Avoiding you

6 0 0
                                    



Aksidenteng nagkita sina Fuma at Yel... tumatakbo kasi nun si Fuma sa hallway at hindi niya akalain na yung nakatalikod na babae na may kausap ay si Yel pala.


"Sorry miss- eh??" pagkagulat ni Fuma.


".... Fu-Fuma?" pagkagulat rin ni Yel sa kanya.


Walang masabi ang dalawa sa isa't isa... at nagkatitigan na lamang sila.


("May gusto si Yel kay Kento... Napili niya ay si Kento...")


Nilagpasan na lang ni Fuma si Yel at tumakbo palayo sa kanya. Nagulat naman si Yel sa ini-akto ni Fuma sa kanya.


Bakit ganito...? Hindi ako sanay...


Alam ni Yel na recess na nila, pero hindi siya bumaba para kumain sa canteen. Nakahalumbaba sa lamesa niya at malalim ang iniisip.


"Yel... recess na hindi ka pa ba kakain?" tanong ni Remonette sa kanya.


"Wala akong gana..." sagot ni Yel.


"Masamang magpalipas ng gutom.." pagpilit ni Myka.


"Wala akong gana..." ulit ni Yel.


"Paalala lang, hindi tayo half-day ngayon" pagpapaalala ni Remonette sa kanya.


"Wala akong gana..."


"Haay... naku Yel... sige kakain na kami ah? Diyan ka na." sabi ni Myka.


"Sige... wala akong gana... pakabusog kayo."


Iniwan ng dalawa si Yel na nagmumukmok maya-maya may lumapit sa kanya...


"Oh bawal kang himatayin!" sabi ni Fuma at iniabot ang tinake-out na pagkain sa isang fast food.


"Ba-bawal kumain dito!" sabi ni Yel sa kanya.


"Kasama mo ako... kaya hindi ka mapapagalitan"


"Sa-salamat..." nahihiyang pagpapasalamat ni Yel at kinuha ang tinake-out na pagkain.


"Masaya ako para sa inyo..." sabi ni Fuma.


"Ha? Ah..." Iniisip mo bang nakapili na ako? Hindi pa nga eh!


"Ano sa... sinundan namin kayong dalawa... ka-kasama ko si Erean-neesan." pag-amin ni Fuma.


"Uhm.. Oo, sinabi na sa akin yan ni Erean." sabi ni Yel.


Inunahan ako nun ah? "Kailan pa?" tanong ni Fuma.


"Ha? Ang alin?"


"Yung nagka-gusto ka sa kanya, kay Kento."


"Ah..." Kailangan ko ba talagang sagutin yan? "Ma-matagal na... simula nung graduation namin noong highschool pa kami."


"A-anong nagustuhan mo sa kanya?"


Ano ba itong lalaking ito? Sunod-sunod ang tanong... "Ah... lagi niya akong pinapasaya kahit nung mga highschool pa kami, ganon siya kabait sa akin, hindi nga siya nagbago eh hanggang ngayon, thoughtful pa rin siya."


"Mahal mo ba siya?"


Nagulat at napatingin si Yel sa kanya at napatigil kumain.


Ma-mahal? "Paanong mahal?" tanong ni Yel.


"Ano ba yan?! Edi yung nasa loob na siya ng puso mo!"


"Ha?" Teka hindi ko maintindihan kung anong tinatanong niya sa akin... anong mahal? Katulad ba yun ng pagiging isang fangirl? Antonyms ba yun ng mura?


Bumuntong hininga si Fuma ta sinabing... " 'Silence means yes' sige diyan ka na..." at iniwan si Yel.


"Ha? te-teka..." pagpigil ni Yel kay Fuma ngunit umalis na ito.


Iniisip niya pa rin ang tinanong ni Fuma sa kanya, pero wala siyang maisagot roon tila blangko ang isip ni Yel sa salitang 'mahal' dahil nga NBSB siya, pero may gusto siya kay Kento... kaya lang, mahal niya na ba ito?


Naglalakad si Fuma sa may hallway nang bigla niyang nakasalubong si Kento at saka niya kinausap ito.


Natapos na ang kanilang klase at as usual hinatid ni Kento si Yel sa bahay nito. Nasa bahay na nun si Yel at hinihintay niyang umuwi ang kanyang kuya dahil nasa trabaho pa ito, naisipan naman niyang tawagan si Erean at mag-kwento sa naging pag-uusap nila ni Fuma.


Like?  or  Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon