Aliana Arceta
Pakiramdam ko ay nanlaki ang ulo ko nang sabihin ni Von na sterile siya. Ang daming isipin na mabilis na pumasok at nawala sa isipan ko, pero hindi na mahalaga pa ang ilan sa mga iyon. Isang bagay lang ang dapat kong bigyan ng pansin, ang nasa sinapupunan ko. I need to think properly and make right decisions for the child in my womb, or else I might go insane.
Vonn explain everything nong magkausap kami, that before we get married, he took the initiative to undergo semen analysis and hormone analysis, considering that he was already aware of relatives in his family who had experienced sterility-----o pagkabaog.
Hindi ko naituloy na sabihin sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Bigla akong natakot, hindi para sa sarili ko kundi para sa batang nasa sinapupunan ko. Hindi dapat niya malaman ang tungkol dito. Not now!
Alam kong hindi ko ito maililihim sa kanya ng matagal, malalaman at malalaman din niya ang tungkol dito kaya kailangan kong mag-isip mabuti kung paano ko ito sasabihin sa kanya.
Nang tanungin niya ako kung ano ang sasabihin ko sa kanya ay binanggit ko ang tungkol sa paghahanap ko ng trabaho online, naniwala naman siya. Naging apologetic siya pagkatapos naming mag-usap, panay ang hingi niya ng tawad sa akin. Pero hindi ang pagkabaog ni Von ang nanatiling laman ng isipan ko, kundi ang anak namin ni Wise.
Malaki ang pagsisisi ko dahil nagtaksil ako sa asawa ko, pero at the back of my mind may kakaibang kiliti ang hatid nito sa akin. Magkakaroon ako ng anak kahit pa baog si Von. I know this is wrong, pero isa sa pinangarap ko ay ang magkaroon ng anak.
Pagkalipas ng isang araw, nakagawa ako ng isang mahirap na desisyon. Aalis na lang ako at magpapakalayo. Bubuhayin kong mag-isa ang anak ko. Habang nasa trabaho si Von ay kinuha ko ang bag at nag-impake------but I was stopped.
Sandali akong nag-isip.
Hindi ko pwedeng iwanan basta si Von, mahal ko siya. Ibinalik ko ang mga damit ko sa closet. May iba pa sigurong paraan. Hindi pa naman halata ang tiyan ko kaya makakapag-isip pa akong mabuti ng ibang plano.
Gulong-gulo ang isipan ko sa mga oras na ito. Hindi ako makapag-isip ng tama at maayos, parang nawalan ako ng kakayahan na gumawa ng tama para sa sarili ko, higit sa lahat para kay Von.
At sa lahat ng ginagawa ko, I have to present myself as someone who keeps no secrets. That I need to pretend that I am a good wife to Von. That I have no hidden secret interactions with Wise.
PAGSAPIT ng hapon, lumabas ako ng silid. Maaga pa, alas tres pa lang nang makasalubong ko si Wise dito sa hallway, mukhang kagagaling niya sa trabaho. Hindi ko narinig na dumating ang kotse niya.
Dahil sa matinding pagiisip ko ay wala na akong pakialam sa paligid ko, kaya siguro kahit may marinig ako ay balewala na ito sa akin. Maghapon akong nagkulong sa kwarto, walang gana sa lahat pero pinilit kong bumangon para kumuha ng pagkain sa kusina.
Aatras dapat ako pero may napansin ako. Seryoso siyang naglalakad na para bang may sarili siyang mundo, malapit na kaming magkaharap pero hindi lumapat ang tingin niya sa akin hanggang sa lagpasan niya ako. Hinabol ko siya ng tingin dahil nagtataka ako sa ikinikilos niya.
Himala hindi niya ako pinansin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pumunta rito sa kusina. Buti na lang wala rito yong byenan ko kundi sermon na naman ang aabutin ko.
Kumain ako ng mga prutas at uminom ng tubig, patuloy ang pag-iisip ko.
Kung ganon walang alam ang byenan ko sa kondisyon ni Von. Dahil nong nakaraan sinabihan niya ako na dapat kong bigyan ng halaga ang pagkakaroon namin ng anak ni Von.