PROLOGUE" ay nako Kevin, bilisan mo riyan. Nagugutom na 'ko. Pag tayo naabutan ng angelus sasapakin kita talaga " Sabi ni Eric kay Kevin na- tila ba'y minamadali siya na mananghalian na sa canteen.
" sandali lang, kung tulungan mo kaya ako mag ligpit 'no? Edi sana mas mabilis tayo "
" oh siya sige na nga, basta kapag tayo naabutan ng angelus ikaw mag bayad ng lunch ko "
" oo na Eric, gutom rin ako gaya mo. Buti nga dismissal na agad after ng lunch. Uwing uwi na ako "
Tinulungan ni Eric si Kevin mag ligpit ng gamit para makapag lunch na sila at maka uwi na rin nang maaga.
Matapos nilang mag ligpit ng gamit agad na silang lumabas ng classroom at nag mamadaling nag lalakad papuntang canteen nang biglang tumunog ang angelus at biglang natisod si Eric sa hallway at tinulungan naman itayo ng isang student na naka tambay sa harap ng kanilang room.
" uy! Okay ka lang? " tanong kay Eric habang tinulungan siyang tumayo ng isang studyante. " oo salamat. "
Nang maka tayo si Eric agad siyang nag sign of the cross dahil na rin tumutunog na ang angelus ng kanilang school. Makalipas ang dalawang minuto at natapos na ang angelus, humarap muli si Eric sa studyante at muling nag pasalamat.
" thank you ah, kundi dahil sa'yo basag na 'tong mukha ko. "
" wala 'yun, i'm Randy by the way. Randy Dela Cruz. " nilahad ni randy ang kamay niya upag makipag kamay.
" Eric.. Eric Torres. " nakipag kamay na ako kay Randy at bumitaw rin kaagad. " Randy mauuna na kami ni Kevin ah, mag l-lunch na kase kami. "
" uy ah- sasabay na ako sainyo, okay lang? Wala akong kakilala rito sa school and kayo palang nakaka interact ko na student eh. "
" sige lang, okay lang naman. "
" sige, kunin ko lang wallet ko. " nag lakad na si Randy patungo sa kanilang classroom at si Kevin nama'y lumapit kay Eric para asarin.
" ay sus! na-love at first sight sa isang transferee "
" shh! anoba! Kapag may naka rinig sa'yo kukutusan talaga kita, alam mong nasa catholic school tayo eh. "
BINABASA MO ANG
Whispers of a hidden love: a mid 80s-90s BL story
Teen FictionHey hey hey!! Another BL story from me! But this thing is a alternate universe version of my previous story "SEMINARYO" the setting of this story is in a catholic school in mid 80s-90s, of course during those times being in a same-sex relationship...