The Element of Fire

3 1 0
                                    

Three Years Later...

Alas Isang binatilyo ang humahangos habang tumatakbo papunta sa palengke. Nais nitong mahanap ang isang ginang mula sa mga naka hilerang nagtitinda sa palengkeng pambaryo.

Nalaman kasi nito na pumunta daw ng palengke ang batang ginang upang mamili.

Agad siyang nakarating sa may bandang dulo pa ng palaisdaan sa palengke at nakita ang ginang na kaniyang hinahanap.

"Ate Mercy! Ate Mercy! Nasusunog po ang kubo niyo! Ate Mercy!," tawag ng binatilyo na kapitbahay ni Mercy.

Nabitiwan naman ng ginang na si Mercy, edad 28, ang hawak hawak na isda na plano niya pa sanang bilhin sa mga oras na iyon.

"Ano?! Ay naku jusko po! Naroon pa't naiwan si Revina! Halika tulungan mo ako!," taranantang sambit ni Mercy.

Saglit pa lang siyang umalis at wala pang kung anong laman ang basket nito. Nais niya muna kasing unahin ang pagbili ng isda dahil talaga namang nagkakaubusan na ng isda sa ganitong oras sa lugar nila. Malayo kasi ang dagat o ilog sa kanila kaya naman madalang lang din ang nagtitinda ng isda. Mabuti nga lang at hindi naman kamahalan ang bentahan kaya naman nakakabili pa rin siya kahit papaano.

"Sige po!" sagot ng binatilyo.

Mabilis silang tumakbo para marating ang kubo nina Mercy. Agad nilang napansin ang malaking apoy na tumutupok sa kanang bahagi ng kanilang kubo.

Katamtaman lang ang laki ng kanilang bahay. Ang yumao pa niyang asawa ang kumumpuni ng bahay at may tatlong kwarto ito, sala, kusina at terasa, mas maganda kumpara sa iba pang mga bahay doon.

Ang kanang bahagi ng kanilang bahay ay saktong sa sala nila. Medyo naka angat ang bahay nila sa lupa at may silong sa ilalim.

Sinigurado niyang nakasarado ito bago niya iwan ang anak niya. Nasa bakod pambata naman ang anak niya kaya pwede niya itong iwan. Isa pa, 3 taon na ito, umaga pa lang naman kaya hindi naman siya nag isip ng kung ano. Wala naman siyang mapag iiwanan dahil dalawa na lang sila sa buhay.

Nanlaki ang mga mata ng ginang dahil naalala niyang nandoon mismo ang 3 taong gulang na anak niyang si Revina. Dali dali niyang tinungo ang sala at sinuong ang malakas na apoy.

May iilan namang sinubukan nang patayin ang apoy. Kaya kakaunti na lang ang lagablab nito.

Subalit pinigilan pa rin siya ng mga kapitbahay niya kung kaya't nag-iiyak na lang siya sa gilid.

"Mercy! Malakas na ang apoy! Delikado na kung papasok ka pa diyan!," sabi ng isa sa kaniyang kapitbahay.

"Pero ang anak ko!!- Revina!!," pagpupumiglas pa ni Mercy.

Sinusubukan namang apulahin ng mga kabaryo niya ang apoy habang lugmok na lugmok naman si Mercy na naka-upo sa lupa habang umiiyak.

Wala na ang kaniyang anak, wala na si Revina. Subalit isang maliit na bulto ng tao ang lumitaw sa likod ng naglalagablab na apoy, agad naman itong napansin ng ilang niyang mga kabaryo.

"May bata! Si..Si Vina, Aling Mercy!" tawag naman ng ilan na naka kita.

Agad na nabuhayan ng loob si Mercy at agad na nilapitan ang kaniyang anak na di man lang umiiyak at tila gulong gulo pa sa mga nangyayari.

Natupok na ang bakod pambata kung saan siya naroroon na gawa pa sa kahoy. Kaya taka ng iilan, paanong hindi man lang naka tamo ng kahit kaunting paso o sunog sa balat ang bata?

Agad naman siyang nilapitan ng kaniyang ina at niyapos ng mahigpit na mahigpit. Lumapit naman si Kapitan Owen na tila naguguluhan sa naganap na sunog.

"Mercy," tawag ni Kapitan.

The Elementals Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon