SHARIAH POV
Sa wakas..tapos na ang masalimuot na Math Quiz Bowl..hayy..ayoko na..last ko nang laban yun..nakakapika ehh..parang bias pa ang nangyari..well..move on na dahil tapos na yun..nilibre kami ni Sir sa isang restaurant..sosyal..ang yaman ng teacher namin sa Math..after nun ay nagpasya na kaming umuwi..at syempre..kay Ronnie n sasakyan kami nakasakay ni Steph..
"ngayon ko napatunayan na halimaw ka talaga sa Math", iiling iling pa na sabi ni Ronnie..napatingin naman sakin si Steph at nginitian ako..ngumiti na lang din ako..hindi na ko nag abalang umimik pa kasi pagod na pagod ang utak ko..gusto ko na lang matulog..
"Shah..gising na", naalimpungatan ako nang gisingin ako ni Steph..andito na pala kami sa tapat ng bahay ko..nakaidlip kasi ako sa sobrang pagod..agad naman akong bumaba ng kotse at nagpaalam sa dalawa..
-------
"anak..nakapag inquire na ko sa mga universities sa Canada..and i provide the hard copy..so check it in your room and choose what you want..", kasalukuyan kaming kumakain ng dinner ng iopen ni Mama yung topic na yun..hayy..ilang beses ko nang sinabi na gusto kong dito mag aral ng college ehh..
"but Ma!",
"no but's Shariah..matagal na natin itong napag usapan diba..you will continue your studies in Canada..", buo na talaga ang desisyon ni Mama..si Papa naman ay tahimik lang..ayoko talagang mag aral sa ibang bansa..mahihiwalay ako sa G Clef ehh..pero hindi ako susuko..may 3 months pa ko para mapabago ang isip ni Mama..oo 3 months na lang at graduation na namin..ang bilis nang panahon noh..hayy..sana naman magbago pa ang isip ni Mama..
--------
"Bestie..nasan ka na ba?", bungad sakin ni Steph nang sagutin ko ang tawag nya..papunta na kong school..pre-valentines party kasi namin..Feb. 1 pa lang ngayon at gusto ng school na magpaparty na agad..masyado silang excited ehh..nagtataka ba kayo kung bakit hindi kami magkasama ng bestfriend ko..well nauna na sila ni Ronnie sa school..oo silang dalawa..ang sakit lang na iniwan nila ako para lang masolo nila ang isa't isa..edi sila na ang may forever at ako na ang bitter..sus..bakit ba kasi hindi mawala ang pagkagusto ko sa Ronnie na yan ehh..inlove na nga ata ako :-(
Nakarating na ko sa school at nakita ko si bestie na inaabangan ako sa may gate..bale ang party kasing yun ay may mga booths then mamayang hapon ay may mini concert..edi syempre G Clef ang tutugtog..kaya ma oop na naman ako..
"tara na dali..", excited na excited si Steph na pumasok sa school kaso nagulat kami nang may nagposas kay Steph..hindi sya tunay na posas pero parang ganun na din yun..
"sorry po Ms. Steph..kayo po kasi ang naka T-shirt na red na may nakalagay na "destiny" ehh..tara na po..nag aantay na ang groom nyo", sabi nung sophomore na hinila hila si Steph papunta sa marriage booth..sumunod naman ako sa kanila at nanlumo ako kung sino ang groom ng bestfriend ko..si Ronnie na naka T-shirt na red na may heart..kung tutuusin parang pang girl yung heart thingy pero bakit ang gwapo gwapo nya?..
"you may now kiss the bride", hinalikan ni Ronnie si Steph sa cheeks then pinakita nila sa audience ang singsing nila na fake..ouch!..as in ouch talaga..hindi na lang ako nagpahalata na apektado ako..pero my day was ruined by that moment..ang sakit sakit kasi ehh..gusto ko na ngang umuwi kaso may mini concert pa ang G Clef..magagalit sila pag hindi ko sila napanood..bandang 2pm nang magpunta na ko sa gym..dun kasi gaganapin ang concert..agad naman sumalubong sakin si Jeff na tinuro sakin kung san ang magiging upuan ko..at nagulat naman ako sa magiging upuan ko..nasa harap nang stage yung nag iisang upuan na may pangalan ko pa..tapos yung ibang upuan ay nasa likod at hile-hilera..
"teka..bakit nandito ang upuan ko..vip lang ang peg?", tanong ko kay Jeff na agad akong nginitian..
"para yan sa bunso namin", nakangiti pa din nyang sabi..nakakatouch naman..kaso alam ko sa kabila nito..mas madami ang maiinggit sakin..