Chapter 13

232 13 0
                                    

SHARIAH POV

Eto na ang quiz bowl..omg..grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon..feeling ko nasusuka ako na hindi ko maintindihan..sa Great High gaganapin ang contest..at nandito na kami ngayon..kasama ko ang G Clef at ang teacher ko sa Math..bale oral exam ang magaganap..may kanya kanya kaming white board at dun namin isusulat ang sagot namin sa bawat tanong..at ang pinakamaraming tamang sagot o points ang syang mananalo..bawat round ay may corresponding points..1 point sa round 1..3 points sa round 2 at 5 points sa round 3..tig sasampung questions bawat round..wala kaming calculator kaya malaki ang whiteboard namin para dun magmano mano ng pagsasagot..may limit time din bawat question..sa contest na ito ay pabilisan ng pagcocompute..kahit anong formula o solusyon ang gawin mo ay ayos lang basta ang mahalaga ay tama ang sagot mo..

"ok contestants..here's your first question"..sabi nung emcee..eto na talaga..nag umpisa na..nakinig akong mabuti sa mga tanong..and gladly meron na kong 9 points para sa 1st round..

STEPH POV

Ang galing ni bestfriend..isa lang ang mali nya sa round 1..confident ako na mananalo sya sa quiz bowl na ito..

"alam kong magaling sya..pero pano nya nagawa yun?"..titig na titig si Ronnie kay bestie..napatawa na lang ako..kasi naman ag bestfriend ko..tinamad magcompute sa whiteboard kaya sa utak na lang sya nagcocompute..yes..sa utak nya..ang galing noh?..nappressure siguro sya sa oras kaya hindi na sya nagsusulat sa board ng computation nya..bawat question ay sagot lang ang sinusulat nya sa board samantalang yung mga kalaban nya ay may anik anik pa na nakasulat sa board..nang matapos ang round 2 ay sya ang nangunguna sa points..pumapangalawa ang representative nang Great High..Carlos ata ang pangalan..at maya maya pa ay tapos na ang quiz bowl..akala ko panalo na si Bestie..kaso may ka-tie sya para sa 1st place..

SHARIAH POV

Ano ba yan..tapos na ang laban kaso may nakatie ako..yung estudyante ng Great High..so ibig sabihin maglalaban kaming dalawa sa tie breaker..binigyan kami ng short break para makapagrelax..pero 5 minutes lang yun..isang tanong lang ang sasagutin namin..at dito..paunahan kaming makasagot..kaya talaga namang nakakakaba pero yung kalaban ko..prenteng prente ang upo..ramdam ko nga ang hangin sa ulo nya ehh..sus..maya maya ay nag umpisa na ang laban namin..hayy..daig ko pa ang lalaban sa gyera ay..

"ok..here's your tie breaker question"..panimula nung emcee..omg..nakakapangatal talaga..

"5*3+{2[3/1+(2*8)]}-53"

a/n : yung *sign ay multiplication then the / sign is division

PEMDAS?..kung tama sa pagkakaalala ko kung yun nga ang tawag dun..after nya banggitin ang question ay may binigay sya samin na papel..yun yung question..

"your timer starts now"

STEPH POV

Nag umpisa nang magcompute sa board yung Carlos..pero si bestie ay nakatingin lang sa papel na naglalaman nung question or problem..nagulat siguro sya..kasi ang mga tanong kanina ay malayo sa tanong ngayon..

"anong ginagawa ni Shah?..bakit nakatingin lang sya sa papel.?.."..takang taka na tanong ni Ian..maski ako ay nagtataka din..hindi ko kasi sure kung kayang magcompute ni Shariah sa utak nya ng ganang kahaba na equation..bigla akong kinabahan..pero mas kinabahan ako ng magsulat ng sagot si Shariah sa board..hah?..paanong?..naunahan nya si Carlos..pero patuloy pa rin si Carlos..may chance pa kasi syang manalo in case na mali ang sagot ni Shah at tama ang kanya..

SHARIAH POV

Saglit akong nabigla sa tanong..pero agad akong nakabawi..mahaba haba na ang naisusulat nung kalaban ko..nah..waste of time pa kung sa board ako magcocompute..tinitigan ko ulit yung question..

2*8=16+3=19*2=38+15=53-53

Yan ang tumakbo sa isip ko habang nakatitig sa papel..tama ba to..zero ang sagot?..mejo nag alinlangan pa ko pero bahala na..agad kong sinulat sa board ang malaking 0 at ginuhitan iyon..nagkatinginan ang quiz bowl committee at pinindot ang buzzer which means may nauna nang makasagot sa equation at sana ako yun..hindi ko makita ang sagot ng kalaban ko..magkaharapan kami which means ang mga board namin ay magkatalikuran..

1st ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon