Nagising ako nang maramdaman kong may nagpupunas sa'kin ng basang tela.
I opened my eyes and saw Gwen gently wiping my hands.
“Gising ka na pala. Hinatid ka ni Hiroshi rito kagabi, natagpuan ka niyang walang malay sa kalsada kagabi. Ano bang pinaggagawa mo sayong sarili,bes. Nilalagnat ka tuloy!” Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
Si Hiroshi? Bakit boses ni Sebastian ang narinig ko kagabi? Nananaginip lang ba ako?
Napabalikwas ako ng upo nang maalala ang nangyari kagabi.
“Hey shh...” Ramdam kong pinunasan ni Gwen ang pisngi ko. Umiiyak na naman ba ako? Hinawakan ko ang pisngi ko at basa iyon.
“B-Bes, wala na kami. Break na kami ni Sebastian.” Napahagulgol ako and lean on Gwen's shoulder. She caressed my hair and hushing me.
“Sabi ko na eh, hindi talaga pang long lasting ang relasyon niyo. Sabagay nga naman, nagmula kayo sa magkaibang panahon.”
“Pero hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis niyang sumuko at gano'n gano'n na lang niya ako iniwan. Hindi ko siya maintindihan.”
“He's not a man. How dare him make you cry. Hindi ko talaga mapapatawad ang lalaking 'yon, tinalo niya pa 'yang Kayden na 'yan. Mga lalaki talaga eh.”
Napatingin ako sa bintana at umaga na. Ramdam ko ring mainit ang katawan ko at nanghihina.
Hindi ba talaga si Sebastian ang nakita ko kagabi? Namamalikmata lang ba ako o nananaginip?
Umaasa ako na siya 'yon. Siguro nga gano'n na lang niya ako kinasusuklaman kaya hindi na niya ako nagawa pang sundan.
Kumawala ako sa yakap ni Gwen.
“Samahan mo ako, puntahan natin siya sa kanila. Kailangan ko siyang maka-usap ulit.” Walang gana naman akong tinignan ni Gwen.
“Talaga bang pagpipilitan mo pa ang sarili mo sa kaniya? Bes, sinaktan ka niya huwag mo sabihing marupok ka ah. Walang ganiyan, bawal 'yan.” Umiwas siya ng tingin sa'kin.
“P-Pero mahal ko siya, normal lang naman sigurong paulit-ulit maghabol 'di ba? Baka may misunderstanding lang kami, mas maganda kung may clarification kami. Mapapagod din naman ako eh. Please, samahan mo ako Gwen.” Bagsak ang balikat niyang hinarap ako at bahagyang tinanguan. Napangiti naman ako.
Paalis na sana kami nang makita namin si Hiroshi na kakababa lang ng kalesa.
“Binibining Aecy, mabuti at maayos na ang iyong kalagayan. Ikaw ay lasing na lasing at mainit kagabi.” Bungad niya sa'kin. Nginitian ko lang siya.
“Kayo ba ay may pupuntahan ay bihis na bihis kayo?”
“Ah oo, pupuntahan niya raw si Sebastian sa kanila. Pwede mo ba kaming samahan? Hindi rin kasi namin alam saan bahay no'n eh.” Bakas ang irita sa boses ni Gwen. Alam kong napipilitan lang siyang samahan ako dahil favor ko 'to.
“Kung ganoon, kayo ay aking sasamahan. Hali na kayo.” Lumapit si Hiroshi at hinawakan ako sa braso, inalalayan niya akong maglakad at makapasok sa loob ng kalesa.
Para naman akong pilay nito.
“Mabuti at naisipan niyo na ring magpunta sa burol?” Napatingin ako kay Hiroshi sa sinabi niya. Napatingin din ito sa'kin at nginitian ako.
Burol? Anong burol at sinong p@tay?
“B-Bakit may burol?” Mahina kong tanong. Napunta sa akin ang tingin niya at bahagyang kumunot ang noo.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...