Chapter 35

80 3 0
                                    

Dahan-dahang idinilat ni Sabrinna ang kaniyang mga mata, at bumungad sa kaniya ang puting kisame ng ospital.

Ramdam niya ang bigat ng katawan niya, bawat paghinga may kasamang sakit.

Napagtanto niyang nasa ospital siya, pero di niya maalala kung paano siya nakarating doon.

Ipinilig niya ang ulo, ipinalibot ang kaniyang paningin, at doon nakita si Prime, tahimik na nakaupo malapit sa kaniyang higaan.

Nakayuko ito, tila nag-iisip nang malalim, pero mabilis siyang napatingin kay Sabrinna nang mapansin niyang nagising na ito.

“H-Hey...” mahina at paos na sabi ni Sabrinna, nanginginig pa ang boses dahil sa panghihina.

Agad na lumapit si Prime at maingat na hinawakan ang kamay niya, kitang kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalala

“Shh... Don’t talk. You need to rest. Your body’s been through a lot.”

Bumigat ang mga mata ni Sabrinna, pero may kailangan siyang malaman.

“Where’s Sandy?” tanong niya, halos pabulong, ramdam ang kaba.

“She’s with my mom. She’s safe, I promise.” Sagot ni Prime, malumanay ang boses pero halatang pagod.

Kaagad na kumalma si Sabrinna nang marinig na ligtas ang anak.

“Salamat...” bulong niya, pilit na ngumiti kahit na ramdam pa rin ang pagod sa buong katawan.

Tumahimik ng ilang sandali, pero alam ni Prime na may gusto pang itanong si Sabrinna. Nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito.

“Si Madonna... Rafael?” tanong ni Sabrinna, nanginginig ang boses habang sinasambit ang mga pangalan ng dalawang tao na naging sanhi ng napakaraming gulo sa buhay nila.

Huminga ng malalim si Prime. Kita sa mukha niya ang tensyon, pero sinubukan niyang maging kalmado para kay Sabrinna.

“Madonna’s dead. She didn’t make it out of the fire. As for Rafael, she’s still out there... but we’ll find her. She won’t get away with this.”

Sinarado ni Sabrinna ang kaniyang mga mata, hinayaan ang bigat ng balitang iyon na lumubog sa kaniya.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman — takot, galit, o simpleng pasasalamat na natapos na ang lahat.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, alam niyang hindi pa tapos ang laban. Hindi pa tapos hangga’t hindi nahahanap si Rafael.

“Will... will she come back for us?” Mahina at takot na tanong ni Sabrinna, nanginginig pa rin.

Prime gently squeezed her hand, reassuring her. “No. She’s not coming near you or Sandy ever again. I won’t let her.”

Naging tahimik ang kwarto, tanging tunog ng makina at marahang paghinga ni Sabrinna ang naririnig.

Alam niyang hindi madaling kalimutan ang lahat ng nangyari, pero sa mga oras na iyon, sapat na ang malaman na ligtas sila ni Sandy.

Prime stood up, leaning over her bed. “I’ll be here, okay? Don’t worry about anything else. Just rest.”

“Promise?” bulong ni Sabrinna, pilit na ngumiti sa kabila ng panghihina.

“I promise,” sagot ni Prime, ang mga mata niya puno ng determinasyon at pag-aalala.

Tahimik ang kwarto nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Isabella, ang ina ni Prime, na may mabigat na ekspresyon sa kaniyang mukha. Tumayo si Prime mula sa pagkakaupo sa tabi ni Sabrinna at tumingin sa ina niya.

Ashford Series 1: Loveless VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon