"I'll pass."Lumingon si Gray at Adrian sa'kin nang nagsalita ako. Gin, on the other hand, is still quiet. I'm starting to hate it when I can't read him. Magaling siguro magtago ng sikreto.
"Manonood nalang ako." I stuck out my tongue a bit bago ngumiti sa kanila.
"Kapag biglang nagbago 'yang isip mo mamaya, hindi kita pakakantahin," asar ni Adrian at binawian rin ako sa paglabas ng dila. Binatukan siya ni Gray kaya silang dalawa ang nagbangayan. I chuckled and brought out my phone to update Jane about what happened.
Mas mukha pa siyang excited kesa sa'kin nang magreply siya. Ako naman ay hindi makapaniwala sa nangyayari. And a part of me is... uneasy.
We all headed to the studio—the same one I went in last time. Doon lang sana ako sa side ng control deck kaso inaya ako ni Gray sa kabilang side kasama nila. May extra chair naman daw doon.
"Sino nalang kakanta?" nagtatampo kunong tanong ni Adrian pag upo niya sa pwesto. Nung tinignan ko siya ay tinarayan niya ako. Masyado namang matampuhin!
Napansin ko ang tinginan nila ni Gray at ngumuso siya sa direksyon ni Gin na nag-aayos ng gitara niya.
"Ikaw 'di ba, Gin?" nakangiting sambit ni Gray. Tila bumagsak ang balikat ni Gin nang marinig yon at dahan-dahang humarap sa kanila. Seryoso lang din ang tingin. Ang lamig na naman niya!
Ang ending, walang nagawa si Gin. Sabi kasi nina Adrian ay may rotation sila kapag tumutugtog at tapos na raw sila ni Gray. I chuckled at that. Ang cute naman nila, may pa-ganon pa.
"Kitang lead guitar eh," Gin complained with a monotoned voice. Hindi mo alam kung sarcastic ba o nonchalant lang talaga.
"Sus! Kaya mo naman!"
Pagtapos nilang mag-ayos, Gin played a note with his guitar and Adrian immediately followed with his drums. Disclaimer, 'di ko narinig kung anong napag-usapan nilang kanta at mukhang ako lang ang clueless dahil alam na rin agad ni Gray iyon. O sadyang may teamwork talaga sila.
Napaayos ako ng upo nang marinig ko na ang boses ni Gin. I admit, kanina ko pa hinihintay 'yon kasi I'm curious!
"I'm a puppet on a string; Tracy Island, time-traveling"
Now I feel like blushing already. Ramdam ko yung init ng pisngi ko at sana hindi nila kitang namumula na 'ko. It's an Arctic Monkeys song, but Gin sounds a little bit lower than the original vocals. Even in singing, he sounds cold.
Idagdag pa na siya ang lead guitar. Shuta, ba't ako kinikilig!?
I caught Adrian shaking his head at him, at yung ngiti niya ay parang ine-expect niya nang ito ang pipiliin ni Gin. Gray's just enjoying with his bass, smiling on his own.
"And I can't help myself, all I wanna hear her say is 'Are you mine?'"
He smiled after that line—more like a smirk. He didn't mind the constant brushing of his lips against the microphone. Alam mo kung paano lumandi 'yong mga vocalist na lalaki sa mic nila kapag live performances? Oo, ganon na ganon!
"Unfair we're not somewhere misbehaving for days; Great escape"
Gray's the back-up vocal and he's harmonizing with Gin. Tila nanlamig pa ang likod ko habang pinapanood sila. Was it because they look so cool? Or Gin Lapuz is doing something to me?
Sinubukan kong ibaling sa iba ang mga mata ko pero parang hinihila lang ako ni Gin sa direksyon niya. I can't believe it! Sana talaga ay hindi nila ako napapansin dito sa pwesto ko. I should've stayed sa labas!

BINABASA MO ANG
Escaping Discorded Beats
Storie d'amoreFor Celestine, singing is her heart's desire ever since she was a kid. The sound of music is what she like to wake up to everyday, and sleep to every night. Until she had to leave it for her sister, whom she believes is more worth than her own first...