“Mahal na prinsesa?” doon lamang ako nabalik sa reyalidad nang tawagin ako ni Gurong Yntia. “Mukhang malalim ang iyong iniisip?”
Narito kami ngayon sa silid kung saan lagi ginaganap ang aking klase. Balik sa dati ang mga araw ko nang matapos ang kasiyahan. Tatlong araw na rin ang nakalipas.
“Pasensya na, guro. May mga iniisip lang.” Ngumiti ito sa akin at ibinaba niya ang libro na kanyang hawak.
“Iniisip mo ba ang mga posibilidad na mangyari sa Hua Albanzious?” nagyuko ako ng ulo.
“Ano ang inyong mararamdaman sa oras na mag-simula na naman ang digmaan na matagal ng panahon nangyari?”
“Mahal na prinsesa, hindi natin maiiwasan ang digmaan o kaguluhan. Ngunit nagdadasal ako na sana'y hindi ito matulad sa dating digmaan kung saan maraming namatay. Ang aking pamilya ay isa sa mga napaslang noon. Ang mga royal families ng Darthoviac ay napaslang din. Iyon ang isa sa mahirap kalimutan ng mga taong kagaya ko na nakaligtas.”
Sumandal siya sa kanyang upuan at namumungay ang mga mata na nakatingin sa akin.
“Maaaring hindi mo pa alam ang buong detalye sa unang emperatris. Nais kong ibahagi sa’yo ang kaunting kaalaman ko tungkol sa kanya.”
Dahil sa sinabi niya ay doon ako nabuhayan. At naging interesante sa kanyang sasabihin.
“Mukhang gusto mo ang aking sinabi.” Natatawa niya pang saad.
“Nais kong malaman, guro.” Hindi ko mapigilang ilabas ang aking pagkasabik.
“Ang unang emperatris ay mula sa pamilya ng Duradorfer.” Namilog ang mata ko.
“Kung ganoon… ang emperatris ay ipinapanganak hindi sa iisang pamilya lamang?” umiling siya.
“Ito ang rason kung bakit napaslang ang mga Duradorfer. Akala nila ay ang mga bagong panganak na sanggol sa pamilya ng Duradorfer ay maaaring maging isang emperatris. Ngunit nagkamali sila. Dahil ang emperatris sa panahon na sinugod nila ang Darthoviac ay nasa lugar ng Nova Flocur. Ang bunsong anak ng Vernissas. Si Mihera.”
Ang mga impormasyon na ito ay isang malaking bagay sa akin. At mas lalo lamang nabuhay ang aking isip malaman pa ang ibang detalye.
“Si Mihera ay magandang dalaga. Tulad ng pagbibigay deskripsyon sa unang emperatris. Nakita ko ang kanyang kaanyuhan. Mabait. Magalang. Matulungin. Matapang. Ngunit, trahedya lamang ang kanyang natanggap nang malaman ng kalaban kung sino ang emperatris. Nakakalungkot na sa maikling panahon na siya ay naging emperatris ay masalimuot pa ang kanyang dinanas.”
“Nabanggit sa akin ni Princess Nirvana na ito ay kanyang tiyahin.” Tumango ito.
“Ang iyong ama at ang mga namumuno ngayon sa Hua Albanzious ay isang kaibigan ni Mihera. Tulad na mayroon ka ngayon, mahal na prinsesa. Palakaibigan ang emperatris at ang kanyang katuwang sa laban ay kanyang mga kaibigan din. Kaya nang siya ay pumanaw ay parang napilayan ang buong Hua Albanzious nang ibalita ito. Dahil ang emperatris ay isang puso ng buong lugar na ito. Kaya kapag namatay sila… parang namatay na din ang mga tao.”
Hindi ko alam kung bakit may kirot sa aking dibdib sa naririnig ko kay Gurong Yntia. Ibig sabihin ay ang pangalawang emperatris ay hindi maganda ang dinanas noon kumpara sa buhay na mayroon si Condramaya?
Hindi ko din maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam ako nang panibugho sa mga taong gumawa nito sa pangalawang emperatris.
“Ang aking ama ay isa sa dragon ng pangalawang emperatris. Nalaman ko ito noong minsa’y napag-usapan din namin ang tungkol kay Condramaya.”
YOU ARE READING
Scarlet of Arrows (Book 1)
FantasyScarlet of Arrows Trilogy (Season 1) Originally Started: July 2014 Started: November 30, 2021 Status: on-going ✿✿✿✿✿✿ Ang buhay na mayroon si Cresentia ay hindi katulad ng mga batang prinsesa sa isang palasyo. Sa batang edad na labing-limang ta...