"Calling"
"P-patawarin m-mo ako, D-Dad,"
"D-Dad?"
"N-No..."
"DAD!"
"D-Dad p-please,"
*GASPED*
Mabilis akong napabangon mula sa pag-kakatulog, naliligo sa sariling pawis at nag-aabot ang sariling ginhawa. Dinig na dinig ko din ang malakas na pagkabog ng puso ko, halos lumuwa sa sobrang lakas ng tibok nito.
Marahan kong ipinikit ang mga mata at huminga nang malalim habang dahan-dahang ihinilamos ang mga kamay sa mukha ko.
"It's that dream again..." Mahinang bulong ko sa sarili.
I shook my head, trying to clear the dream from my mind. My heart was still pounding as I slowly reached for my cellphone to check the time,
"2:56 AM,"
Napabuntonghininga ako nang makita ko kung anong oras pa lamang,
"Mukhang early bird nanaman ako ngayon,"
I inhaled deeply as I stood up from my bed and made my way to the bathroom for a shower and to get dressed. Once I finished tidying myself up in front of the mirror, I picked up the prescription bottle that lay nearby and retrieved four pills, swallowing them all at once.
Mariin akong napapikit habang nilulunok ang naturang gamot, pagkatapos ay tumitig ako sa repleksiyon ko sa salamin.
"Pull yourself together, Innessa..."
"Matagal na at tapos na 'yon." That was the last whisper I shared with myself. Matapos ay naghanda na akong umalis patungong ospital.
I am now standing in front of the hospital where I am working. Pinagmasdan ko ang paligid ng ospital at pagkatapos ay dahan-dahang naglakad patungo sa entrance. Panandalian akong huminto, isang hakbang ang layo mula sa entrance, at huminga ng malalim.
Marahan kong pinagpag ang uniporme ko, at iniangat ang ulo sabay paskil ng ngiti sa mga labi ko at saka tuluyang pumasok sa loob.
"Oh, ang aga mo ah. Hindi ba 6 o'clock pa ang in mo?" tanong ng kasamahan ko sa unit, na si Ate Noel.
"Opo, eh, maaga po kasi akong nagising kaya rekta na po akong pumasok." sagot ko habang inaayos ang gamit ko sa locker.
"Hirap ka na naman bang makatulog?" tanong niya, na tipid ko lamang na nginitian.
"Magpacheck ka na kaya," suhestiyon nito.
"Okay lang po ako, pagod lang siguro ito," sagot ko sa kanya.
"Ganun ba? Basta, kung may nararamdaman ka, magsabi ka ah. Alam mo naman ang patakaran dito sa ospital, mahirap na." Tambag nito.
"Opo, wag po kayong mag-alala," sagot ko, sabay nginitian ito. Ganun din s'ya, saka ako binigyan ng pagtango.
"Oh siya, magra-rounds muna ako. Maiwan na muna kita," sabi niya sabay lakad sa hallway ng floor namin.
Nang makalayo ito, agad akong napahinga nang malalim, na tila ba'y nakawala sa pagkakasakal.
Not a single person in the hospital knows about my condition, not even my friend Elena. As much as possible, no one should find out, because it's against the hospital's policy to work while dealing with a condition or illness.
It has always been that way, dahil paano nga naman daw namin magagampanan nang maayos ang pag-aalaga sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong, kung kami mismo, na mga nag-aalaga, ay nangangailangan din ng tulong.
YOU ARE READING
Heartbeats & Bullet Shells: De Ville #1
Beletrie"Once you step into my world, there's no turning back. I'm offering you a chance to leave while you still can, but know this, if you choose to stay, there will be no escape."