ʚChapter 79ɞ

9 1 0
                                    


“Carmela, gumising ka na riyan. Narito na ang butihin mong kapatid. Sa wakas, magsasama na kayo sa kabilang buhay.” Sabi ni Erwin. 'Yon ang naririnig kong tawag nila sa kaniya.

Paulit-ulit na'ko sa pagsasabi na hindi ako ang totoong anak ng Arandia pero ayaw nilang maniwala. Gumagawa lang daw ako ng excuse para makatakas.

Psh! Nakakawalang gana mabuhay.

“Pumasok ka!” Tinulak ako ng may hawak sa'kin papasok sa kahoy na kulungan.

“Kaya ko namang pumasok mag-isa! Kailangan mo talaga akong itulak?” Inis kong sabi.

“Huwag kang pala-sagot kung gusto mo pang sikatan ng araw.” Napatahimik ako at tinitigan siya ng masama.

Si Tiya Teresita, ano bang plano niya pa?

“Right! Gosh, bakit ngayon ko lang naisip 'yon?” Bulalas ko. Kapag nga pala nasusugatan ako, nanghihina siya. That means, kung pap@tayin nila ako, posible na manghina siya habang buhay.

Meron na akong pang-blackmail. Si Tiya na lang ang kulang.

“R-Regine?” Napahinto ako sa pag-iisip nang may magsalita. “Ikaw na nga ba 'yan, kapatid? Bakit mo hinayaang mahuli ka ni Erwin? Hindi ba't sinabihan na kitang huwag magtungo sa bansang ito?” Bakas sa tinig niya ang panghihina.

Hindi ko siya nilingon at rinig ko ang pag-galaw niya, dahil nag scratch ang karton na inuupuan naming dalawa.

Siya si Carmela? Minsan ko ng narinig ang pangalan niya, nakalimutan ko lang kung kanino o saan.

“Hindi ba't sinasabihan na kitang huwag ng balikan si Sebastian? Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin? Sa tingin mo ba ay mapapatawad ka pa niya? Nagsayang ka lamang ng iyong oras.” Kumunot noo ako. Mapapatawad? Bakit siya hindi mapapatawad ni Sebastian?

Ano bang history ng panahong 'to? Ano ba talaga ang history ng mga Xelvestry at Arandia.

Kung hindi ba ako dumating sa panahon na 'to, hindi mangyayari 'to? Ako ba ang sumira sa nakatakda nang mangyayari?

Hindi ko maintindihan.

“Malabong mapatawad ka niya, Regine. Huwag mo na siyang ibigin, masasaktan mo lamang siya ulit. Batid kong ayaw mong mangyari iyon, at paumanhin kung masaya akong narito ka kaysa sinisira ang nananahimik ng buhay ni Sebastian.” Mas kumunot ang noo ko.

“Anong ibig mong sabihin?” Taka kong tanong at humarap sa kaniya. Nagsimulang magbago ang expression niya hanggang sa nagulat ng hindi ang kapatid niya ang nasa harap niya.

Yeah, I'm not your sister sh!thole Regine.

“S-Sino ka?” Takang tanong niya.

Pinagmasdan ko siya at parang hinaplos ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Puno tuyong dúgó ang mukha niya, may mga pasa rin at gusot-gusot na ang suot niyang damit. Marumi rin siya at halata ang panghihina sa itsura.

Siya rito kawawa, habang yung kapatid niya ro'n hindi man lang alam na ganito ang pinagdadaanan ng ate niya.

“Aecy Alliyah ang pangalan ko at magpapaliwanag ako kung bakit ako narito.” Sabi ko habang patuloy siyang pinagmamasdan. Naaawa ako sa kaniya, how they can be this cruel? Babae siya!

Kahit nagtataka pa rin siya ay hindi siya umatras ng lapitan ko siya at naupo sa harap niya.

I started breathing heavily until my first word came out from my mouth.

Sa totoo lang kahit ganito ako ngayon, natatakot ako sa mga posibilidad na mangyari at mas natatakot ako sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari nitong nagdaang araw.

The Book That Will  Changed My Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon