KABANATA 5
•••
"BINIBINI." Sambit niya. Niyakap ko siya ng mahigpit dahilan ng pagkadala ko na aking pagkasabik at pangungulilang nararamdaman. Di ko maipaliwanag? Ngunit ang aking puso't isipan ay siya lang sambit; at nakatatatak na sa tadhana na muli kaming pagtatagpuin. At ito na yun. Ang muli pagkikita namin.
"Binibini."Sambit niya ulit, hinawakan niya ang magkabila kung braso at dahan-dahang inalis ako sa bisig niya. Namumuo ang luha sa aking mga mata di mapigilan ang galak ng makita siya muli. Tila'y dahan-dahan kung napagtanto na mali ang aking ginawa, ang isipan at puso ko'y nagtatalo sa aking kinilos na pabigla-bigla lamang ako at nagpapadala sa emosyon at pangungulilang nararamdaman. Hindi ko nga mawari kong bakit bigla kong nagawa yun, tila'y biglang nagbago ang alala ko ng isang saglit at pagkatapos ay bumalik na sa realidad."Sorry ayy este!!! Paumahin. May naaalala lamang ako sayo. Hindi ko ibig na yakapin ka ng ganun ka higpit. Ipagpaumanhin niyo po." Usisa ko. Nakatitig lamang siya sa akin ng deritso di maalis ang kaniyang mga mata sa akin at tila'y ako'y kinikilatis ng lalaking ito.
"Ikaw nga ba si Pathima?" Tumungo-tango ako."Ang anak ni Alkalde Antonio Alonso?" Pagpatuloy niya.. ako'y tumango-tango ulit na tila'y Pepe di na makapagsalita. Nahihiya na kasi ako sa aking ginawa.
"Binibining Pathima." Napatingin ako sa kaniy, sa pagkakataong to. Siya'y ngumiti sa akin, ngiting ngayon ko lamang nakita sa boung buhay ko. Parang pamilyar sa akin lalong-lalo ang kaniyang makikintab na mata na kumikinang kapag nakatingin siya sa akin. Bakit nagiging isang anghel siya sa harap ko. Poging anghel!!
"Kalimutan na lang na'tin ang nangyayari. Isipin mo na lamang na isang panaginip ang iyong ginawa kanina. At isipin mo na lang din na yung mga taong nakatingin sa atin ngayon ay mga bulalak. Katulad ng bulalak na ito." Ipinakita niya ang puting bulalak sa harapan ko. Kasing pula na ng kamatis ang pisngi ko ng mapagtanto na tinitingnan nga kami ng mga tao ngayon. Umiwas na lamang ako ng tingin at umatras sa kaniya ng tatlong dangkal ang layo. Kahihiyan tong pinaggagawa ko. Nakakainis!
"Wag kang mag-alala. Hindi ko naman iniisip na may gusto ka sa akin, kaya mo ako niyakap ng ganun ka higpit Binibini. Isipin na lang natin na pinasasalamatan mo ako sa bulalak na ito." Ibinigay niya ulit sa akin ang natitirang bulalak sa kamay niya.
"Pasensya na talaga. Hindi ko sinasadya, nadala lamang ako sa emosyon ko." Tugon ko. Napayuko na lamang ako, ayaw kong makita niya ang mukha ko na namumula na ngayon, at ang init narin ng pisngi ko.
"Binibining Pathima." Napalingon ako sa tumawag sa akin na naglalakad sa pasilyo patungo reto sa gawi namin na kasalukuyan nakatayo sa harap ng altar. Ngumiti si Rafael. May Hawak-hawak na bulalak, napawi kaagad ang ngiti niya ng makita ako na may kasama. Bumaling naman ako sa lalaking kaharap ko ngayon, hindi niya parin inaalis ang tingin niya sa akin. Kinakabahan tuloy ako dahil pakiramdam ko nag cheat ako sa mga oras na ito. Pero hello!! Manliligaw ko pa lang si Rafael at tung lalaking nasa harapan ko, ito yung dahilan ng pagtibok ng puso ko.
"Ikaw pala, Ginoong Joselito." Wika ni Rafael ng malakapit na siya sa akin. Tila'y hindi magkasundo ang dalawa dahil sa asta nila sa isat-isa tila'y may alitan tong dalawang to. Ang sama kasi ng tingin ng dalawa sa isat-isa. Ang sama din ng agiw ngayon.
"Ako nga." Tugon ni joselito. Seryuso lang siyang nakipagtitigan kay Rafael at pagtapos ng ilang segundong titigan ay binaling naman niya ang tingin sa akin. Napaiwas tuloy ako ng tingin at pumagitna na lang sa kanila.
YOU ARE READING
First and last love
Tarihi KurguMuling maisusulat ang kanilang pagmamahal na naputol sa isang trahedyang di inaasahan. Balikan muli. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.