Hinila niya nga ako papunta kung saan bumungad sa akin ang isang coffee shop. Pero hindi doon tumuon ang atensyon ko.Nakatuon ang tingin ko sa kamay niyang marahan na nakapulupot sa aking pulso habang maingat akong hila-hila patungo ng café.
As I observed him day by day, unti-unti na siyang naging touchy. I mean, katulad ngayon hila-hila niya ako sa aking pulso. The other day, kung parang maka-akbay naman parang ilang taon na kaming magkakilala.
Though I didn't complain about it. I like the feeling. I like the way every time he does that, as if he wants me safe. He's guiding my way gentlemanly.
Sa ugali ko hindi ako madaling maging komportable sa isang bagay, tao, at lugar kaya nakakagulat din na wala akong nafe-feel na discomfort sa lalaking 'to.
Hindi ako sumasama sa mga taong hindi ko naman gaano ka close o bago lang magkakilala. I have trust issues, but this guy who dragged me 'til here, wala akong pag-alinlangan na naramdaman kung saan niya ako dadalhin. Doon lang ako nag-alinlangan sa pagsakay ng Jeep.
I'm comfortable with his presence, his movements, his touch, and especially his scent. He smells so good every time.
Binitawan niya lang ako nang pagbuksan niya ako ng glass door ng café. And I felt sad when he let go of my wrist. Napanguso nalang ako. Ano ba 'yan, Meo!
Ngayon ko lang din naalala na hindi ko pala dala ang sariling bag dahil dala-dala pa rin ito ni Cj. Hindi na ibinalik sa akin simula kanina. Wala naman siyang dala kaya ang bag ko na ngayon ang nakasambilay sa kaniyang balikat.
Napanguso ako. Cute!
Pero bago pa ito makaabot sa counter ay pinigilan ko na dahil ayoko na ng maraming utang sa kaniya. I can pay and I want to treat him in the first place.
"No, umupo ka na ro'n. Ako na ang oorder baka bayaran mo na naman."
He arched his brows at me smiling. "O, sige." then he walked towards the vacant table.
Tumaas ang kilay ko. Buti naman hindi na umalma. Akala ko mahihirapan na naman ako. Well, we talk about it na naman, he planned this out.
Nakaupo na siya ro'n at doon lang din ako pumuntang counter para mag-order. Oh! I forgot to tell him what he wants, kaya nilingon ko ulit.
"Hey, anong sa'yo?"
"Brown sugar, Meo." he was smiling charmingly when he answered while he was now sitting loosely.
Nilingon ko ang babae na nakangiti na sa akin at naabutan ko pa itong tumingin galing kay Cj. She was smiling brightly.
"Good pm, sir. How can I help you?"
"Brown sugar and a boba, please." I ordered.
Inilapag niya sa harapan ko ang drinks. Ang bilis naman! Nilahad ko ang bayad pero hindi nito iyon tinanggap kaya kumunot ang noo ko sa babaeng nakangiti.
"It's already paid, sir. Enjoy!"
"What? How?" takang-taka kong tanong.
Paano naging bayad? Eh, kaka-order ko lang.
The woman smiled widely. "Reserved 'yan, sir. Si Cj ang nagbayad niyan." nguso niya sa lalaki na nakaupo na nagc-cellphone.
Umawang ang mga labi ko. Ang lalaking 'to! Kaya pala ang bilis ng pag-served, ni-reserved naman pala. Kaya pala dinala niya ako rito at hindi na umalma. Well planned!
Padabog akong nagmartsa patungo sa lamesa kung saan nagc-cellphone ang barumbado.
Padabog ko ring inilapag sa kaniyang harapan ang boba kaya bahagya pang napatalon sa kinauupuan dahil sa gulat.