VAST
"Ang ganda!"
Iyon ang una kong sinabi ng makarating kami sa lugar na sinasabi ni Molly.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa sobrang pagkamangha."You like it?"
Tanong niya habang nakahawak sa bewang ko at paminsan-minsang humahalik sa balikat ko."What do you mean 'like'?—I LOVE IT!!!"
Malakas na sabi ko sa kanya bago siya yakapin ng mahigpit."I'm glad you love it."
Mahinang sabi nito sa tenga ko."Thank you."
Sabi ko sa kanya ng kumalas ako sa pagkakayakap."Anything for my baby."
Muling sabi nito at hinalikan ako sa noo.Nasaan kami ngayon?
Dito lang naman sa harapan ng bagong bahay na si Molly mismo ang nagdisenyo.
Nakatayo ang bahay dito mismo sa D and G Subdivision, malapit sa bahay ng mag-asawang Gomez at Arevalo.FLASHBACK
"Excuse me Miss Callie, your wife is here."
Sabi ng sekretarya ko, kasalukuyan akong nasa Hallie Clothing at nagche-check ng mga importanteng dokumento at emails.
Tinanguan ko lang ang dalaga at nakuha naman nito ang ibig kong sabihin.Maya-maya pa ay pumasok na ang asawa ko at nakangiting lumapit sa akin sabay halik sa labi ko.
"Baby, are you busy?"
Tanong nito sa'kin habang naglalakad papunta sa likuran ko, maya-maya ay naramdaman ko na ang mga kamay nito na minamasahe ang ulo ko, pagkatapos ay bumababa sa balikat ko."Not really, kailangan ko lang i-review yung ibang documents para hindi magkaproblema. At saka para na din sigurado ako na makaka-alis tayo ng panatag ang loob ko na wala akong trabaho na po-problemahin."
"Ang sipag talaga ng baby ko."
Pangbobola pa nito kaya mahina ko lang na tinapik ang kamay niya na nasa balikat ko."Bolera—anyway, you need anything?"
Tanong ko maya-maya, tiningnan ko kasi ang relo ko at may isang oras mahigit pa bago ang lunch time."Actually, may pupuntahan tayo."
Sabi lang nito sa'kin."Saan?"
"Diba sabi ko sa'yo may inaasikaso akong pinaka-importanteng kliyente—yung 'biggest project' na sinasabi ko sa'yo..."
Paliwanag n'ya na tinanguan ko lang, ilang beses na kasi siyang nagpupuyat para sa project na 'yan.Sino kaya yung kliyente na 'yon?
"What about it, may problema ba?"
Tanong ko at umiling lang siya bilang tugon."Wala naman....ang totoo niyan, gusto ka daw niyang makilala kasi natapos ko na yung project na yun."
"O—okay, may oras naman ako ngayon...lunch?"
Tanong ko at umoo naman siya kaagad.Iniligpit ko na agad ang gamit ko at nagbilin na lang sa sekretarya ko na ipaalam sa'kin kung may mga importanteng tawag.
Inakay niya ako papasok sa kotse niya at nagmaneho na siya papunta sa sinasabi niyang lugar.
Napakunot-noo ako ng pumasok kami sa isang pamilyar na high-end subdivision—ang D and G Subdivision, pag-aari ni Giliana Gomez at ng asawa niyang si Alexsandrea.
Sa pagkaka-alam ko ay magkakasosyo silang magkakaibigan dito, kung sabagay ay sa lahat ng negosyo nilang tatalo ay magkakasama sila.
BINABASA MO ANG
BIG and SMALL (GL) [UNEDITED VERSION]
Roman d'amourWhat are you willing to do if she can't recognize you anymore? Will you let her go? Or will you stay? This is another story of pure fiction. Started: May 27 2024 Completed: September 20 2024 Rank by Category (October 1 2024) #2 wlw #2 memoryloss #2...