ʚChapter 35ɞ

15 1 0
                                    

Malakas ko siyang sïnampâl kahit nahihina ako dahilan para umingay ang mga taong nanonood.

“A-Alam mo ba ang pakiramdam ng ginawa mo? N-Naramdaman at naranasan ko. Alam mo ba na masakit? Alam mo ba na nakakapanghina? Alam mo ba na nakakanginig?” Hinawakan ko ng mahigpit at pirat pirat niyang damit. “Hindi! Hindi mo alam!” Malakas ko ulit siyang sinàmpàl. Natumba siya sa sahig, gano'n din ako.

Naramdaman kong may humawak sa magkabilang balikat ko at nang tignan ko, si Sebastian. Naaawang nakatingin sa akin.

Winaksi ko lang siya ulit at sinamaan ng tingin.

Kahit masakit ang likod ko ay tumayo ako at kasama ang pinulot kong latigo.

“Siguro hindi niyo 'ko kilala, hindi niyo naintindihan yung mga sinabi ko pero sana maintindihan niyo na hindi  ka lang sa panlabas nasasaktan dahil sa mga sugat, kundi pati sa loob mo, sa puso mo ay nasasaktan ka rin. Pero alam niyo ang pinagkaiba? Yung sugat sa labas nagagamot pa eh, humihilom ng mabilis pero yung sugat sa loob? Maaaring habang buhay na maging sariwa at walang pag-asa na gumaling o maaari rin namang gumaling kaso... sa mas matagal na panahon nga lang.” Marami ang umiiyak habang pinapanood ako pero ang iba ay hinuhusgahan pa ako.

“Itong batang 'to, pareho niya dinadamdam pero mas matimbang at mas masakit ang nasa loob niya dahil sarili niyang ama, hindi siya magawang intindihin. Maging kayo! Dahil masyado kayong binubulag ng bûlok na sistema ng panahon na 'to, hanggang kailan kayo mabubulag?!” Nahihirapan na akong huminga dahil sa sipon at iyak ko.

“B-Bata pa siya... At hindi magiging hadlang ang kasarian niya kung tayo, hindi siya hahadlangan.”

Kahit kumikirot ang likod ko ay buong lakas kong tinanggal sa pagkakatali ang sako. Tinulungan naman ako ng tatlong lalaki upang ibaba siya sa lupa.

Umiiyak kong tinanggal sa pagkakatali pa ang sako hanggang sa makita ko ang batang nanghihina at umiiyak. Nanlaki ang mga mata ko.

Siya yung lalaki na hiningian ko ng alak nung fiesta.

“J-Joven...” Bigkas ko sa pangalan niya. Siya 'yon, hindi ako pwedeng magkamali.

°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~


“Nasisiraan ka na ba ng bait?! Alam mo ba ang iyong ginawa?! Hinayaan mong masaktan ka dahil sa binabaeng 'yon?!” Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Tiya Teresita.

“Alalahanin mo, Aecy sa oras na nasusugatan ka ay nanghihina ako.” Hindi na ako nakapagtimpi at hinarap ko siyang nakahiga sa upuan ng simbahan at nanghihina.

“Kasalanan ko ba 'yon? Bakit mo kasi ako dinala dito? Edi sana kung hindi mo pinili ang matigas na ulong babaeng 'to hindi ka nanghihina diyan. Kung sana pumili ka ng babaeng walang pakialam kahit may nagpapat@yan na sa harap niya, hindi mo nararanasan 'yan ngayon. Hindi kita maintindihan, Tiya eh. Hindi ko magawang intindihin.” Kahit mabigat sa loob ay iniwan ko siya roon at lumabas ng kumbento.

Kahit masakit ang likod ko ay tinungo ko pa rin ang naliit na kubo na nasa likod ng simbahan lang. Doon ginagamot ni Sebastian si Joven.

Bago ko marating ang kubo ay may bumangga sa'kin. Napatagilid ako at nagtagpo ang mga mata namin ng bumangga sa'kin. Matagal ang ginawa niyang pagtitig at mabigat ang presensya niya hanggang sa lagpasan niya ako.

“Wierd ng mga tao dito. They randomly gives bad aura to someone who just want to be happy. Hirap maging mabuting tao.” Napailing na lang ako, ang corny ko.

Nagtuloy lang ako sa paglalakad at dinadaing ang likod ko sa bawat pang hakbang. Panigurado dûguan na ang puti kong damit.

Pumasok ako sa loob. Napatingin sa akin si Sebastian pero hindi ko siya pinansin at nilapitan lang si Joven na umiiyak habang nanghihina pa rin. Hinawakan ko ang mga kamay niya.

“Kumusta ka na?” Hindi niya ako pinansin pero mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko.

“Nabigyan ko na siya ng paunang lunas. Magiging mabuti rin ang kalagayan niya.” Hindi ko pinansin nang magsalita si Sebastian.

Galit ako sa kaniya. Inis na inis ako sa kaniya.

“Gagamutin ko ang iyong sûgat.” Hindi ko pa rin siya pinapansin.

“Bakit doctor ba siya para gamutin ako? May alam lang siya sa medicine.” bulong ko, hindi pa rin siya pinapansin.

“Bakit ba hindi mo ako pinapansin?”Anito.

Hinarap ko na siya dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

“Kasi anak ka lang ng Alcalde Mayor at wala kang posisyon.” Pilosopo kong usal.

Inalala ang sinabi niya kanina. Yumuko naman siya at napansin ko pa ang marahan niyang paghaplos sa hita niya.

“Kung iyon pa rin ang pinanggagalingan mo, paumanhin. Mahirap din para sa akin, gusto ko ring tumulong ngunit naisip ko rin  ang aking imahe. Anak ako ng Alcalde Mayor ng lungsod at maaaring masira ang pangalan niya sa oras na nangialam ako.” Pasimple akong napairap. Naiintindihan ko naman pero hindi ko lang maiwasang ma-disappoint, akala ko kasi tandem na kami. Hindi pala, nagtiwala agad ako.

“Sabagay mas mahalaga nga naman ang katungkulan kaysa pagtulong sa naargabyado.” Gulat ang expression niya pero hindi ko na lang siya pinansin ulit.

Ano pa bang sense na kausapin siya? Hindi niya naman naiintindihan. Edi wag na lang din ipaintindi.

“Binibining Aecy, ayos ka lamang ba?” Gulat akong napatingin nang may bumalibag sa pinto ng kubo at nakita ko roon ang lalaking hindi ko inaasahan.

“Manuel?” Tanong ko. Nag-aalala ang itsura nito at nilapitan pa ako. Agad naman akong napaatras, naka uniporme pa siya na pang militar at hinihingal.

“Nabalitaan ko ang nangyari, mabuti at ayos ka lang. Nabalitaan ko ring may sûgat ka, nagamot na ba?” Napatingin ito sa likod ko at muling bumalik sa akin ang tingin.

“Mathilda, pumasok ka rito. Gamutin mo ang binibini.” Napatingin ako sa babaeng pumasok, naka puti itong blusa at naka palda. Siguro ay nurse siya, or what.

“Mas mabuting isang binibini ang gumamot sa iyo.” Aniya. Hindi ko siya binabalingan ng tingin dahil hindi talaga ako kumportable kapag nandiyan siya.

“Lalabas na muna kami.” Inaya niya si Sebastian.

Nagtagpo ulit ang mga tingin namin pero umiwas lang ako.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon