~A Walk On The Street
(DAWN ANTOINETTE'S POV)
"A-araay!"
"Teka.. Ambigat mo k-kase eh."
"M-magpahinga muna tayo."
Buti na lang may bench kaming nakita. Dahan-dahan kong pinaupo si Zeus sa bench. Pinagpapawisan siya ng malamig, malapit na kami sa kotse niya pero talagang di ko na siya kayang alalayan. Duhh! Six footer kaya siya, at ako nakakahiya mang aminin pero 5 flat lang ako, ewan ko nga eh. Di naman nagkulang sa vitamins noong bata pa ako.
Teka andami kong daldal. Back to Zeus, nasaksak siya sa likod na balikat kase hinarangan niya ako. Siguro nagtataka kayo kung bakit kami nakaligtas. Okay, sige sige.. Ikukwento ko.
*FLASHBACK*
Matapos ko ipukpok yung bato sa ulo noong lalaki at mapadugo yun, unti-unti silang lumapit sakin.
Lalapitan na nila ako. Napapikit na ako. Siguro, dito na kami mamamatay..
"A-aaaaaahhh!"
Pagdilat ko nakita ko si Zeus sa harap ko. Napayakap na siya sakin and he totally loses his balance while me, I was dumbfounded. I can't do a thing. I just screamed and cried bacause I saw his blood running through his wound. Nasaksak sya sa likod ng braso niya.
And to my surprise, biglang dumating yung pitong mga lalaking nakaencounter namin kanina, yung humabol samin. At dun pinagpupukpok nila ng baseball bat yung dalawang bugok na yun. At pinosasan nila. Yung isang mama naman ay lumapit samin.
"Okay lang ba kayo?"
"No. Nasaksak po siya. Please help us!"
"Tsk. Ayan, pinahabol-habol niyo pa kasi kami, marami talagang adik at mga masasaang loob dito, ewan ko ba naman sainyo at bakit niyo kami tinakbuhan."
"Pasensya na po. Pero pakitulungan naman po itong kasama ko."
"Tena.. Sumama kayo samin sa barangay para magamot yang sugat ng kasama mo."
*END OF FLASHBACK*
So ayun nga. Sumama kami sa barangay at ginamot nila yung sugat ni Zeus. And when we got there, I made a call to my bodyguards to come here. Susunduin nila kami, sinabi namin sa mga tanod na doon na kami sa kotse maghihintay. Thank God na di nila ako nakilala. Napagalaman namin na mga Tanod pala yung mga yun at take note, hindi pala baseball bat kundi batuta yung dala nila. Imagine big deal sakin yun. Haha :D
Pero kidding aside. Naawa ako kay Zeus, niligtas niya na naman ako.
"Teka, palitan natin yung benda, wag ka masasaktan ha." I was about to strip his bandage when he started to piss me.
"Tss.. Ikaw kaya barilin ko tas sabihin ko wag ka mamatay?"
Bwisit talaga siyang kausap. May sugat na at lahat napakayabang pa din. Sa inis ko, pinisil ko yung sugat niya. Konti lang naman.
"ARAAAAY!!!" EVIL SMILE. HAHA :D
"Ayy. Sorry, napadiin."
"Wag mo na nga galawin! Mamamatay ako lalo sayo eh!"
"Okayy." ^__^
"Psh. Tuwang-tuwa kang ganto ako ah."
"Anong tingin mo sakin walang konsensya? Alam mo manahimik ka na lang ha.. Dami mong sinasabi."
Nakakaasar siya talaga! Bakit napaka-AROGANTE niya? Magpapasalamat pa naman sana ako pero wag na nga lang. Naisip kong useless lang, kase punong-puno ng kayabangan sa katawan 'tong bugok na 'to.
BINABASA MO ANG
Breaking His Dark Secrets
RomanceFanfiction of Zeus Collins and Dawn Chang. Enjoy reading guys. :) And oh BTW it's Fifty Shades Of Grey inspired din pala guys. Full of mysteries 'tong story na 'to.