CHAPTER 35

10 8 0
                                    

Zahaira's POV

ILANG LINGGO na kaming tuloy-tuloy sa pag-eensayo. Natanggap ako sa taekwondo, and to my surprise, masaya rin ako na natanggap sina Kristell at ang mga ungas. Right now, nandito pa rin kami sa University of San Jose, kasi ongoing pa rin ang training namin. It's already 11:30 AM—early morning practice kami kanina at naghabol ng lessons simula 5:00 AM.

Nakaupo ako sa bleachers, pawis na pawis pero feeling accomplished. "Grabe yung drills kanina, ha," bulong ni Kristell, naupo sa tabi ko habang umiinom ng tubig. "Pero worth it naman."

Tumango lang ako, pagod na rin akong makipag-usap. Tumambay na lang ako habang tinitingnan ang mga tao sa paligid.

Dumeretso ako sa cafeteria ng University of San Jose matapos sabihin ng coach namin na pwede kaming mag-break para kumain. Pagpasok ko, nakita ko agad na puno ang mga tables—mga studyante at athletes din ang karamihan. Naglakad ako diretso sa counter para kumuha ng pagkain.

"Zahaira, dito ka na!" Biglang sigaw ni Kristell mula sa isang table sa sulok, kasama ang mga ungas. Tumigil ako sandali, parang gusto ko lang kumain mag-isa, pero napabuntong hininga ako at pumunta rin sa kanila.

"Grabe ka, wala ka bang balak sumama sa amin? Parang gusto mong kumain solo ah," biro ni Chad habang nakangiti ng maloko.

"Di ba pwede yun?" tipid kong sagot, habang tinutulak ko ang tray ko sa mesa at umupo.

"How are you?" Napatingin ako kay Enzo
ng itanong niya iyon, nakatingin siya sakin ng deretso, seryoso ang mga mukha niya hindi ko matagalan na tignan siya ng matagal.

"Okay lang" Mahina kong tugon

"Guys! kailangan ko ng bumalik sa
mga ka-team ko! kain lang kayo diyan"
Biglang sabi ni Kristell at tumayo, tumingin siya saakin at hinalikan ang
pisngi ko, "Eat well Haira! eat well guys!
bye!" Paalam niya at patakbong lumabas ng cafeteria

Nagbaba ako ng tingin, alam kong lahat
sila nakatingin saakin kaya naiilang ako
naknamputcha, nang-iwan pa kasi si
Kristell pagkatapos niya akong tawagin
kainis talaga ang babaitang yon!

"Lalayuan mo na talaga kami?" Biglang
tanong naman ni Kokoy, bumuntong hininga ako at lakas loob na tumingin
sakanila

"Para yon sa ikabubuti niyo." Mariin kong
saad, kumunot naman ang noo nila at
napairap.

"Seriously, Zahaira?" Taas-kilay at
sarkastikong tanong naman ni Zion,
napabuntong hininga muli ako, hindi
ko na sila pinansin pa kahit naiilang
ako sa titig nila ay pinagpatuloy ko na
lang ang pagkain at ng matapos ako ay
tumayo agad ako at walang salita akong
naglakad patungo sa exit ng cafeteria.

Ang hirap din talaga na iwasan sila, kahit
na sa ikabubuti rin naman nila ito ay
nahihirapan pa rin ako, to be honest miss na miss ko na sila lalo na si Enzo
hanggang kailan ko sila iiwasan? pagod
na ako. Nasasaktan na ako sa tuwing
titignan ko sila ng malamig na tingin,
nasasaktan ako sa tuwing binabalewala
ko lang yung effort nilang pag-usap sakin.

Tama ba ang ginagawa ko ngayon? tama ba na iwasan ko sila na hindi man
lang nila alam kung bakit, oo alam nilang
iniiwasan ko nga sila dahil nag-usap na rin naman kami nakaraan at sinabi kong
may nagsabi saakin na kailangan ko silang layuan pero alam kong para
sakanila ay hindi yon sapat, hindi yon
sapat na rason alam kong nabigla sila
lalo na si Enzo. Pero ano bang magagawa ko eh simulan ko na, at hindi
ko alam kung hanggang kailan pa.

Sa bawat hakbang ko palayo, ang bigat ng nararamdaman ko. Alam kong nasasaktan ko sila, at kahit na may dahilan ako, parang ang sakit na isipin na pinipili kong maging malayo. Sa mga pagkakataong nag-iisa ako, ang mga alaala namin ang sumasalubong sa akin, at sa kabila ng lahat, ang puso ko’y kumakabog para sa kanila. Bakit nga ba ang hirap?

Stay With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now