Chapter 36

673 23 6
                                    


Andrius

Tatawa-tawa akong pumunta sa magulang namin. Nang makita nila ako agad akong inakbayan ni Tito Cassiano.

“Look at your son‚ sinong hindi mahuhulog sa ganitong mukha?” Natatawang sambit niya habang nakatingin sa mga magulang ako‚ natatawang tumango si Daddy.

Tumayo si Daddy at umakbay rin sakin.

“Bihira ang ganitong mukha‚ nagmana sakin anak ko.” Nagmamalaki ang ngiti niya‚ sumulyap pa sakin at taas noong tumingin kila Mommy at Tita Luciana. Nagtawanan ang dalawang babae. Napangiwi ako‚ wine lang iniinom nila pero talo pa nila ang mga lasing.

“What are you talking about? Anak ko rin yan‚ Rius.” Sabat ni Mommy‚ nakataas ang kilay kay Daddy.

“Wala naman ako sinabing hindi mo siya anak‚ andrea honey.” Natatawang sambit ni Daddy‚ natawa rin ako. Ngayon ko lang sila nakitang mag-asaran ng ganito.

Napailing ako‚ humarap ako kay Daddy at Tito.

“Alam ko naman po na pogi ako‚ huwag na kayo magtaka bakit na in love sakin si Cassian.” Saktong dumating si Cassian‚ tumaas agad ang kilay niya dahil sa narinig.

“You’re bragging about it too much‚ baby.” Nakangiwing sambit niya‚ nginisihan ko siya.

“Pero bilib din ako sa itsura ng isang ito‚ kaya hindi na ako nagtataka kung bakit gustong-gusto siya ng anak ko.” Inakbayan naman ni Daddy si Cassian‚ nakangising tumingin sakin si Cassian.

“I know‚ Tito.” Natatawang sambi ni Cassian at inakbayan din si Daddy‚ nagtawanan sila habang ako ay napangiwi na lang.

“Edi lugi na naman kami?” Napatingin kami sa nagsalita‚ si Zed iyon kasama ang mga kaibigan namin.

“Family bonding ‘to‚ bakit nandito kami? Para ano? Inggitin lang?” Dagdag niya dahilan para mas lalong matawa ang mga magulang namin ni Cassian.

“Pumikit ka kung naiinggit ka.” Agad siyang inasar ni Lav‚ tumingin sa kaniya si Zed at ngumiti.

“Nakakatuwa rin pala na may nakakausap akong duwende.” Banat naman sa kaniya ni Zed‚ walang katapusang asaran na naman yan panigurado.

“Pwede ba‚ Zedrick? Porket wala si Zaven nilalabas mo ang kasamaan ng ugali mo.” Nakangiwing sambit ni Lav‚ sinamaan siya ng tingin ni Zed.

“Bakit ba puro ka Zaven? May gusto ka ba sa isang yun?” Inis na tanong ni Zed‚ tinawanan siya nang malakas ni Lav.

“Baka ikaw may gusto sa kaniya?” Natatawang rebutt ni Lav sa kaniya‚ agad na umasim ang mukha ni Zed.

“Ako? May gusto sa isang yun? Ayos ka lang? Si OA!” Mas OA na sagot niya. Napailing ako sa kanilang dalawa‚ sila ang nagmimistulang clown ng grupo namin.

Inakbayan ako ni Cassian at bumulong sa tenga ko.

“They are so loud‚ baby.” Natawa ako sa sinabi niya‚ hindi pa siya nasanay.

“Ang ingay niyo raw.” Baling ko sa dalawang nagbabangayan pa rin‚ sabay silang tumingin sakin bago tinignan si Cassian na nakataas lang ang kilay sa kanilang dalawa.

“Ang ingay mo kasi!” Asik ni Zed kay lav‚ gulat na napatingin si Lav kay Zed bago tumawa nang malakas.

“Halatang takot ka kay Cassian! Bading!” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumakbo si Lav papunta sa swimming area. Agad siyang hinabol ni Zed‚ pinagtatawanan lang siya ng ibang kaibigan namin lalo na ng magulang namin ni Cassian.

Under HimWhere stories live. Discover now