Chapter 21

127 10 2
                                    

"You have to eat Santina, hindi ka ba nakakaintindi na para sa bata kaya ko ito ginagawa?"

Malalim ang paghugot ng hininga ang ginawa ko sabay lingon sa labas ng bintana. The city beneath the three o'clock afternoon sun was calm and serene. But I knew beyond this triple space five star hotel-like private room in one of the greatest private hospital in country that city was like hell with all the buzzes of the vehicles going here and there.

"Santina Santander, hindi ka ba talaga kakain?"

Kumunot lang ang noo at hindi muling tumingin sa kanya. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya na parang nahihirapan nang pakisamahan ako.

Simula nang magising ako dalawang oras na ang nakalipas ay nagtalo agad kami dahil dinala niya pa ako sa pribadong ospital na'to. Alam ko na siya ang gagastos pero ang pinaglalaban ko ay kung bakit niya pa ako dinala dito gayung nagising naman ako agad?

Nang mahimatay ako kanina ay nagising ako sa loob ng kotse niya wala nga yatang five minutes dahil nagising ako agad but he insisted and now we're here in this private hospital he knew para macheck daw ako kung ano ang nangyari sa akin. The doctor clearly stated that it's just stress pero over-acting si Leighton kaya heto at dalawang oras na kami dito.

"Santina. Please. Cooperate." Nahihirapan niyang sabi. "I only want you to eat because it's what you requested earlier."

"Tsk, sa apartment na nga ako kakain. Gusto kong umuwi na at doon nalang magpahinga." Mariin kong sagot na hindi parin lumilingon sa kanya.

For someone who resented this pregnancy, he cared like a loving father when in reality he's not.

"Paano kung humingi ka ng pagkain mamaya habang nasa byahe tayo ha?"

Tsk.  Makasarili. Yung pinupunto niya ay dapat hindi siya maistorbo sa ginagawa niya pero dinala niya ako dito sa ospital, ang laking gago niya. Sobra. Bastardong putangina.

"Hindi na ako sasabay sayo. Kaya kong kumuha ng Grab para makauwi sa apartment ko at para makauwi ka narin sa girlfriend mo. Nahiya pa ako at naistorbo pa kita ng sobra." Tuya kong sambit.

I saw his shadow casted on the wall in front of me. I felt him moved and the bed sank when he sat down on my bed. Sa anino niya sa pader ay para siyang kapre sa laki niya. Kulang nalang ay sigarilyo para totoong kapre na talaga siya. Putangina. Nakakainis. Wala itong pinagkaiba sa huli kong ex. Bakit ba kasi hindi ako pinalad na makahanap ng lalaking hindi ako kayang pagsalitaan ng masasama?

Okay lang sa akin kung hindi ako makahanap ng kasing gwapo ni Leighton basta mabait at maunawain at may takot sa Diyos at pasensyoso at hindi ako lolokohin o pagsisinungalinan. Kahit yung mga katangian na yun ay okay na sa akin kahit hindi kasing yaman at gwapo ni Leighton.

Sa lalaking kagaya ni Leighton ay hindi ko alam kung paano siya pakikisamahan. Sobrang makasirili, spoiled, at kailangan ay masusunod talaga ang layaw niya. Putangina talaga, putulin ko pa ang ulo nito eh nakakabanas na.

"Hindi ako papayag na kumuha ka ng Grab. I have my car and I am willing to give you a ride home but you must eat first before we go out."

"Ayoko ngang kumain ng pagkain dito. Gusto kong umuwi at doon ako kakain ng gusto ko." Pagdiin ko, ang kulit.

"Ano bang gusto mong kainin at magpapabili agad ako?"

Nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata yung pagsuksok ng kamay niya sa bulsa ng pants niya at kinuha ang cellphone.

Naiinis akong lumingon sa kanya. His body was sitting sideways. He's ten inches from me. Allergic yata na ito sa akin dahil hindi siya nakaharap ng maayos at parang takot pang dumikit ang katawan sa akin.

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon