“Kuya, mayroon pong mga tao roon, tila nagmamanman sila sa atin. Dumaan po sila sa kadamuhan.” Suplong ni Susa. Naalerto naman ang mga lalaki at isa isa silang kumuha ng itak.
“Hali kayo! Dito ka lamang at bantayan sila, susan.” Tumango si Susan at umalis na ang mga lalaking 'yon. Tanging kaming tatlo na lang ang natira.
So, this is her plan? Siya lang ba ang gumawa ng lahat ng 'to?
“Ikaw lang ba ang gumawa nito?” Tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin at tumakbo siya patungo sa madilim na parte ng kuta.
“Malinis na po. Maaari na kayong lumabas.” Rinig kong usal niya. Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas mula roon si Gwen, hindi lang 'yon, kasunod niya pa si Gabriel. Hindi lang silang dalawa kundi si Hiroshi, Winchi, Katrina at si Vienna.
“Oh my gosh! Ang pangít mo na.” Naiiyak na bungad sa'kin ni Gwen at niyakap ako na agad ding humiwalay sa'kin at napahawak sa ilong niya. Ang arte p0t@!
“Hay kung alam ko lang, sinundan sana kita.” Sabi ni Vienna. Gusto ako nitong lapitan pero ang ending, pinanood na lang niya ang mga kuko niya.
“Anong ginagawa niyo rito?” Tanong ko.
“Edi nililigtas ka.” Sabi ni Gwen. “Pati 'tong si ateng isa. Hello po, ang ganda niyo pa rin kahit dry na lips niyo.” Dagdag niya pa.
“Tayo na! Baka bumalik sila agad. Mabilis lamang mamamâtày ang apoy.” Sabi ni Katrina at lumapit sa akin upang kalagan ako. Isa isa silang lumapit sa amin at kinalagan kami mula sa pagkakatali.
Nang tuluyan na akong makawala at makatayo ay niyakap ako ni Hiroshi ng mahigpit. Gulat naman ako sa ginawa niya.
“Mabuti at ligtas ka.” Rinig kong sabi ni Hiroshi at kumawala sa akin. Hinawakan niya ako sa pisngi at marahang hinaplos ang sugat ko. “Patawad kung kailangan mo pang maranasanan ang lahat ng ito.” Aniya.
Okay... What's happening?
“Mamaya na landian pwede? Kailangan tumakas na tayo kung hindi lahat tayo kulong. Weaponless pa naman tayo.” Sabi ni Gwen. Inalalayan niya ako maging si Hiroshi dahil hindi ko maigalaw ng maayos ang mga paa ko.
Nagsimula kaming lahat maglakad.
“Bakit po kayo huminto, binibining Carmela?” Napatingin ako kay Susan na nagsalita at tumingin kay Carmela na nasa apat na hakbang ang layo sa amin.
“Dahil ito ang nakatakda sa akin, at kahit anong pilit ko ay hindi ko magagawang pigilan ang dapat mangyari.” Sabi niya habang nakatingin sa akin. 'Yon ang sinabi ko kanina. “Kasabay ng pagtakas mo, dalhin mo sana ang aking mga salita.” Nakangiti niyang sabi pero hindi nakatakas sa'kin ang pagtulo ng luha niya na agad niya ring pinunasan.
“Umalis na kayo, naririnig ko na ang mga boses nila.” Sabi nito.
Nanggigilid na naman ang mga luha ko.
“Sumama ka sa'min, Carmela. Kung hindi pagsisisihan kong hindi ko nagawa ang lahat para maitakas ka rin.” Mas ngumiti lang siya sa akin.
“Wala kang dapat pagsisihan dahil ginusto ko ito at ito ang nakatadhana sa akin. Kung kaya't dalhin niyo na siya at ilayo sa lugar na ito, ako na ang bahala sa lahat.” Anito. Kahit mabigat sa loob ko, hinayaan ko na lang na dalhin nila ako. Napahinto na naman ako ng tumigil din si Susan mula sa paglalakad.
“Mag-iingat po kayo, binibining Aecy. Masaya akong naging ate ko kayo.” Nakangiti niyang sabi kahit umiiyak na siya.
Bakit? Bakit sila ganiyan? Nakakuha na kami ng pagkakataong makatakas pero bakit ganiyan pa rin sila?
“S-Susan..” Nag-uumpisa na naman akong umiyak.
“Dito po ako nabibilang, ito po ang tahanan ko. At kung ano man pong mangyari sa akin ay hindi ko katatakutan dahil kahit papaano ay nakagawa ako ng paraan upang itakas kayo mula sa kapahamakan. Gaya po ng sabi ninyo, ang nakatakda ay nakatakdang mangyari.” Nakangiti niya ring sabi. Kasabay ng pagluha niya ay ang pagbagsak din ng mga luha ko.
“Aecy, tara na. Kailangan na natin makatakas. Hindi 'to ang panahon para magtagal.” sabi ni katrina.
“Girl 'di ba super hate mo sa mga suspense movie yung mga characters na nagtatagal pa kahit malapit na sa kapahamakan at nagd-drama pa? Bakit ginagawa mo ngayon? Tara na.” Sabi naman ni Gwen.
Now I understand them. I understand those characters na inuuna pang mag-drama bago tumakas kahit ang ending mahuhuli sila at nakakainis yung gano'n. Pero ngayon nararansan ko, naiintindihan ko na.
It's the feeling and thought. The thought that it will be the last time they will see each other is the feeling of being incomplete and regrets. Kung sanang mas maraming oras sila together, siguro makakabuo pa sila ng maraming memories.
And that's what I'm thinking.
Minsan kung sino pa yung mga taong hesitant kang pagkatiwalaan, sila pa yung mga taong totoong mapagkakatiwalaan.
“Nakatakas sila!” Nagulat ako nang mapatingin kami sa lalaking nakatingin kina Susan. Bago pa niya kami makita ay hinila na nila ako at nagtago kami kung saan nagtago sila kanina. Sobrang dilim dito.
“Paano nakatakas ang babaeng 'yon?! Paano ka nakawala?!” Nanlilisik ang mga mata ni Erwin
Napahawak ako sa bibig ko sa gulat nang higitin ni Carmela ang kutsîlyo mula sa kamay ni Erwin. Tinutok niya iyon sa leeg niya habang nakatingin kay Erwin na ngayon ay hindi mawari ang emosyon.
Ang matapang na itsura ni Erwin ay biglang nanlambot.
“Am I going to witness her k!ll herself?” Wala sa sariling bulong ko. Ramdam kong nanggigilid na naman ang mga luha ko.
“Napakarami nating hinanakit sa buhay ano? Kung saan maging ang masaya at pagmamahalan natin ay nalagay sa bingit ng katapusan. Yung mga bagay na dapat ay mga magulang natin ang nagdudusa, ay ating pinagdudusaan. Hindi sa selda na 'yon, o sa kuta na ito kung hindi sa mga sakit at galit na kinulong natin sa ating mga puso.” Hinigpitan ko ang paghawak sa bibig ko dahil humihikbi na ako. “Maging ang mga inosenteng tao, nalagay sa alanganin. Alam kong mahirap magtiwala, mahirap maniwala ngunit ginagawa pa rin natin dahil iyon ang kagustuhan natin. Alam mo ba? Akala ko ang pag-ibig lang natin ang may pinakamalungkot na kwento, hindi pa pala. Dahil may isang pag-ibig na pinagsaluhan ng dalawang tao ngunit sa huli, naglayo rin at ang isa sa kanila? Naiwan at patuloy na nasasaktan.” Aniya. Nanlaki ang mga mata ko ng mas nilapit niya sa leeg ang kutsilyó. “Iyon ay ang buhay pag-ibig ni Aecy. At hindi ko pinagsisisihang hinayaan ko siyang makatakas.” Tuluyang bumuhos ang mga luha ko ng sinimulan niyang g!l1tan ang leeg niya.
Nanlaki rin ang mga mata ni Erwin at Susan maging ang iba pa nilang tauhan.
“Hindi ka man maniwala, mahal ko, ngunit hindi siya ang tunay kong kapatid. At ano mang nais mong gawin sa aking kapatid ay hinahayaan na kita na gawin iyon. Kung nais mo siyang isunod sa akin, mas ikatutuwa ko nang sa gayon, hindi na siya makapanakit pa ng iba. Mahal na mahal kita, Erwin. Sana sa susunod na buhay natin, pagtagpuin tayong muli at hayaan sana tayo ng Maykapal na bumuo ng sarili nating pamilya at maging masaya. Patawad kung uunahan na kita.” Napapikit ako nang sin4ksak niya ang kutsilyó sa leeg niya. Napasandal ako kay Hiroshi at doon humikbi.
Bakit kailangan palaging may nawawalan ng buhay? Ako ba ang dahilan? Tuluyan ko na nga bang binago ang nakaraan?
“C—Carmela.. m-mahal ko... P-Patawad.” Rinig ko ang malakas na paghikbi ni Erwin.
“Tumakas na tayo, tara na.” Rinig kong sabi ni Gabriel. Nagsimula silang maglakad, at nagpatianod na rin ako. Wala na ako sa aking sariling katinuan.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...