ʚChapter 36ɞ

15 1 0
                                    


Nang matapos yung manggagamot sa paggagamot sa'kin ay lumabas agad ito at tinawag si Manuel.

Sabi niya ay hindi naman daw marami ang mga sûgat ko at dapat daw magpasalamat pa ako dahil mababa iyon at hindi malalim. Pero masakit pa rin syempre.

Napatingin ako kay Joven na natutulog ngayon. Mas masakit ang kaniya.

Bumakas ang pinto at pumasok doon si Manuel. Hinintay ko pang pumasok si Sebastian pero hindi siya pumasok.

Naupo si Manuel sa harap ng kinauupuan ko at tinitigan na naman ako ng awkward gaze niya.

“Nakarating kay ama ang nangyari. Nais ka raw niyang makausap sa pagbalik mo sa bahay.” Mariin akong napapikit.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, may haharapin talaga akong consequence.

“Ngunit huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa iyo sa oras na may mangyari mang masama.” Tumango lang ako.

I don't know why I'm not comfortable with him. Feeling close siya, parang manyâk tumitig, presko masyado at mayabang.

I find his aura unapproachable. But I admit that's he's kind and handsome, pero mas mabait at gwapo si Sebastian.. Pero hindi ko parin makakalimutan ang ginawa niya kanina.

“Oh fvck! Why is he entering my mind without my permission? Go back to your senses, Aecy Alliyah!  You're mad at him.” I murmured to myself.

Bumukas ang pinto at napatingin ako ro'n. Speaking of the talk of my mind, he came in. Nakatingin din siya sa'min at nagbago ang expresion ng mukha niya.

Akala mo may ginagawa kaming kababalaghan kung makatingin.

Hindi kami nagkikibuang tatlo. Nandito pa rin kami sa kubo at binabantayan si Joven, kanina pa siya walang malay eh.

“Hindi ka pa ba nagugutom, binibini?” Napatingin ako kay Manuel, at nando'n na naman yung tingin niyang akala mo may balak. Ganiyan nga lang talaga siya siguro tumingin.

“Hindi pa.” Tugon ko.

*Kurggg~

Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog iyon.

Langya hindi nakisama sakin—..

“Ikaw ay maaaring magsinungaling, ngunit hindi ang iyong tiyan. Dito ka lamang, ako'y kukuha ng iyong makakain.” Tinanguan ko na lang si Manuel  at tuluyang umalis na.

Kami na lang ni Sebastian ang naiwang tahimik sa apat na sulok ng kubo na 'to.

“Hindi mo pa rin ba ako papansinin? Patawad, Aecy.” Hindi ko siya kinibo.

Inabala ko ang sarili ko sa pagbakbak ng lamesa.

Nakaka-enjoy pala bakbakin yung mga buhok buhok nito.

“Nais ni Mang Alvin, ang kaniyang ama na bigyan ka ng parusa at iharap sa hukuman dahil sa iyong ginawang pangengealam.” Pagak akong natawa at napatingin kay Joven.

“Kasalanan ko pa talaga ngayon? Hindi mo ba nakikita ang lagay niya? Dapat nga yung kaniyang ama  pa ang dapat makulong eh, kung sa panahon ko lang 'to, kulong siya agad.” Inis kong usal. Hindi siya binabalingan ng tingin.

“Kinausap ko siya na iyon ay bawiin at hayaan na lamang, pumayag din siya kalaunan at nais ka niyang makausap mamaya sa harap ng kumbento.” Napatingin ako sa kaniya.

Malungkot ang mga mata nito at gustong gusto niya akong makausap.

“Bakit?” Walang gana kong tanong.

“Handa naman akong humarap sa hukom kung kinakailangan dahil may paninindigan ako. Hindi kasi ako anak ng Alcalde Mayor eh at wala akong posisyon.” Inirapan ko siya at umiwas ulit ng tingin.

Naiinis talaga ako sa kaniya. Kanina nung dumating siya, akala ko sa wakas nakahanap na ako ng kakampi namin pero hindi pala. I trusted easily.

“Ako'y nahihirapan din ngunit hindi ako magsasawang humingi ng kapatawaran sa iyo, binibining Aecy.” Napalunok ako,

he called me binibini again. Everytime he call me that, it feels I'm a stranger to him.




“BINIGYAN MO NG KAHIHIYAN ANG ANGKAN NAMIN!” Napapikit ako sa sobrang lakas ng pag sigaw ni Don Jacinto. Para akong nanigas sa sahig kung saan ako nakaluhod.

It was the very first time someone yelled at me loudly.

My Dad never shout at me.

“K-Kumalma ka pakiusap, J-Jacinto.” Nanginginig ang boses ni Don Elena, nanginginig din ang mga kamay ko.

Hindi ko alam kung bakit ako natatakot, sinisigawan niya lang naman ako.

“Paano ako kakalma kung pati ang Gobernadocillo ay kinakahiya na ako ay kumupkop ng isang babaeng walang hiya! Simula palang ay hindi ko na gusto ang iyong ugali, masyado kang pa-importante sa pamilyang ito! Hindi por que may utang na loob ang pamilya namin sa pamilya mo ay wawalang-hiyain mo na rin ang aming pamilya.” I froze.

Hindi ko alam na gano'n na pala ang tingin nila sa'kin dahil lang sa magkakaiba kami ng nakasanayan.

“Bago mo pa tuluyang masira ang pangalang pinakaiingatan ko at ng aking mga ninuno, mabuti pa ay umalis ka na lamang dito. Kung alam ko lang na ganito ang iyong gagawin, sana ay hindi ako pumayag sa nais ng punong madre na dito ka.” Nakayuko pa rin ako at pinapakinggan ang mga sinasabi niya.

I feel helpless. I feel no one's around to side me. Of course they won't, masyado nga namang malaki ang ulo ko at feeling ko nakakataas na'ko sa kanila dahil lang sa alam ko na ang future nila.

Edi sorry.

“Jacinto, huwag kang magpadalos-dalos. Pakinggan mo ang bata, huwag mong husgahan.”

“Hindi ba ganoon naman siya? Wala naman siyang napapala sa pamilyang ito. Mabuti pang umalis na siya sa bahay.”

“Ngunit Jacinto—Huwag mo ng tutulan pa ang aking desisyon! Sa oras na ulitin mo ang ganito, hindi ako magdadalawang isip na hiwalayan ka!”Napaluha ako.

Makakasira pa pala ako ng relasyon. Mabuti pang umalis na nga lang... ako dito.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon