𝖘𝖎𝖝

1.2K 39 4
                                    


【chapter six】


Pagkatapos ng klase ay agad akong nagpaalam sa barkada na hindi na muna ako sasabay sa kanila pauwi. Tumawag din ako kay Manang para sabihan siya na baka gabihin ako dahil palagi 'yon siya nag-aalala kapag hindi pa ako dumadating sa bahay nang lagpas sa curfew. Pagkatapos iwanan ang mga libro ko sa locker ay tsaka na ako nagtungo sa convenience store malapit sa campus dahil doon daw ako susunduin ni Aya. Good thing that it turned out na nasa loob lang din pala ng village ang bahay niya. At least hindi ako mahihirapan mamaya umuwi.



"So, sinong kasama mo dito sa bahay?" Tanong ko habang pinapanood si Aya na buksan ang kanilang main door.



"No one. It's just me."


"Where's Tita Venus?"


"She's in Japan. Hindi siya sumama papunta dito."



Pagpasok sa loob ay agad niya akong sinabihan na maghubad ng sapatos kaya naman tahimik ko itong sinunod. "Pumayag si Tita na mag-isa kang pumunta dito sa Pinas?" Medyo gulat kong tanong because Aya's mom is kind of strict and protective, especially when it comes to her dahil siya ang nag-iisang anak, kaya naman nakakagulat na pumayag siyang si Aya lang mag-isa ang umuwi dito sa bansa.



"My mom's busy so it's not like she can go with me even if she wanted to." Sagot niya habang binibigyan ako ng pair ng home slippers na may Hello Kitty na design. "We kind of own this house kasi binili daw 'to nila Lolo kaya medyo nakampante siya. I also try to tell her all the time not to get too worried about me because I can handle myself."



Hindi ako sumagot at tahimik lang siyang sinundan patungo ng kusina habang iniikot ang paningin sa bahay. The house is big, maybe a little bigger than ours. Na-emphasize rin ang kalakihan nito dahil sobrang konti ng furniture sa loob kaya naman ang daming empty spaces. Wala kang masyadong decorations na makikita. The house itself looks sad. Hindi ba nalulungkot si Aya na siya lang mag-isa ang nakatira dito?



"I don't have a lot of food here so is it ok kung ito lang kakainin natin?" Tanong niya at pinakita sa'kin 'yung kinuha niyang popcorn mula sa pantry.



"Yup. It's ok." Nakangiti kong sagot at nang saglit siyang lumayo para ilagay sa microwave ang hawak na popcorn ay patago kong sinuri ang laman ng pantry. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-alala nang makita na puro canned goods ang laman nito. There are no snacks at 'yung mga de-lata na 'yon karamihan pa ay mga sardines. Langya. Kumakain ba siya nang maayos dito?



"Oh, right. May pink lemonade diyan sa fridge. Can you get it for me?"



Hindi ako umimik at tahimik lang na naglakad patungo sa maliit na ref sa gilid. Kinuha ko 'yung pitcher na may kulay pink na liquid sa loob at pinatong ito sa counter na malapit. Tapos ay tsaka ko sinuri ang laman ng fridge. Bukod sa dalawang pitsel ng tubig at iilang itlog sa egg tray, wala nang ibang pagkain sa loob. Kahit 'yung freezer ay walang naka-stock na mga frozen foods like beef or chicken. "Hindi ka ba naggo-grocery?" Tanong ko kay Aya habang sinasara ang ref.

Don't Look Back (A Depression Awareness Story) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon