Kabanata-13

4 1 0
                                    


~~~ Pagkatapos naming mag usap ni Juancho nang gabing iyon naging malapit na kami sa isat-isa tinanggap ko narin ang pakikipag kaibigan nito saakin kaya napapadalas ang pag bisita nito saaming tahanan madalas din kaming mag sanay nang esgrima sa harden.

Napa atras ako nang makita kong naka totok na ang espada ni Juancho saaking leeg ngunit hindi ako maaring mag patalo dito kaya muli ko itong sinugod at malakas na hinataw ang kaniyang espada dahilan para mabitawan niya ito at mabilis kong itinotok sakaniyang ulo ang espada ko kaya agad itong napa palakpak at tinanggal ang kaniyang masacara at nakita kong napangiti ito saakin.

Juancho: ngayon sigurado na akong may higit na mas mahusay na saakin...

Bago ko sagutin si Juancho agad ko naring tinanggal ang aking masacara at napa yuko dito at ganun din ito saakin.

Ella: dahil sa mahusay kang mag turo kong kayat natalo kita o baka nag patalo ka lamang? ( pang aasar ko dito)

Natatawa namang napa iling di Juancho saakin at lumapit ito.

Juancho: walang sino mang ginoo ang nais matalo nang isang binibini kaya natitiyak kong magaling kana sa larangan nang esgrima...

Hindi ko napigilang mapa ngiti dahil batid kong malaki ang aking iginaling nang ito na ang nag tuturo saakin.

Ella: salamat dahil yon saiyo...

natigil ang pag uusap namin ni Juancho nang dumating si Cecelia at may bitbit itong bandeha na may naka patong na menandal at inomin.

Primer y' ultimo amor (una at huling pag ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon