"Ate Iza, wake up!!!" rinig ko ang sigaw ng aking nakakabatang kapatid.
"Aysssss, Aj! You're so annoying! Lumabas ka nga!" sigaw ko pabalik sa kaniya. Nakakainis!
"Ate, nasa baba si kuya Aiye, kaya bumangon ka na. Nakakahiya naman sa bisita kung paghihintayin mo pa."
"What???" napabalikwas ako sa aking pagkakahiga at nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig kay Aj.
"Oh, ba't parang gulat na gulat ka?" tanong ng pilyo kong kapatid.
"Sabihin mo sa kaniya na wala ako," utos ko sa kaniya.
"Ate, alam na ni kuya na nandito ka. Dito siya galing kanina," sagot niya na ikinabigla ko.
"What? Ano bang ginagawa niya dito?" tanong ko sa kaniya, sabay bangon mula sa aking pagkakahiga.
"Gusto ka raw niyang kausapin, kaya dali na, Ate. Kanina ka pa hinihintay ni Kuya," sagot niya.
"Oo na, oo na. Lumabas ka na nga," sabi ko habang tinutulak siya palabas ng kwarto.
"Bilisan mo diyan, Ate!" rinig ko pang sigaw niya habang papalayo.
"Hays, bwesit! Bwesit talaga, nakakainis! Naiinis pa rin ako-akkkk, bwesit na lalaking 'yon! Ayss, naaalala ko na naman ang mga nangyari kahapon. Nakakahiya!"
Habang nakahiga ako sa beach bed, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na bumabalot sa aking katawan habang suot ko ang two-piece swimsuit.
Papalubog na ang araw, at kitang-kita ko ang mga sinag nito na nagiging kulay rosas at kahel sa kalangitan. Ngunit biglang na-disturbo ako sa tinig ng lalaki at babae na nag-uusap malapit sa aking pwesto.
Ang kanilang mga boses ay tila umaabot sa akin. Ang mga tunog mula sa kanilang pag-uusap ay tila nagpapalala sa aking inis, at unti-unti ko iyong tiningnan at hindi nga ako nagkakamali si Aiyi nga! May kausap na babae, biglang nag-init ang aking ulo sa nakikita ko at talagang ngumingiti pa siya, kainis!! Nilapitan ko sila.
"Iza? Wtf, ikaw nga! Anong ginagawa mo dito?" nawawala na ang ngiti sa labi ni Aiyi habang papalapit na ako sa pwesto nila.
"Oh hi, Aiyi! Long time no see!" sabi ko, peking nginitian sila.
"Who's this Aiyi?" tanong ng babaeng halos iligo na ang make-up sa mukha. Tangina mo, bitch!
"Ah, si Iza Marie Perez, my cousin," mahina niyang sagot sa babae.
Oo nga pala, magpinsan pala kami. Putangina talaga!
"Oh, a cousin. Hi Iza, nice to meet you," sabi niya at ngumiti, peki!
"It was bad meeting you too, hihi-ramin ko muna ha," paalam ko dito at hinila na si Aiyi.
Habang hinihila ko siya, bigla niya akong pinatigil at hinarap sa kaniya.
"Ano na naman bang kailangan mo, Zaza?" namumungay na mga mata niyang nakatitig sa akin.
"Girlfriend mo 'yon?" tanong ko sa kaniya at galit pa rin, eh nagseselos ako eh!
"Ba't ka nagtatanong?" tanong niya sa akin at ngumisi.
"Sino nga 'yon!?" galit pa rin ang aking tinig habang tinatanong siya.
"Kaibigan lang" sagot niya at mas lumawak pa ang ngiti sa labi. Bwesit na lalaking ito!
"Kaibigan? Eh ang laki nga ng ngiti mo habang kausap ang babaeng iyon" sabi ko at mas uminit pa ang ulo habang naaalala na naman iyon kanina.
"Teka teka, nagseselos ka ba?" tanong niya sa'kin.
"A-no? Huy, hindi ah! Ba't naman ako magseselos? Ano ba tayo? Eh magpinsan lang naman tayo?!" Oh shitt!
"Sure ka? Eh sa inaasta mo ngayon, kulang nalang ipagsigawan mo sa buong mundo na pagmamay-ari mo ako" sabi niya habang lumalapit na sa akin.
"Bahala ka nga diyan!" sigaw ko sa kaniya at handa nang tumakbo pero nahawakan niya pa rin ang aking kamay at pinaharap sa kaniya.
"Oh, sa'n ka pupunta? Hindi pa tayo tapos kaya humarap ka sa'kin kung nagsasalita ako," sabi niya sa nakakatakot na tinig.
"B-bitawan mo nga ako, Aiyi!" sigaw ko dito.
"Sabihin mo nga sa'kin ang totoo, Zaza, may gusto ka ba sa'kin?" tanong niya sa mahinang boses.
"Magpinsan tayo, Aiyi! Ano ba iyang pinagsasabi mo?" sagot ko sa tanong niya at iniiwasan ang kaniyang mga mata.
"Ang tanong ko ang sagutin mo. Do you like me? Yes or No lang ang isasagot mo," sabi niya.
"Aiyi," humihina na ang aking boses.
"Damn it! Do you like me, Zaza?" tanong niya ulit.
"Yes!! Gusto kita! Okay na? Nasagot ko na ang tanong mo kaya bitawan mo na ako," pasigaw kong sagot sa kaniya at iniiwasan ang kaniyang mga mata para 'di niya makita ang mga mata kong nag-b-blur na dahil sa mga luhang gustong kumawala.
"Zaza," tawag niya sa akin sa mahinang paraan.
"Bitawan mo na ako, Aiyi," sabi ko sa mahinang boses.
"Damn it, hindi ko na talaga kaya," sabi niya at biglang hinalikan ang aking mga labi. Patay!
Hinalikan niya ako sa mahina na paraan, parang matagal na niyang hinihiling na mahalikan ang aking mga labi, at hindi ko na namamalayan, ginagaya ko na pala ang kaniyang paghalik. Shit!
"Wait, wait Aiyi," pigil ko sa kaniya sa akmang hahawakan na niya ang aking suot na swimsuit. Shit, ngayon ko lang naaalala na naka-two-piece swimsuit lang pala ako. Shit nakakahiya!
"Why?" sabi niya at mapupungay na ang mga mata.
"Aalis na ako," sabi ko at akmang aalis na, he grabbed my hand at ipinaharap sa kaniya.
"Hindi mo ba nagustuhan?" sabi niya sa mahinang tinig.
"Aiyi, mali ito. Magpinsan tayo," humihina na rin ang aking tinig.
"Zaza."
"I'm sorry," sabi ko dito at iniwan siya doon.
Shittt, nakakahiya talaga iyon!!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/376686808-288-k725421.jpg)
YOU ARE READING
Beautiful mistake
RomanceSi Iza at Aiyi ay hindi inaasahang magkakaroon ng malalim na damdamin para sa isa't isa. Habang unti-unting nahuhulog sa pagmamahal, nagiging malinaw na ang kanilang nararamdaman ay labag sa mga pamantayan ng mundo. Sa gitna ng kanilang emosyonal na...