Chapter 38

710 25 16
                                    


Andrius

Medyo late na pero hindi pa rin kami natatapos uminom‚ gusto ko na matulog pero ayaw nila pakawalan si Cassian.

“Ano nagustuhan mo sa isang ‘to?” Tanong sakin ni Ried at tinuro pa si Cassian‚ tinignan ko muna si Cassian bago tumingin ulit kay Ried.

Napatingin ako sa boteng hawak ko nang hindi ko malaman ang sasabihin. Alam kong maraming naniniwala na kapag mahal mo ang isang tao‚ normal na wala kang maisagot kapag tinanong ka kung ano ang nagugustuhan mo sa kaniya. But I have a lot of reason‚ there’s a lot of reason for me to fall in love with this guy.

“You don’t know? Baka hindi love yan ah? Puppy love?” Pang-aasar niya‚ tinawanan ko siya at napailing ako.

Tinignan ko ulit si Cassian‚ seryoso ang mukha niya habang nakatingin sakin. Alam kong naghihintay rin siya ng isasagot ko. Natawa ako nang napalunok pa siya‚ iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at uminom sa beer.

“I have a lot of reason.” Natatawang sambit ko.

“Sabi nila when you love someone‚ hindi mo alam ang reason kung bakit mahal mo yung taong yun.” Singit naman ni Reux‚ agad na tumango si Ried at Yuen. Si Zed ay nakayuko na sa kamay niya‚ halatang bagsak na.

“I don’t believe in that. I believe that if you love someone‚ you know why you love that someone. Pano mo nagustuhan kung wala kang rason? Pano mo nasabing mahal mo kung wala ka naman rason? Are you all stupid?” Natawa ako sa huling sinabi.

“Oh ano ngang nagustuhan mo sa kaniya? Sana kasi sinagot mo na agad.” Sinamaan ko ng tingin si Reux‚ epal din ito.

“I love how he respects me. I love how he makes me feel appreciated. I love how he makes me feel loved. I love how he makes me feel safe around him. I love how he smiles. I love how he laughs. I love everything about him.” Seryosong sambit ko. Napangisi si Ried habang nakatingin kay Cassian‚ tinignan ko si Cassian na nakangiti sa mayabang na paraan. Tuwang-tuwa na naman siya.

“Tangina oh! Ngiting-ngiti si gago‚ akala mo nanalo ng lotto.” Natatawang sambit ni Yuen‚ nginisihan lang siya ni Cassian.

“I love you more‚ baby.” Nakangiting sambit ni Cassian sakin‚ napailing ako at natawa.

“Pucha! Kinikilig si Santiago! For the first time in my life nakita ko siyang kinikilig!” Napaka OA talaga ni Ried‚ isa pang OA. Tinawanan namin siya.

“Dagdagan mo pa‚ tol. Gusto pa kiligin ni pareng Cassian.” Natatawang sambit ni Reux‚ tinignan ko si Cassian na nakanguso na. Tinawanan namin siyang lahat nang umiwas siya ng tingin at basta na lang uminom sa beer na hawak niya.

“Gago‚ huwag mong pigilan‚ masakit sa puson yan.” Pang-aasar sa kaniya ni Ried.

“Fuck you‚ Baltazar.” Pinilit niyang magsungit pero trinaydor siya ng sarili niyang labi‚ hindi niya mapigilan ang mapangiti.

“Nakakakilig yun?” Natatawang tanong ko sa kaniya‚ tinignan niya ako.

“Nakakakilig nga?” Natatawang tanong ko ulit‚ napailing siya at tumawa.

“Stop it‚ baby.” Natatawang sambit niya‚ napailing ako at natawa sa kaniya. Simpleng banat kinikilig na agad.

Napatingin kami kay Zed nang biglang umangat ang ulo niya at tinignan ako.

“Hindi ba kayo natatakot sa sasabihin ng iba? Hindi ba kayo natatakot na baka iba ang maging tingin nila sa inyo?” Naging mabagal ang pagsasalita niya dahil lasing na siya.

“No. Hindi naman sila ang magmamahal‚ hindi rin naman sila ang masasaktan. Our world is full of judgemental people‚ that’s normal. Nature na ng mga tao ang may masabi sa kahit simpleng bagay. Why would I be afraid if I know that I have someone na tanggap ako? As long as we love each other‚ I don’t care about what people says about us.” Seryosong sambit ko‚ deretso ang tingin sa kaniya.

Hindi ko maiwasan na mag-alala ngayon sa itsura niya. I think he is going through something‚ and I think he needs someone to tell what’s going on in his mind.

“Kung ganiyan lang ako katapang sayo hindi ako magdadalawang isip na gawin ang gusto ko.” Natatawang sambit niya‚ bumalik ulit siya sa pagkakayuko sa mga kamay niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Reux‚ sinenyasan ko siya at sinenyasan niya rin ako. Nag senyasan kaming dalawa.

“Bibili muna kami ng inumin.” Sambit ni Yuen‚ napatango ako sa kaniya at ngumiti. Nakuha agad nila ang gusto kong iparating.

Tumayo silang tatlo habang naiwan naman kami nila Reux at Zed dito. Nginitian ko si Cassian at tinanguan.

Nang makaalis sila tsaka ko tinignan ulit si Zed na nakayuko pa rin.

“Zed‚ do you want us to talk about it? I’m all ears. You can tell us what’s going on with you.” Baling ko kay Zed‚ napatingin siya sakin. Umayos siya ng upo.

Malalim siyang bumuntong hininga bago nagsalita.

“What if I’m not straight?” Natatawang sambit niya‚ nagulat ako sa sinabi niya.

“What do you mean you’re not straight?” Nagtatakang tanong ko‚ napatingin siya sakin at bahagyang natawa.

“I don’t know. I’m at the phase of sexual identity crisis. Buong buhay ko naman attracted ako sa babae‚ pero ngayon hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng ibang pakiramdam sa isang lalaki. Maybe I’m just confused? Maybe I need time? I don’t know‚ hindi ko talaga alam‚ pre.” Natatawang sambit niya habang umiiling.

Tinignan ko si Reux‚ he just shrugged his shoulders. Mukhang may alam siya at ako lang ang wala.

“Kailan pa?” Maingat ako sa mga tinatanong ko dahil ayaw kong ma-offend siya.

“Yung time na nawala ka.” Sagot niya‚ gulat akong napatingin sa kaniya.

“Don’t tell me you like me?” Ang naging tugon ko‚ sabay silang napatingin sakin bago sila nagkatinginan at tumawa nang malakas.

Napangiwi ako‚ nagtatanong ang tao eh.

“Dude‚ wtf?” Natatawang sambit ni Reux‚ nginusohan ko siya.

“Dude‚ ang dugyot naman.” Segunda ni Zed‚ agad kong siyang sinamaan ng tingin.

“Nagtatanong ako mga gago‚ sabi mo kasi yung time na nawala ako yun yung time na naging ganiyan ka. Malay ko ba na sa sobrang pag-aalala mo sakin kaya ka naging ganiyan?” Napangiwi ako pagkatapos sabihin iyon.

Nagkatinginan na naman sila bago humalakhak ulit. Inis ko silang tinignan‚ talagang umisa pa.

“I can’t believe na wala ka talagang alam kahit harap-harapan na kaming tinutukso at iniinis.” Natatawang sambit ni Zed‚ nakipag apir pa kay Reux.

“Ano ba pinagsasabi mo? Deretsahin mo ako‚ tangina naman nito.” Inis na talagang usal ko‚ tinignan niya ako at tinawanan. Nahampas niya pa si Reux dahil sa sobrang tawa.

“Tangina nitong kaibigan mo.” Baling niya kay Reux habang nakaturo sakin.

“Kaibigan mo rin yan tanga‚ bestfriend pa nga kayo.” Natatawang sagot sa kaniya ni Reux‚ hindi pa rin sila tumitigil katatawa.

“Tsaka na nga natin pag-usapan yan kapag wala na akong alak sa katawan‚ hirap tumawa kapag lasing. Mas lalong umiikot paningin ko katatawa dahil sayo.” Natatawa pa ring usal niya‚ sinamaan ko siya ng tingin.

“Tangina niyo talaga.” Inis na sambit ko at uminom ng beer.

Wala na talagang maayos na usapan kapag silang dalawa ang kausap. Nakaka tangina silang dalawa.

Sa tuwing titingin ako sa kanila ay bigla silang tatawa kaya mas lalo akong naiinis.

Hindi ko sila pinansin hanggang sa makabalik ang tatlo na umalis kanina.

Napatingin pa sakin si Cassian dahil paniguradong napansin niya ang nakasimangot kong mukha. Tinaasan ko siya ng kilay dahilan para magtaka siya‚ inismiran ko siya at hindi rin pinansin.

Magsama-sama kayong mga siraulo kayo. Bwesit.

Under HimWhere stories live. Discover now