PART 138 🎭

146 8 5
                                    

Inside the Car..

"Mahal please naman oh, tara na kasi sa hospital." Pakiusap ni Pablo habang nag dridrive ito. (Hindi po uminom si Pablo sa Party, kaya safe siya mag drive)

"Sa condo mo idaretsyo."

"Ayoko."

"Sabing okay lang ako, kaya sa condo na tayo."

"Ugh! bakit ba ang tigas ng ulo mo Stell, gusto mo bang lumala yan?" Inis na sabi ni Pablo, hindi ito pinansin ni Stell, at isinandal nalang ang ulo sa bintana.

STELL'S POV

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kasabay ng sakit ng sikmura ko at hapdi ng kaliwang kamay at binti ko. Pero mas iniisip ko ang ginawa ni Pablo kay Glee, what if may nakakita, at nakarinig samin kanina. Paano kapag may nag post nanaman sa social media, what if masira nanaman ang pangalan ni Pablo ng dahil sakin. Sunod sunod na what ifs ang pumapasok sa isip ko, hindi ko na kaya para na akong sasabog dito.

Natatakot ako sa mga taong huhusga nanaman sa pag katao ko, natatakot ako na madisappoint nanaman ang mga fans ni Pablo. At natatakot din akong mapagalitan ni Bigboss, dahil nasaktan ang anak niya ng dahil sakin. Saka hindi pa gumagaling yung trauma ko sa mga nangyari, ayoko ng maranasan ulit ang lahat ng iyon.

Sa sobrang dami ng mga pumapasok sa isip ko hindi na napigilang kumawala ng mga luha ko.

Para hindi mapansin ni Pablo, sumandal ako sa bintana, at dinukdok ang muka ko dito.

"Mahal, are you crying? Sobrang sakit naba? Sabi ko naman kasi sayo sa hospital na tayo." Akala ko hindi ako makikita ni Pablo, akala ko hindi niya maririnig ang mga hikbi ko, kaso sa sobrang tahimik dito sa loob ng sasakyan, wala pala talaga akong takas sa boyfriend ko.

"Mahal, pwede bang mag sorry ka kay Glee?"

"For what? Mahal naman, nasaktan ka ng dahil sa kanya, tapos gusto mong mag sorry pa ako? Masyado ka naman ng nagiging santo niyan." Pablo said in a sarcastic tone.

"Please.." Hindi ko na napigilang humagulgol. Masyado ba akong mababaw? Pero ayokong magkaroon ng misunderstanding si Glee at Pablo. Kung kelan okay na sila, saka pa nag ka ganito ng dahil nanaman sa akin. Besides alam ko naman na hindi niya ito sinasadya.

"Fine, tahan na mahal, mamaya pag uwi natin tatawagan ko si glee para mag sorry." Mahinahon na sabi ni Pablo, para mapatahan ang nobyo.

Wala ng nag salita sa loob ng sasakyan. Nang makarating na sila sa Condo, nilagyan ni Pablo si Stell ng oitment, at pinainom ito ng gamot.

"Mahal galit ka padin ba sakin?" Tanong ni Pablo habang nilalagyan ng ointment ito.

"Hindi." Malamig na sagot ni Stell.

"Hindi pero yung tono mo alam kong galit ka sakin, dahil ba kay Glee, dahil ba nasigawan ko siya? Promise mag sosorry na po ako, para hindi ka na magalit sakin."

"Sige, teka mag shoshower na ako, inaantok na din kasi ako." Wala na akong lakas, masyadong madaming nangyari ngayong gabi. Gusto ko nalang mag pahinga, baka bukas mawala na tong mga iniisip ko.

--

PABLO'S POV

Kahit kontra ako sa pag hingi ng sorry kay Glee wala na akong nagawa, ayoko namang magalit sakin si Stell. Kanina ko pa kasi pansin na parang ang cold niya sa akin, kahit nung nasa garden palang kami. Kaya sinunod ko na nalang ito at tinawagan ko na si Glee.

Ilang beses kong dinial ang number ni Glee, pero hindi ito sumasagot, kaya nairita nanaman ako. Napilitan na nga ako mag sorry, ano mag iinarte pa ba siya. Ugh!

Papatayin ko na sana ang tawag, kaso biglang sinagot na niya ito,

Phone Call..

GLEE:
...

PABLO:
Glee (Mahinahon na sabi)

GLEE:
...

PABLO:
I know, nasaktan ka kanina sa mga nasabi ko, kaya nga napag sabihan din ako ni Stell. Sorry talaga nagulat lang ako, sempre nasaktan si Stell. Hays~ maiintindihan mo din ako kapag nasaktan mahal mo.

GLEE:
Stell again. (bulong nito) Nahurt lang po ako kasi hindi mo ako binigyan ng chance para mag explain kanina. Pero don't worry okay na po ako.

PABLO:
So bati na tayo?

GLEE:
Hmm, bati na tayo.

PABLO:
Nice, sige na sleep na kami.

Hindi pa nakakasagot si Glee, pinatay na agad ni Pablo ang tawag, nang makita ang nobyo na kakalabas lang sa banyo. Agad din itong lumapit para sabihing okay na sila ni Glee. Tipid na ngumiti si Stell at sinabihan itong magshower nadin para makatulog na silang dalawa, sinunod naman ito si Pablo.

Nang matapos na si Pablo mag shower at mag bihis, tumabi ito sa nobyo, at niyakap ito.

--

--

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--



Next day..


Next day

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--

--

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon