Bus Stop

17 5 6
                                    

11:45 pm

Napabugtonghininga ako ng makita ang oras. Wala akong choice kundi ang tanggapin ang kapalaran na kailangan kong mag-overtime para lumaki ang sahod ko.

Malakas ang ulan at tila ayaw na nitong huminto. Hindi ako nagdalawang-isip na sumilong dito at mahihintay na lang sa darating na bus.

"Sa Trade ka rin ba, bababa?"

Muntik akong mapatalon sa gulat ng marinig ang isang napakahinhin na boses. Agad ko itong binalingan at hindi agad ako naka sagot dahil sa kakaiba nitong tingin sa akin.

She was smiling ear to ear.

Iyong tipong ngiti natin kapag umaga pa.

"Sa...Histo ako," Sagot ko sa kanya.

"Ahh..." I can't help but to feel a bit awkward between the two of us. Kapag kasi nasa waiting shed ako or bus stop, hindi ako 'yong tipong nakikipaghalubilo. In fact, it's my first time talking to strangers.

"Alam mo, first time kong may kasama ngayon sa bus stop." Giit nito habang nakatingin sa malayo. The look on her eyes shows a lot of emotion, making me wonder why.

"Wala bang ibang sumisilong dito?" Tanong ko.

"Meron naman sa umaga, sa gabi wala..." Maikli nitong sabi na nagpakunot ng noo ko. I was about to asked her ngunit agad ring naitikom ko ang bibig ng may isang bus ang dumaan.

Mabilis akong napatayo at iniwagayway ang kamay sa direksyon ng bus. Gusto ko na talagang umuwi.

"Mauna na ako," Saad ko sa kanya bago sumakay sa bus. Ngumiti lamang ito bilang paalam din.

Isang kakaibang tingin ang ibinigay sa akin ng driver sa bus nang makapasok ako. I can't help but to feel uneasy, hindi ko na lang ito pinansin pa at naupo na lang sa malapitan nito.

Wala ako choice, kung sa hulihan pa ako uupo...tiyak na pagagalitan ako nito. Ako lamang ang pasahero niya, kaya nakakainsulto din ko sa hulihan pa ako uupo.

"Iha?" Agad na nakuha nito ang atensyon ko. I look at the bus driver na nakatutok ang mga mata sa daanan.

"Ho?" Nagdadalawang-isip kong tugon dito.

"Ewan ko lang iha ha, king dapat ko ba 'tong sabihin..." Saad niya, "Kanina kasi, don sa bus stop eh...nag-iisa ka lang."

"Ano?"

"Iha kaya nga iba yung tingin ko sa'yo sa pagpasok mo, akala ko nga ay may saltik ka sa utak."

"Nag...bibiro ka lang kuya d-di'ba?" Hindi ko mawari kung ano ang mararamdaman. Dahan-dahan nang kumalat sa katawan ko ang ginaw na kung saan ay mararamdaman mo lang sa mga ganitong bagay.

"Nagdadalawang-isip nga ako kung papapasukin ka eh...akala ko nga ay namalikmata ako kanina." He stop, making me to feel the chills in my body. "Kwento pa naman doon sa bus stop na yun ay may isang babae daw'ng namatay diyan."

Shiver runs to my veins after hearing what he said. Agad akong napabalik tanaw sa nangyari kanina at mas lalo pang natakot ng mapagtanto ang isang bagay.

Kasi kung totoo siya, bakit hindi ko man lang nakita ang dalang payong niya?

Lalo na't ang kaniyang maputing damit ay hindi man lang nabsa sa gitna ng malakas na ulan.



Bus StopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon