Chapter 01

80 11 1
                                    


I hate school, sino bang hindi?

Para itong kulungan sa mga batang hindi pa pinapayagang gumawa ng gusto nilang gawin gaya lang ng nasa isip ko ngayon.

Kasalukuyan akong naka-upo sa same spot ko, sa pinakahuling upuan sa bandang gilid, naka-lapat ang pisngi sa desk habang ang mga tingin ay sa labas ng bintana. Sobrang boring ng araw na ito, wala itong kasing boring. Gusto ko nang matapos ang nakakaantok na lecture na ito at masabi ng teacher naming kasing boring ng subject nya na uwian na.

"Yves Talas! Are you listening to us?" Agad akong napa-bangon at tumingin sa teacher kong akma nang sumabog ang mukha dahil sa sobrang inis nito.

"Im sorry maam, yes Im listening." Kahit hindi ko naman alam kung anong nili-lecture nya kanina. Ugh, kailan pa ba ito matatapos? Nauumay na ako at parang dumikit na ang puwetan ko sa silyang kinauupuan ko.

"Really? Can you recap what I been said earlier and can you show to your classmate how to solve the problem on the board?" Takte naman eh, ito na ngaba ang sinasabi ko lagot ako nito. Paano na nga bang i-solve yang math problem?

Ang malas ko naman sa subject na ito, ang pinaka-ayaw kong subject at wala pa dito ang bestfriend ko. Bakit ba nagkasait sya bigla, sisihin ko talaga to sa kanya.

Nilunok ko ang laway ko saka tumayo ng matuwid. "Sorry maam I didnt know how to solve that problem." Nakakahiya man ngunit anong gagawin ko? Mabuti pang maging honest sa mga oras na ito at baka kung ano pang galit ang ipupukol nitong gurong to sa akin.

"Ayan ang napapala ng laging tulog sa klase, you see class. Next time Talas try listen to my lecture para may sagot ka naman kapag tinatanong kita. You are the most unattendable student in my class at kapag nabagsak ka this time baka hindi ka maka-graduate kasabay ng batch mo."

Gusto kong magwala, naiinis ako sa sinasabi nya sa akin ano bang pakialam nya kapag hindi ako nakikinig? Ano bang pakialam nya kapag bumagak ako sa subject nya. I dont care at sawa narin ako sa pagmumukha nyang pinaglihi sa inggit. Kasalanan ko bang walang nagkakagusto sa kanya na lalaki? Iba talaga trip ng mga taong katulad nito, parang lahat na yata ng kaharap ikinagagalit.

Hindi na ako umimik, umupo ako at sinubukang makinig sa lecture nya na hindi naman talaga pumapasok sa kukuti ko. This is the worst, lalo na at last subject nyo ito at may pa-overtime pang nalalaman. Takte naman, ganito ba talaga sa public school? Laging may pasobrang aral kapag oras na ng uwian? At may pa-homework araw-araw?

Sa wakas ipapahinga ko narin ang utak ko sa isang makabuluhang araw na ito, this is the most boring day ever in my life kasalanan to ng bestfriend ko lagot sya sa akin mamaya.

Sumakay na ako ng bus pauwi tutal at madadaanan naman ang bahay ng bestfriend ko kailangan nyang pagbayaran ang inis ko ngayong araw. Walkinh distance lang naman ang layo ng bahay ko sa bahay nya kaya lalakarin ko nalang ang bahay pauwi. Bumaba ako sa bus at agad na tinungo ang bahay na nasa mismong tapat ng daan. Binuksan ko ang kulay pulang tarangkahan nila, agad na bumungad sa akin ang aso nilang si Chuchay. Muntikan na akong matumba ng talunan ako nito, sa laki at bigat ng aso kayang-kaya ito akong patumbahin.

"Chuchay! Miss na miss mo talaga ako." Nakipaglaro muna ako sa aso ng ilang minuto bago tuluyang kumatok sa pintuan nila.

Bumukas ang pinto at bumungad naman sa akin ang mama nitong naka-apron. "Oy anak, pasok ka." Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya pumasok ako ng diretso hanggang sa makaupo ako sa sala nila. Nagluluto pala sya ng hapunan at mukhang para ito sa bestfriend kong may sakit.

"Nagluluto ako ng paborito nyong ulam, dito ka na maghapunan nak." Ang sarap nyang magluto ng adobo sa gata, the best ulam in the world namin ng bestfriend ko. Nawala tuloy inis ko na maghiganti sa bestfriend ko sa hindi nya pagpasok ngayong araw sa school.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Brother's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon