“Ito oh , ito ang tinutukoy ko.” Tinaas ko sa kaniya ang dalawang magkaparehong bracelet pero magkaiba ang kulay ng design nila.
“Ahh! Porselas kung ganoon.” Tumatango niyang usal.
Porselas? 'Yon ang Tagalog ng bracelet?
“Iyan binibini, babagay ho sa inyo iyan ng iyong kasintahan.” Napatingin ako sa tindera nang magsalita siya.
She's talking to me, and she's looking at Sebastian.
“Hala hindi ko po siya boyfri—I mean, kasintahan.” Depensa ko agad.
Ano ba 'yan! Bakit ba iniisip ni ateng magjowa kami?
“Bibilhin ko ito para samin ng aking kasintahan.” Pinanlakihan ko ng mga mata si Sebastian pero tinawanan niya lang ako at kinuha sa kamay ko ang dalawang bracelet.
Binigay niya 'yon sa tindera at binalot naman nung babae sa supot yung bracelet.
“Trenta na lamang po para sa inyo.” Gulat akong napatingin sa bracelet. Trenta? Thirty pesos? The fvck?
“For real ba 'yan? Milliones na'ko kung bibilhin ko lahat 'to tapos benta ko sa panahon ko.” Bulong ko sa sarili.
Binayaran na ni Sebastian si ate. Gano'n nga talaga siguro kamura ang mga products noon, that's how they value money so much. And the fact na ang rich ng economy noon kesa sa panahon ko, wala ka ng mabibili sa piso.
“Ayan bigay mo kay Vienna ang isa.” Nauna na akong naglakad kay Sebastian pero sinabayan niya rin ang lakad ko.
“Huwag ka ng magselos, ikaw ang mahal ko, hindi siya.” Napahinto ako sa paglalakad at dahan-dahan siyang nilingon.
Wtf talaga siya! Walang filter ang bibig nito.
Mahal niya raw ako?
Hinawi ko ang nilipad kong buhok at nilagay sa likod ng tainga ko, kinagat ko rin ang daliri ko at muling naglakad. T@ngina, sa panahon na lang talaga na 'to ako kikiligin.
Ayoko nang magising kung panaginip man ito.
Bumili pa si Sebastian ng mga pagkain dahil magpi-picnic daw kami sa Luneta. Sobrang dami na naming napuntahan at papalubog na ang araw.
Ang ganda ng kalangitan ngayon, sumasabay sa masayang agos ng puso ko. Hindi nagbabadya ang ulan, hindi rin sumilip ang tirik na araw.
Naghihintay lang ako kay Sebastian na bumibili ngayon ng iba pang pagkain namin.
Hindi rin ako mapakali dahil parang may nanonood sa akin bawat galaw ko. Napatingin ako sa isang dulo ng kanto at nakita ko ang isang lalaki roon habang nakatingin sa akin, nang mahuli ko siyang nakatingin sa'kin ay umiwas agad siya ng tingin.
He's familiar. Parang nakita ko na siya somewhere.
Saan ko kaya to nakita?
Akmang lalapitan ko siya nang huminto sa tapat ko si Sebastian at tinaas ang dalawang plastic na pinamili niya.
“Tayo na, Aecy.” Aya nito.
Nang hindi na hinaharangan ni Sebastian ang sa harapan ko ay napatingin ako ulit sa kantong 'yon, pero wala na ang lalaking natayo doon kanina.
He's really familiar. Did I bumped into him somewhere? I forgot.
“Tara na lang.” Inakbayan ko na si Sebastian at sabay kaming naglakad hanggang sa makasakay kami ng kalesa.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa Luneta na matatagpuan sa baybayin ng Manila bay at namangha ako, grabe! Kakaiba ang Luneta park dito kesa sa panahon ko. Napakalinis at Malawak, malaki at maraming tao na nakaupo sa damuhan habang magke-kwentuhan ang iba, ang iba nagpi-picnic, at namamasyal.
Sa hindi kalayuan ay makikita mo ang mga naglalakihang barko na dumadaong sa Manila bay.
“Dito tayo, medyo tahimik.” Naupo kami sa damuhan. Nilatag ni Sebastian ang binili niyang sapin kanina para may paglalagyan ng mga pagkain namin.
“Noon ay pangarap ko lamang na magpunta rito kasama ang babaeng mahal ko, ngayon nangyayari na.” Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Hindi ko na talaga matago pa ang nararamdaman ko.
Pinatong niya ang isang bracelet sa hita ko.
“Nais kong sootin mo ito sa oras na sigurado ka na sa iyong nararamdaman at sigurado ka na sa akin. Sa ngayon, patuloy lamang kitang liligawan at hindi ako magsasawang maghintay sayo.” Napangiti ako. Kinuha ko ang bracelet at pinasok iyon sa baro't saya ko.
Kinuha ko rin ang cellphone ko at earphones. Sinalpak ko ang earphones sa cellphone ko at nilagay sa pareho naming tainga.
I played a random song.
We ate. Enjoyed the moment. Talk about life.
We spent our remaining hours together, with music we're listening to. 63 percent na lang ang cellphone ko, risky na gamitin ng gamitin kaya gagamitin ko na lang 'to kapag magkasama kami at magsa-soundtrip.
We even took a picture together.
This day will be a memorable day of my life.
He made me realize that I deserve all the happiness in this this world, I deserve a genuine and pure treatment, I deserve to be understood despite of my uncertainties, I deserve to be pursued and validated, and I deserve to be loved by not asking for it.
“A-Aecy? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? Masakit pa rin ba ang likod mo?” Nakatingin lang ako sa nag-aalala niyang mukha at hindi kumibo. Naramdaman ko rin ang pag-agos ng luha ko.
Alinlangan pa siya kung hahawakan niya ba ang pisngi ko o ano.
Hinila ko siya palapit sa'kin at niyakap ng mahigpit.
“Thank you for making me realize that I deserve them. Thank you for treating me the way I never thought I would love to be treated. Thank you for making my heart flutter in every single moves you do. Thank you for noticing even the smallest thing about me. Thank you for loving me. I hope this day won't end, how I wish I am able to run with you and escape this world so I can be stuck in this time and grow old with you here.” I emotionally said.
I know he don't understand me, but I want him to know that I'm thankful that I time travelled and met him beyond time.
Sabi niya, handa niya akong ipaglaban kahit maubos siya. Dapat ganoon din ako, dapat ipaglaban ko rin siya kahit pa ang kapalit nito ay makabalik lang sa panahon ko. At least, I experienced fighting for love.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...