Copyright 2013 © Yeppeun
One Second Step | One Shot Story
FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie
•••
Mahal ko siya pero may mahal siyang iba. Natural na lang yata sa panahon iyan ang magmamahal ng taong hindi ka naman mahal.
"Hindi ka niya mahal."
Oo na, ang sakit-sakit na. Huwag niyo nang ipangalandakan pa, tama na. Hindi ko na kasi kaya.
"Thadeus, huwag ka ng umasa." Sabi sa akin ng isa kong kaibigan.
Kaibigan ko ba talaga sila? Diba dapat supportahan nila ako? Sino ba talaga ang susundin ko? Sila o ang sarili ko?
"Aminin mo sa kanya, hindi mo pa naman sinusubukan baka mamaya mahal ka rin pala niya." Buti na lang may isang taong laging nandiyan para lakasan ang loob ko.
"Paano kung hindi niya talaga ako mahal?" Tanong ko sa kanya.
"Simple lang, kalimutan mo siya at kapag nakalimutan mo na mag mahal ka ng iba." Ngiting pagkakasabi niya.
Mag mahal ng iba? Kaya ko ba? Mukhang hindi ko yata kaya kasi siya lang at wala ng iba.
•••
"May sakit ka! May cancer ka! Nakalimutan mo na ba?! Kaya huwag ka ng umasa! Kung mahal ka nga rin niya, iiwan at iiwan mo rin siya! Mag isip-isip ka!" Bulyaw sa akin ng isa sa mga kaibigan ko.
Nakapolo ako ngayon at may hawak-hawak na mga bulaklak, aaminin ko na kasi dapat sa kanya, kaso sa sobrang pag-iisip ko tungkol sa kanya nakalimutan kong may sakit pala ako at kahit anong oras mamamatay na.
"Salamat." Iyan na lang ang mga katagang lumabas sa aking bibig habang mariin akong nakatitig sa kaibigan ko.
Buti na lang pala pinaalala niya, salamat sa kanya. Iniwan ko na lang sa tambayan namin ang bulaklak na hawak ko, isang linggo ko rin iyon pinagipunan at sayang lang pala kasi hindi ko maibibigay sa kanya. Pero okay na rin siguro ang nangyari. Kasi kung mahal nga niya ako, iiwan ko rin naman siya.
Naglalakad ako pauwi sa bahay namin. Tumingala ako sa kalangitan at bumungad sa akin ang dami ng mga bituin. Hindi ko namalayang bigla na lang ako napangiti, dahil anumang oras ay magiging isa na rin ako sa kanila, anumang oras magiging isang bituin na rin ako sa kalangitan at kapag naging bituin ako, siya lang ang tanging babantayan ko, kung maaari siya lang ang makakakita sa akin.
"Thadeus." Bahagya akong napahinto sa aking paglalakad at dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran.
Nakita ko si Gelique habang siya'y hingal na hingal at hawak-hawak ang bulaklak sa kanyang kaliwang palad.
"Bakit ka sumunod?" Tanong ko sa kanya.
"P-pwede bang akin na lang ito?" Nakangiti siya habang iwinawagayway nang marahan ang bulaklak na hawak niya.
Napangiti ako at bahagyang lumapit sa kanya. "Oo naman." Bigla siyang napayuko sa sinabi ko na para bang nahihiya.
Ilang sandali pa'y bahagya niyang inangat ang kanyang ulo at diretsong tumingin sa akin. "Uuwi ka na ba?"
"Oo, sabay ka?"
"Kung pwede?"
"Oo naman, tara." Anyaya ko sa kanya.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang nasa gilid ko lang siya. Wala ng gaanong tao sa kalsada dahil gabi na rin ngunit may iilang dumadaan pa. Pasimple akong sumulyap sa kanya at nakita kong nakangiti na naman siya.
BINABASA MO ANG
One Second Step (ONESHOT)
RomanceKatabi ko naman siya pero bakit parang ang layo-layo niya? Dahil ba may nakaharang sa pagitan naming dalawa? Mahal ko siya pero may mahal siyang iba. Isang segundo papunta sa puso niya bakit hindi ko magawa?