Stacey POV
We're here at the airport, hinihintay na namin ang flight namin ni Jake. Pag-uwi ko ng mansion nagalit pa ang isang ito sa akin...
Dahil late nanaman ako tss! Traffic ba kasalanan ko ba kung matraffic? Pero ang totoo it's my fault.
Natagalan ako dahil sa bulaklak na iyon. Hindi kaya he's back! Pero ayoko mag overthink na malala! Kinalimutan ko na ang taong iyon.
He is just a stranger to me.. Pero nevermind bakit ko ba naman uungkatin ang nakaraan kung nandito naman ang aking minamahal...
"Mukhang malalim ata iniisip mo ah? aniya na kinatigil ko.
" Hmm nothing,"
"Why hindi ka ba excited ngayon? Dahil ba sa pinagalitan kita kanina?" aniya. I narrow my eyes on him.
"Hindi ako galit... "
"KUNDI GALIT NA GALIT AKO!" matigas kong wika agad siniko ko naman ito sa tagiliran niya na kinainda niya. "Wow ah grabe to makalambing ah agad siko heheh," natatawang wika niya.
"Eh paano naman kasi para wala kang tiwala sa akin if bakit late ako!" naiinis kong wika. Niyakap niya na lang ako ng mahigpit.
"Hmmm I'm sorry I'm just worried I thought my nangyari na sayo," malumanay na wika niya.
"Hmmm I can protect myself Jake,"
"I'm sorry, nabigla lang ako kanina," malungkot na wika niya.
"Mukha ang cheesy natin ah?" Natigilan kami ng nakita namin sina Mommy Cyril and Daddy Timothy,.
Nandito sila ngayon para makita nila kami ni Jake bago kami umalis.
"Dad nandito na pala kayo, susunod oh ba kayo ni Mom sa Paris?" pagtatanong ni Jake.
Oo nga I thought na family reunion ito pero bakit hindi sila sasama sa amin.
"Hmmm hindi kami sasama kasi may mga aasikasuhin kami ng daddy mo Jake, kayo na muna mag represent sa amin, and besides gusto ka na rin makita ng lola mo Jake," pagsasabat ni Mommy Cy.
"Okay Mom, I understand sana sa susunod makadalo rin kayo," sabi ni Jake sa kanila.
"But wait where is Hero?" Pagtatanong ni Daddy Timothy.
"I'm here lolo," agad naman ito lumapit si Hero sa kanila at nag beso ito sa kanila.
"Baby boy be good boy doon sa Paris ah, maganda ang lugar na iyon maraming pasyalan doon at tiyak mag eenjoy ka pa roon," Masayang wika ni Daddy Timothy kay Hero.
Habang hinihintay namin ang oras ng flight ay nagkwentuhan mu na sina Daddy Timothy at Jake.
"Hmmm sigurado ka ba na gusto mo makilala ang angkan ni Jake?" Pagtatanong sa akin ni Mommy Stacey.
"Oo naman gusto ko rin makilala sila and maging belong sa family Mommy Cy," ani ko.
"Hmmm pwede naman pero mag-ingat ka nalang sa pag galaw mo, masyado ka pa naman magaslaw kung gumalaw," aniya
"Mommy Cy! Grabe ka naman sa akin tss! Pero di na ako war freak ah di na tulad ng----, "
"Hmmm beware, masyado mataas ang standards ng side ng family ni Timothy. Alam ko tanggap na ako ng lola ni Jake but unfortunately hindi rin ko maramdaman na bukal sa kalooban, because of Jake kaya tinaggap nalang nila ako, and because of their apo sa tuhod na si Hero, kaya ang babait nila," Malahad na wika niya na kinatigil ko.
"So you mean nakikiplastikan na lang pala sila sa atin? tss! Pero nevermind wala naman sila magagawa Mommy Cy eh kundi tanggapin tayo, sa buhay nila dahil we are important to Jake than those people!"
YOU ARE READING
After Marriage (Part 2 of MSBML)
RomanceLove is sweeter the second time around, but what if after you tie a knot with your special someone, will it be a good start? or maybe it will be your nightmares. Let's find out what happened to Stacey Villanueva and Jake Fernandez love story after...