sagrado ang aming bayan at huwag mabahidan ng dugo ng mga inosenteng tao.”  Dinig kong may kalakasang dasal ni Tiya Teresita na nakatayo ngayon sa harapan namin.

Nakaluhod kami at lahat ay may hawak na rosaryo.

Nagrorosaryo kami ngayon kasama ang mga tao na maiingay din ang pagdarasal.

“Aming Ama, Panginoon, bigyan niyo kami ng mapayapang pamumuha—WALANG HIYA KA! BINIGYAN MO NG KAKAHIYAN ANG ATING PAMILYA.” Napadilat ako ng mga mata nang makarinig kami ng malakas na sigaw.

Mabilis akong napatayo sa pagkakaluhod at napatingin sa labas ng simbahan. Doon nagmumula ang galit na galit at malakas ng boses ng isang lalaki.

“Ama, parang-awa mo na! Intindihin mo ako, hindi ko nais bigyan ng kahihiyan ang ating pamilya.” Garalgal ang boses ng isang lalaki, siguro ay bata pa ito.

Hindi ko man nakikita pero alam kong umiiyak ito.

“Huwag mong hingiin ang pang-unawa ko dahil kailan sa mata ng mga tao, sa mata ng Diyos, kasalanan ang iyong ginagawa!” Gulat akong napahawak sa bibig ko nang makarinig ako ng parang palaspas.

Walang alintana akong tumakbo, tinatawag pa ako ni ate Elizabeth at Tiya Teresita pero hindi ko lang siya pinansin at nagmamadaling lumabas ng kumbento.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang lalaki na nilalatîgò ang isang binatilyo na walang damit pang-itaas.

“Kasalanan ang iyong pagkatao! Isa kang binabae!” Napahawak ako sa bibig ko.

He's gay? And he is being punished for his gender? Look how cruel the world is for people like him.

“Ama, hindi ko po ito g-ginusto. Ito po ako, i-ito na po ako. T-Tanggap ko po ang sarili ko na ako ay may pusong b-babae, tanggapin niyo rin po sana ako kahit hindi na lang bilang ganito... kundi bilang a-anak ninyo.” Ramdam kong napaluha ako sa sinabi niya.

I felt where he's coming from.

“Hindi naman niya kasalanan kung ganiyan siya...” Mahina kong bulong habang nakahawak pa rin sa bibig ko at umiiyak sa sitwasyon niya.

Sûgãtan ang likod niya, maraming pâsa sa mukha at katawan, gupit gupit din ang  buhok niya, at dvguan ang likod.

“Huwag mong hingin ang isang bagay na malabo mong makamit! Ikaw! Ikaw ang malas sa ating pamilya, nararapat lamang sa iyo na itali patiwârik.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nung lalaki, ang ama ng binatilyo.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon