LETTER FOR A ROSE
PROLOGUEThe Myth of the Missing Half, I once heard this tale from my Philosophy professor as I unconsciously draw doodles at the back of my notes. According to this myth written in Plato's Symposium, humans used to have a head with two faces facing behind each other, four arms and four legs-fearing their ability to take down Zeus; the king of gods, he separated everyone of them into two, cursing them to spend their lives searching for their other half.
Plato's idea of love are one of the earliest origin of soulmates. Sa panahon natin ngayon, hindi na nakakapagtaka kung bilang nalang sa daliri ang naniniwala sa soulmates, some only searches for flings or their so-called 'fubus'. I tend to let out a small chuckle whenever Annitah says, ako nalang ang nag-iisang babaeng umaasa sa seryosohang relasyon sa ganitong henerasyon.
And honestly, maybe it is true.
Sa sobrang dami kong nakarelasyon, ni minsan hindi ako napagod sa kakahanap ng the one, New York was a big city for me, yet those three dates and two relationships ended in failures and misery. Pero heto ako ngayon, matyagang naghihintay na baka may dumating pang iba.
Pero paano kung sa lahat ng nakarelasyon ko sa mga yon, isa na pala talaga sakanila ang tamang lalaki para sa'akin? Like I've said, New York was a big city, therefore now that I am stepping back where I really came from, memories flashes back within my mind. Kakayanin ko na bang bumalik sa lugar na nagparanas sa'kin ng pinakamasakit na mga pangyayari.
My phone started vibrating continuously as I walked out of the airport. The hot wind of the never-ending summer weather of the Philippines hits my skin, feeling the warmth that I missed. I looked around as I wait for the vehicle na binook ko kanina, however, a familiar red retro camper van appeared randomly in my eyes.
What the fuck?
Napabuka ang bibig ko nang makita ang napalaking banner na halos sakupin na ang buong van, kung saan nakapaskil ang buong pagmumuka ko habang may rainbow signage na "CONGRATULATIONS TO OUR BEST NEW YORK TIMES FICTION WRITER AKA LEANDRA BATUTA"
Tangina???
Muntik nakong mapatalon sa gulat nang huminto ito sa harapan ko at bigla na lamang bumukas na para bang mga kidnapper ang nasa loob nito.
"LEANDRAAAA!!!"
"BRUHAAA ANG GANDA MO!"
"BAKLA ANG AFAM NASAAN?!"
"AKALA KO ARTISTA SI BATUTA LANG PALA!"
Ang sunod-sunod na matitining na sigaw ang muli kong narinig after five years. Wow. Hindi pa rin talaga sila nag-bago. Naiinis man dahil sa kawalang-hiyaan na ginawa nila kagad sa'kin, ngunit napangiti ako nang muli kong madama ang maiinit na mga yakap na hindi ko ikinakailang namiss ko.
"Leandra, oh my god, we missed you!" Dahlia, my bestfriend, whispered as she pulled away. "Hindi ka nagsabi ngayon ka babalik dito, kung hindi lang ako ginising ni Thea hindi ko pa malalaman eh" Mela pouted.
"Umalis ka nga jan bruha" pabirong tinulak ni Theanna si Mela bago itinili ang aking pangalan bago yumakap muli "I miss you!! Andami dami kong ibabalita sayo" natatawa niyang sabi kaya't napangisi ako.
"Long time no see, che" napatingin ako sa aking kanan at napatingin sa hawak ni Anittah. Red Roses. Hindi pa rin nakakalimutan. "Thank you, hindi ka pa rin nagbabago ah, ganyan pa rin height mo" biro ko bago kunin ang bouquet ngunit "Ay hindi sayo to, para sa lola ko to" pabiro nyang kinuha bago dumila. Parang bata pa rin talaga.
"Hoy tama na yan, nakaharang na kayo, tara na!" napatingin ako sa loob ng driver's seat at nakita si Alex.
"Gwumapo ka bayaw ah, isang ligo pa para bagay na kayo ni Thea" biro ko kaya't nagtawanan ang lahat. Bumaba naman si Alex para ipasok ang maleta sa likod ng van bago kami makapasok lahat sa loob. Mahaba habang byahe nanaman.
"Bakit nga pala parang ang konti ng dala mo?" tanong ni Alex at pasulyap na tumingin sakin mula sa front mirror. "Hindi naman rin ako magtatagal masyado dito" maikling sagot ko. "Oh? Akala ko sabi nitong ni Thea dito ka na rin daw magpapasko?" tanong muli nito.
"Pinag-iisipan ko pa e, na-miss ko rin kasi dito sa Pinas, kaso kailangan ko ring kumayod kung hindi babalik akong New York na nakatambak na yung mga gamit ko sa labas ng apartment"
"Sus! Hindi na pinagiisipan yan, kung gusto mo ampunin nalang kita" Anittah joked before opening the can of red horse. "Ang aga mo teh" irap ni Mela. "Paabot nga isa"
"Santu-santuhan ka pa jan" sagot ni Anittah bago ibato kay Mela ang isa pang can. "Oh ito welcome drink" ngunit hindi ko ito kinuha "Quit na'ko jan che" sagot ko.
"Kunwari ka pa, kunin mo na, namiss ka na ng baby natin"
"Hindi, seryoso, one year quit na" tawa ko. "Guys, itigil nyo ang van mali ata tong nasundo natin"
"Gaga, healthy living lang" mayabang na tono kong sagot.
"Hindi pwede yan, bukas iinom tayo!" sigaw ni Thea habang nakalingon sakin.
"Hindi ako pwede bukas noh, marriage anniversary nila Tita Rianne and Tito Nix, kaya lang rin ako umuwi para doon saka para mabisita sila Tita Bea. Baka nga next month umalis nako ulit" paliwanag ko.
"Tita Rianne? Ayon ba yung-ARAY" muntik tumalsik ang beer galing sa bunganga ni Mela nang siniko siya ni Dahlia habang pinandidilatan ito. Pilit nalang akong tumawa.
"Este ano, seryoso ka ba?! Ang bilis naman sobra" nauutal na kunwaring pagtataka ni Mela.
"Basta, titignan ko kung dito na rin ako magpapasko"
"Wag na nga natin pag-usapan yan. Atlis ngayon sa wakas nakabalik ka na! Ready ka na bang magsawa sa'min ulit Livie?" tawa ni Dahlia.
"Loko, ngayon palang nga gusto ko na bumalik sa eroplano" pang-iinis ko sakaniya kaya't ito'y napairap. "Tss. Ililibot ka namin ulit sa buong Luzon, dating gawi! Ano ready ka na?" sabay akbay niya sakin.
Ngumiti na lamang ako at tumango.
Ready na nga ba?
Handa na bakong balikan ang lahat?
Tama bang bumalik pa ako?
BINABASA MO ANG
Letter for A Rose
RomanceThe Overdrive Series #1 | A broken-hearted hopeless romantic with a broad imagination like Livie would hate to be around with someone like Gio, a stereotypical basketball player who only knew how to get girls through his corniest jokes. He was all a...