“Uhh napadaan kasi ako tapos nakita kitang nakaupo sa kalsada. Baka maaksidente ka pa, miss, kaya nilapitan kita lalo pa gabi na.” Nakatulala lang ako sa kaniya habang patuloy na umiiyak.
His voice sounds different. Hindi na siya malalim mag-Tagalog, hindi na tunog makata ang tinig niya, may alam na rin siyang wikang Ingles.
Ang lalaking anim na taong limot ng isip ko ngunit dama ng puso ko ay nakatayo sa harapan ko ngayon, pinapayungan ako at tinititigan ako na parang isang estranghero.
Si Sebastian, he's in front of me now.
But he seems like he doesn't know me. Hindi niya ba ako makilala agad dahil sa itsura ko?
Inalis ko mula sa pagkakapusod ang buhok ko dahil baka hindi niya ako nakilala dahil sa nakatali ang buhok ko, lampas balikat na lang ang buhok ko ngayon.
“S—Sebastian, ako 'to... Si Aecy Alliyah... P-Paanong nandito ka sa panahon ko? Y-You did what you said, you found me...” Napayakap ako sa binti niya at humikbi.
Gusto kong malaman kung tatlong beses niya nga ba akong hiniling, dahil ipagpapasalamat ko iyon sa kaniya.
“S-Sorry kung ngayon ko lang naalala ang lahat, s-sorry kung ngayon lang kita naalala, S—Sebastian. I'm so sorry I forgot you...” sabi ko habang mahigpit na niyayakap ang binti niya.
“M-Miss, t-tumayo ka diyan, nababasa na ang pang-upo niyo.” Inalalayan niya akong tumayo at muli kong natagpuan ang mga mata niyang wala na ang ningning at pagkasabik. His eyes... changed.
He's looking at me like I am a stranger.
“Ayos ka lang ba?” Nagsalita na naman siya na parang hindi niya ako kilala.
I thought he would hug me when he recognize me, but he didn't. I thought he would cry after he realize it's me.
Nagsimula na namang manggilid ang mga luha ko, hindi makapaniwala sa nasasaksihan ko ngayon.
“Paano mo nalaman ang pangalan ko? Ngayon palang tayo nagkita.” Bumagsak ang balikat ko sa tanong niya. Hindi niya ba ako nakikilala?
I pointed to myself, ramdam ko ang panginginig ng labi at mga tuhod ko.“A-Ako ito si A—Aecy. Huwag mo naman akong biruin, I know mahilig akong i-prank ka pero hindi ito ang tamang oras para magbiro ka diyan!” Sabi ko habang patuloy na umiiyak sa harapan niya.
No! No way he don't remember me.
“Sorry, Aecy tama ba? Pero hindi ako nagbibiro. Ngayon palang talaga kita nakilala.” Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya.
No way...
No way...
Tuluyang bumagsak ang luha ko nang bitawan niya ang braso ko.
“H-How...”
“A-Ang sinasabi mo hindi mo ako kilala?” Naguguluhan kong tanong. I keep holding my tears pero ang puso ko parang pinipiga sa sobrang sakit.
The man I love, the man who told me he won't forget me, the man who never stopped loving me, the man who understands me even in times I'm hard to understand... Is the same man who doesn't remember the love we shared together, is the man who don't remember me.
Umiling siya. “Ngayon palang kita nakilala pero baka kaya kita nakita rito kasi tinadhana tayo.” Nakita ko kung paanong kinagat niya ang labi niya para pigilan ang ngiti.
Banat ba 'yon?
Hindi niya ba talaga ako naaalala? Or joke lang talaga yung hindi niya ako maalala?
“A-Anong buong pangalan mo?” Tanong ko ulit. Tanging payong niya lang ang nagsisilbi naming harang sa malakas na ulan. Basang-basa ako at nilalamig na.
BINABASA MO ANG
The Book That Will Changed My Destiny
Fantasy"Makakahanap ka rin ng isang taong bubuo sa'yong muli." Misa ni father. Napatingin ako sa katabi. "Baka ikaw na iyon, Sebastian hehe. Baka ikaw na ang taong bubuo sa'kin." Ngumiwi ito. "Bakit binibini? Kulang kulang ka ba?" Pati sinaunang tao hindi...