Prologue

8 0 0
                                    

Prologue

“Hindi ka pa ba matutulog?”

Kanina pa ako tinatanong ni Kalixto kung kelan ako matutulog. Nasa hospital kasi ako. Siya ang bantay ko ngayon dahil nasa office pa si dad. Ang dalawa ko namang kapatid na babae ay may schedule ng pasok ngayon araw kaya hindi rin makapag bantay. I shook my head at Kalix. Hindi pa ako matutulog dahil mahaba ang tulog ko kanina.

“Tatakas ka na naman ba?” tanong ko. Naaalala ko kasi noong isang araw na tumakas siya habang tulog ako. Sa sobrang iyamot noon ni daddy sa kanya ay kinuha niya ang kotse nito. Grounded siya hanggang ngayon.

“Nadala nako, Ky. Kung hindi ka naman matutulog ay tutulugan kita”

I sighed. Katulad ng sinabi niya ay natulog na siya sa sofa bed. Wala na akong magawa kundi kuhanin ang phone ko. I called Eli - our cousin. Dapat siya sana ang nagbabantay sakin ngayon kaso masyado siyang busy sa pag - hack nang kung ano - ano kaya hindi namin siya maistorbo ni dad.

Kakatapos lang ng operation ko. Meron akong stage 4 cancer. Sabi ni dad nakuha ko daw eto sa pamilya ni mom. Nasa lahi kasi nila ang sakit na cancer. Wala namang cancer ang mommy pero maaga din siyang nawala dahil sa aksidente. Sa pagkaka - alala ko noon ay may gustong pumatay kay dad. Nakaligtas lang si dad dahil sinalo ni mama ang bala para sa kanya. Mula noon ay hindi na naging mabait si dad sa lahat - except samin ng mga anak niya.

“Anong atin, sugarplum sweetcake mwuah mwuah tsup tsup ko?” My jaw tightened suddenly. Hindi na talaga nagbago.

“Puntahan moko dito Eli. Tulog na si Kalixto kaya wala akong makausap dito” wika ko pa.

She laughed. Pero hindi iyon nagtagal dahil bigla akong nakarinig ng unggol sa kabilang linya. What the fuck. My eyes widened. Nakikipag - sex na naman siguro siya. I quickly hung up the call. Hinihinggal pa ako dahil sa stress ako na narinig ko.

“Kalixto!”

Ginising ko ang kapatid ko. Kaagad naman siyang nagmulat. Mumukat - mukat pa siyang tumingin sa akin. Hindi ko naman siya masisisi. Nakakapuyat talagang magbantay sa hospital lalo na kung siya lang ang nagbabantay sakin. Ayaw naman kasing kumuha ni dad ng personal nurse or personal maid para magbantay sakin. Maganda na raw na ang mga kapatid ko ang magbantay para safe. Hindi parin kasi ligtas ang paligid namin.

“Anong problema? May masakit ba sayo? Fuck, Kyryn. Kakatulog ko lang kaya sabihin mo kaagad ng matapos na ito”

“Gusto kong kumain, Kalix. Nagugutom ako.” saad ko. Bumuntong hininga siya. “Okay! Tatawagan ko si Jastoni” Nanlaki muli ang mata ko. Binato ko siya ng unan.

“Gago. Virgin pako. Atsaka totoong pagkain ang gusto ko. Never pa kaming nag - sex ni Jastoni. Kaibigan ko lang siya.”

Tumikhim ang kapatid ko. “Ky, walang magkaibigan na babae at lalaki. Kung meron man siguro fuck buddies ganon” aniya.

Kulang nalang ay sabunutan ko ang kapatid ko. Kung ano ano kasing sinasabi. Kaibigan ko lang naman kasi talaga si Jastoni at never pa naming ginawa yong karumaldumal na iniisip ng kapatid ko. Nirerespeto niya ako. Nag - aalala din siya sakin na baka kapag niligawan niya ako ay ma - stress ako na bawal naman sakin dahil sa sakit ko.

If ever man na magkaroon ako ng first boyfriend ay hindi si Jastoni iyon.

Inalalayan ako ng kapatid ko para maisakay sa wheelchair. Bakas sa mukha niya ang pagod. Gusto ko mang magpahinga na siya kaso maboboring naman ako. Minsan lang kasi akong sundin nito.

Bumaba na kami sa ground floor para makakain. Nagugutom narin naman daw siya. Pero hindi pagkain ang gusto niyang kainin. I shook my head. Adik talaga ito. Nasa counter palang kami when I noticed a man standing near the waiting area of the hospital. He is holding tulips in his right hand and a phone in the other hand. Napangiti naman ako ng marealize ko kung sino iyon. Si Caenan Chavez. Katulad ng madalas nyang ginagawa ay may dala siyang bulaklak kapag pinupuntahan ako. I bit my lower lip. He is really handsome. Si Chavez ang lalaking pinapangarap ko talaga.

Nagulat ako ng may biglang lumapit na nurse kay Caenan. Tumayo siya sa tabi nito sabay hinalikan sa labi. Nag - init bigla ang ulo ko. Ang landi niya talaga. Nilalandi niya ako pero nilalandi niya rin ang iba. Pinahinto ko si Kalix sa pagtutulak ng wheelchair. Tinawagan ko naman si Jastoni. Saktong sinagot niya kaagad ang tawag.

“I need you here tonight in the hospital, Toni. Magdala ka ng pagkain. I want McDo and by the way, magdala ka rin pala ng flowers for me. Bye, ingat!”

Binaba ko na ang tawag bago pa man siya mag - react. Nagsalita bigla ang kapatid ko sa likod ko. “Bakit na naman ba, Ky? Akala ko ba kakain tayo?” nagtatakang tanong niya.

Ngumisi ako kahit alam kong hindi niya iyon makikita. “Bumalik na tayo. May nakita akong virus baka makahawa”

Napamura ang kapatid ko. “Ginagago mo ba ako?”

Again. Tiningnan ko ulit si Caenan. Hanggang ngayon ay katabi niya parin iyong nurse. Naglalandian sila parehas. Mukhang walang balak kaya kami nalang ni Kalix ang umalis. Ang kapal ng mukha niyang mangako sakin ng pagkatapos ng operation ko ay liligawan niya ako. Si Jastoni nga hindi ginagawa iyon. Pero siya, heto at nasa counter na nilalandi ang nurse na ngayon niya lang nakilala. Wala talagang pagbabago. Mula noon ay gago na talaga siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Words That Touch The SoulWhere stories live. Discover now