RONNIE POV
As of now..nandito ako malapit kay Shariah..patuloy akong kumakanta habang nagpplay ang mga picture ni Shariah na ako mismo ang kumuha..and yes..im a stalker way back then nung hindi pa nya ako kilala..tinitigan ko sya..at kitang kita ko sa kanya ang pagtataka..Nang matapos ang kanta ko ay tahimik ang buong gym..nakakabinging katahimikan..pero umingay ulit nung may lumabas sa screen..
I love her with no reasons..I just love her..
After nun ay lumabas ang last at pinaka latest kong picture ni Shariah..nung nakatulog sya sa kotse ko after ng quiz bowl..Tiningnan ko ulit si Shariah..nakatakip ang kamay nya sa bibig nya na parang hindi makapaniwala..
"Shariah", tawag ko sa kanya..nagpalinga linga sya para hanapin ako..pero ayoko munang makita nya ako..baka magkandautal utal ako pag tumingin sya sakin..
"I know nabigla ka..pero matagal ko na tong gustong gawin..ang dami kong inipong lakas ng loob para masabi sayo to..Shariah Meneses Santos..i like you..no..i love you Shah..and i will court you no matter what happen..i will not ask you kung pede..but i want you to know that from this day February 1, 2*** in front of Star Academy..i will court you.."
After kung masabi yun ay biglang bumukas ang ilaw ng gym..nasa stage na sina Steph..nag umpisa na ulit silang tumugtog..at bago ako umakyat ng stage ay lumapit muna ako kay Shariah at binigay ang isang red rose..ngumiti ako sa kanya at umakyat na ulit ng stage para ituloy ang mini concert..
SHARIAH POV
Teka..nananaginip ba ko?..para kasing totoo ehh..kinurot ko ng palihim ang braso ko..at nasaktan ako so it means na totoo talaga ito..ano ba yan..parang kanina lang..nakapagdecide na akong kalimutan ang nararamdaman ko tapos biglang ganito?..gulong gulo na talaga ako..totoo kaya ang sinabi nya..mahal nya din ako?..pero pano nangyari yun?..all this time ang alam ko si Steph ang mahal nya..
Nagliwanag na ulit ang gym at nakita ko syang palapit sakin..inabot nya sakin ang isang red rose at ngumiti..yung ngiti nyang yun..yun ang laging nagpapakaba sakin tulad ngayon..ang hindi ko lang alam..san nya nakuha ang mga stolen pics ko..ehh yung mga pics na yun ay yung time na hindi pa kami magkakilala..