Tiningnan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Magara ang aking kasuotan dahil ito ang araw nang panibagong kasiyahan sa aming palasyo. Alam ko na marami na ang bisita sa labas kaya naman hindi ko mapigilang kabahan.
Upang maiwasan na makita ang aking itsura ay naagdesisyonan nang mga kamahalan na magsuot na lamang ako pansamantala ng maskara.
May bagay na ipinasuot sa akin si Lady Remedios sa mata upang matago ang abo na kulay nito. Ang mga ito ay suportado sa akin para sa gabing ito.
“Handa na ang iyong biyolin, Prinsesa Cresentia.”
Nilingon ko si Adina at tumango. Lumakad ako palapit sa kanya at inalalayan naman ako nito dahil totoong mabigat ang aking kasuotan.
Pagdating sa bulwagan ay madami na ngang tao. Paano pa kaya sa labas.
Hindi kalayuan ay nakita ko ang grupo ng mga kamahalan kaya naman nang makita din ako ng mga ito ay mabilis akong kumaway sa kanila. Pero dahil kailangan ko pang tumugtog mamaya ay hindi muna ako makakasama sa kanila.
“Mahal na prinsesa, magsisimula na po ang kasiyahan.” Tumango ako sa taga-silbi na lumapit sa amin.
Pumwesto ako sa unahan at may upuan na nakalagay doon. Ramdam ko ang tingin ng lahat kung kaya't hindi ko mapigilang kabahan. Hindi naman ito ang unang beses ko pero hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng kaba.
Dahan-dahan ay nag-simula na ang malamyos na tugtog mula sa aking biyolin. Napapangiti at napapapikit ako tuwing nakukuha ko ang magandang parte ng aking tugtog.
Bahagya kong nilingon ang mga taong nanonood at kita sa kanilang mga mukha ang tuwa at pagkakagusto sa aking binabahagi na tugtog sa kanila.
Nang matapos ay isang malakas na palakpak ang aking natanggap sa mga ito. Pagyuko lamang ang aking ginawa at umalis na doon. Sinalubong naman ako ni Adina.
“Ang galing mo, mahal na prinsesa. Nagustuhan din ng mga kamahalan ang iyong tugtog.”
“Salamat, Adina. Pero maaari na ba tayong lumapit sa kanila?”
“Maaari na, mahal na prinsesa. Ngunit sa likod tayo dumaan lalo’t madami ang tao sa daan. Mahirap lumusot.” Tumango lang ako at sinundan na siya.
Kahit sa likod kami dumaan ay talagang rinig ang ingay mula sa loob ng palasyo. Nagkatawanan pa kami ni Adina dahil doon.
“Sana’y magtuloy-tuloy na ganito lang ang Hua Albanzious o ang palasyo ng Vebotija. Walang gulo. Walang digmaan.”
“Gustuhin man natin ito, Adina, ay hindi tayo makakasiguro. Tulad na lamang na hindi natin kilala ang ating kalaban at may gusto pa silang makuha sa Hua Albanzious. Nakakalungkot at nakakabahala na ganito ang ating dinadanas. Hiling ko din talaga na hindi dumating ang digmaan.”
Hinawakan ko ang kamay ni Adina dahil alam kong kahit hindi niya sabihin ng buo ang kanyang saloobin ay nag-aalala siya sa mga maaaring mangyari.
“Kung sakali man na may mangyari sa mga araw na ito ay gusto kong protektahan ka sa abot ng aking makakaya. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa'yo na masama. Iyon ang nakatatak sa aking isip at puso simula nang kupkupin ako ng palasyo. At bigyan ako nang mahalagang tungkulin sa’yo mahal na prinsesa.”
Ngumuso ako at binitawan ang kamay niya.
“Hindi ko gusto ang iyong sinabi, Adina. Hindi ako papayag.” Umiiling kong sabi. “Hindi mo tungkulin na protektahan ako. Isang kaibigan at itinuring na din kitang nakakatandang kapatid. Kaya pakiusap, ayaw kong marinig sa’yo ‘yan.”
YOU ARE READING
Scarlet of Arrows (Book 1)
FantasyScarlet of Arrows Trilogy (Season 1) Originally Started: July 2014 Started: November 30, 2021 Status: on-going ✿✿✿✿✿✿ Ang buhay na mayroon si Cresentia ay hindi katulad ng mga batang prinsesa sa isang palasyo. Sa batang edad na labing-limang ta...