Kinaladkad ako ni ate Elizabeth hanggang sa labasan at pinagtitinginan na kami ng mga bisita.“Elizabeth, ano ba ang nangyayari sa iyo?!”
“Martin, tawagin mo si kuya Sebastian.”
“Ama! Ama! Pumarito ka.”
Sari-sari na ang naririnig ko pero parang wala na ako sa sarili ko.
Tinulak ako ni ate Elizabeth kaya sumubsob ang mukha ko sa lupa. Nagasgas pa ang noo ko dahil doon.
“Panibagong sûgat na naman hays!” Bulong ko. Naupo ako sa lupa at tiningala sila na nakatingin din sa akin ngayon.
Kita ko ang kagustuhang tulungan ako ni Gwen at Katrina pero pinipigilan lang sila ni Hiroshi. Baka madamay pa sila sa gulong ako ang may dahilan.
“Ano ang nangyayari rito?!” Napatingin ako sa lalaking kalalabas lang ng bahay. Gusot-gusot ang damit at magulo ang buhok, may yakap siyang litrato at si Donya Elena ang naka-ukit doon.
“Ito. Narito ang magaling mong nobya. Napaka-kapal ng pagmumukha na magpakita pa rito. Maski ang kaniyang anino ay hindi katanggap-tanggap sa pamamahay na 'to.” Napayuko ako sa sinabi ni ate Elizabeth.
“Hindi ko na siya kasintahan. Tapos na ang aming pagsasama.” Parang huminto ang mundo ko sa sinabi ni Sebastian. Kumakarerang tumakas ang mga luha ko at mas napayuko.
“Tignan mo nga naman, tinapon agad ang basûrang katulad mo. Sabi ko na nga ba, hindi rin magtatagal at makikita ko rin ang hangganan sa aking harapan at ang pagbagsak mo.” Boses 'yon ni Regine panigurado nakangiti pa siya habang pinapanood ako.
“Walang kwenta!”
Nakatingin lang ako sa kanila. I keep shedding in tears while having this thought in my mind.
Like what they said—It's true that sometimes, someone's words can just cut so deep that they leave you speechless. You want to defend yourself, to explain your side of the story, but all that comes out is silence.
You're left staring at them, wondering how they could even think about saying something so hurtful, so cruel. Your brain is racing with thoughts to be mad, and hurt and betrayal, but your mouth is just frozen in silence and all you can do is look at them, wondering how they could be so heartless.
That's the reality of fact.
At yung taong inaasahan kong magtatanggol sa'kin ay nakatayo lang sa harap ko at walang emosyong nakatingin sa akin.
Tumayo ako mula sa lupa at muntik pang mawalan ng balanse buti na lang sinalo agad ako ni Manuel.
Agad akong napalayo sa kaniya nang hawakan niya ako sa bewang.
“S-Sebastian...” Tawag pansin ko sa kaniya. “Pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang.” Blangko lang ang itsura niya at nagsimulang maglakad palayo.
Tinanguan ko lang ang ilan at agad na sumunod sa kaniya. Huminto siya sa hardin nila at pinanood ko lang ang nililipad niyang buhok.
I miss here, ang gaganda pa rin ng mga flowers at nasisinagan sila ng araw.
“Anong sasabihin mo?” Napunta ang tingin ko sa likod niya. Napabuntong hininga ako at naglakad papalapit sa kaniya para pantayan siya.
“Nakikiramay ako. Hindi ko alam na ganito pala ang nangyari, pasensya na kung wala akong alam.” I looked at him. Diretso lang ang tingin niya sa malawak na kalupaan pero ako nakatingin lang sa pagod niyang mukha.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasía"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...