Kabanata-9

5 1 0
                                    


Pag balik ko nang Hacienda Mariano agad kong nakita si Lia sa harden nag babasa ito nang Libro habang naka upo sa Duyan,saglit ko itong tinitigan at hindi maalis saaking puso ang poot at lungkot dahil sa ginawa ni Lia bakit hindi niya sinabi saakin na nakita niya ang sulat ni Gabriel para saakin. aalis na lamang sana ako dahil ayukong makausap ito ngunit huli na dahil nakita na ako ni Lia at palapit na ito saakin kaya pinilit ko nalamang mag paka pormal sa harap nito.

Lia: ella saan ka galing? kanina pa kita hinahanap ang sabi nang iyong ina ay umalis ka raw dahil araw nang inyong pahinga!

Pinilit kong ngumiti sa Harap ni Lia at napa tango rito.

Ella: oo may pinontahan lang akong kaibigan...

Nakita ko ang pag bago nang ekspresyon nang mukha ni Lia na tila nag tataka ito.

Lia: kaibigan? maliban saakin si Gabriel lang ang iyong kaibigan? huwag mong sabihin na pinontahan mo ang aking nobyo?

Palihim akong napa kuyom nang aking palad nang marinig ko ang sinabi ni Lia ngunit batid kong nag aalala ito na baka nakipag tagpo ako kay Gabriel kaya agad akong napa iling.

Ella : huwag kang mag alala batid ko namang kahit mag kaibigan kami ni Gabriel hindi na ako basta bastang makakalapit sakaniya dahil sa malapit na kayong ikasal ang tino tukoy kong kaibigan ay si Binibining.Cecelia ang anak ni don.Emanuel Buencamino binisita ko lamang siya dahil naging matalik na kaming magkaibigan...

Lia: ganun ba ngunit wala ka namang na e ki kwento saakin na meron kana palang bagong kaibigan Ella...

Ella: paumanhin nawala lamang saaking isip naging abala kasi ako nitong mga nakaraang araw ngunit tulad mo mabait din si Cecelia saakin hayaan mo ipapakilala kita sakaniya pag may pagkakataon...

Lia: huwag na hindi ko na nais pang magkaroon pa nang bagong kaibigan ikaw lang ay sapat na saakin...

Hindi ko mapigilang kumirot ang aking puso sa sinabi ni Lia hindi ko batid kong totoo paba sakaniyang puso ang mga binibitawan nitong salita para saakin.

Primer y' ultimo amor (una at huling pag ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon