CHAPTER 1
"Bakit ang tagal niya?"
Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses akong napabuntong-hininga. Kanina pa ako naghihintay rito sa arrival area. Tila hindi ako mapakali habang paulit-ulit na tumitingin sa karatulang hawak ko, palihim na kinakabisa ang pangalang William Choi Han.
Alam kong mahalaga ito, ngunit parang pasan ko ang mundo dahil ni anino ng taong iyon ay wala akong ideya.
Simula kasi nang nagtrabaho ako sa kumpanya, hindi ko pa siya nakikita. Ni anino niya ay hindi ko pa nasilayan. Kahit isang beses man lang. He's so elusive.
Kalimitan lang ako nakakarinig ng usapan tungkol sa kanya sa kumpanya. Hindi siya masyadong kilala sa opisina at wala akong ideya kung sino siya. I have no idea what he looks like and who he is. This will be our first meeting. At sana maging maayos ang una naming pagkikita.
Pero hindi na mahalaga sa akin kung kilala man siya ng lahat o hindi. Ang importante ay magawa ko nang maayos ang trabaho ko at matulungan ang mga kapatid ko sa kanilang pangarap na manalo sa World Skating Championship.
I will do my best to assist him, despite having no experience as a secretary. However, I did some research to understand their main responsibilities.
I learned that a secretary handles scheduling, communication, and travel arrangements. They manage meetings, documents, and act as a liaison between departments. They also assist with projects, organize events, and handle office duties, ensuring smooth operations while solving minor issues independently.
Nawindang ako sa dami ng gawain ang isang secretary. To top it all off, a secretary has a lot of responsibilities, yet the salary is quite low. But it's okay, I can handle it. Ang hindi ko lang mahandle ay ang maghintay dito ng matagal.
Nung una, nagtaka ako kung bakit ako ang inutusan ni Chairman na sumundo sa apo niya, despite the fact that it’s not part of my job. Pero pumayag na rin ako dahil may extra payment din daw iyon.
At ang mas nakakatuwa pa ay ang mga blessings na natatanggap ng family ko after I accepted the offer. The company will cover the expenses for my brothers' preparations to compete in the World Skating Championship. Saka bibigyan din nila si Mama ng pangkabuhayan package, pandagdag kita niya.
The Chairman's offer was too enticing to reject, so I did not hesitate to accept it. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon at umoo agad.
I know that this job will be quite challenging, but I don’t have a choice. Kahit na hindi ko pinangarap ang maging secretary ng isang General Manager. I am only doing this for the sake of my family, especially for my brothers.
Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Marahil siya na ito ang tumatawag. Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa at walang pag-aalinlangan na sinagot ang tawag, ramdam ang panginginig ng mga daliri ko habang inilalapit ang telepono sa tenga. "Hello, si William Choi Han ba ito?" tanong ko, pilit itinatago ang kaba sa boses ko.
Narinig ko ang singhal sa kabilang linya, matalim at puno ng irita. "Tsk. Kanina pa ako nandito," sagot niya, kasunod ang mabilis na pagputol ng linya.
Agad kong tinuon ang tingin sa paligid, pilit hinahanap kung nasaan siya. Pero wala akong makitang lumapit sa akin o tumawag ng pangalan ko.
Nasaan na ba ang asungot na 'yon at bakit hindi ko siya mahanap?
"‘Hey. I'm right here,’" narinig ko mula sa gilid, kaya mabilis akong napalingon. Nakatayo roon ang isang lalaki, suot ang Hawaiian shirt na nakabukas ang ilang butones.
Kunot ang kanyang noo habang nakatingin siya sa akin at halata ang inis sa itsura nito. Pero imbis na mataranta ay para akong natulala. Hindi ko maipaliwanag, pero parang huminto ang oras.
BINABASA MO ANG
Beneath The Northern Lights
RomanceAfter a promising career as a senior manager, Joana faces a surprising demotion to secretary, tasked with serving the chairman's grandson. While her career excels, her love life suffers due to her boyfriend's infidelity. During her darkest time, som...