“Get out!”
Nakangisi akong lumabas ng room habang namumuyos naman sa galit si Sir Reyes. Habang ang mga kaklase ko naman ay umiiling iling nalang sa kahihiyan na nagawa ko. Hindi na ako tinatablan ng hiya.
Sino ba naman kasi ang matino ang pag tawanan ang panot na buhok ni Sir Reyes. Malamang ako!
Hindi na ito bago sakin. Noon pa man ay hakot gulo na ako. Gustohin ko mang alisin sa sistema ko ang gantong pagiging gaga, hindi na maalis alis. Dahil mabangga mo lang ako ay agad na kitang sasapakin.
Mainitin ang ulo ko. Iyon ang problema sa akin.
Hindi na rin ito ang unang beses na pinalabas ako ng room. Kahit sa ibang sub teacher ko ay palagi rin nila akong pinapalabas. Sesermonan at kung ano ano pa. Minsan pa nga ay pinapapulot pa ako ng basura, na hindi ko naman ginagawa. Hah! Ano sila sine-swerte?!
Naupo ako sa bench kung saan matatagpuan ang garden. Maaliwalas ang buong lugar. May isang puno rito kung saan nasisilungan nito ang bench na aking inuupuan ngayon. Bihira lang puntahan ng ibang estudyante ang parteng ito dahil pinaka-likod na ito ng campus.
Sa tuwing pinapalabas ako ay ito ang aking palipasan oras. Hindi ko naman pwedeng gawing tambayan ang library baka bigla akong upakan ng masungit na librarian.
Inihilig ko ang aking ulo. Tumatama ang sikat ng araw sa aking mukha kaya naniningkit ang aking mata habang pinagmamasdan ang puno.
Pipikit na sana ako nang may palad ang humarang sa araw na tumatama sa aking mukha.
“What are you doing here?”
Nangungunot ang noo kong napaayos ng upo bago nilingon ang lalaki.
“Problema mo, pre?” tanong ko
Bahagyang tumaas ang kanyang kilay bago ako pinasadahan ng tingin, mula ulo hanggang paa. Pwede ring mula ulo hanggang talampakan, baka nakikita niya pati talampakan ko.
“I don't have a problem. Ikaw.. ang may problema.” sarkastikong tugon nito
“Ay! Kung problema lang marami ako niyan!”
Nangunot ang kanyang noo. “Who are you?”
“Ikaw ha! Crush mo ako 'no?” nang aasar kong tugon.
Umirap ito. “Assuming. Who are you?”
Ulit ulit ampota! Ayoko ngang sabihin sa kanya!
Humalakhak ako. “Paano kapag hindi ko sinabi?”
Bumuntong hininga ito na para bang asar na asar na sa prisensya ko. Bakit ba kasi hindi niya nalang ako hayaan dito! Wala naman siya karapatan para mag libot sa buong campus. Maliban nalang kapag siya ang president ng supreme council. Teka—baka siya?!
“Last. Kapag hindi mo pa rin sina—”
“Avena Ellie Goul!” pag putol ko
Tumango tango naman ito bago ilabas ang papel na hawak hawak.
Abala ito sa pag sulat kaya kinuha ko na ang pagkakataong takasan ang lalaki. Hindi niya naman siguro ako mamumukaan diba?