01: First Mass

8 1 0
                                    

01: First Mass


Cooper

December, 2018

"Ayan ka nanaman, wag kang hihingi ng payo sakin kung broken hearted ka ulit ha.” pabirong sabi ni Dale habang nagmamaneho ng kotse. Pinaguuspaan kasi namin na balak akong maghahanap ng kafling mamaya sa simabahan.

Kakabili lang namin ng mga pagkaing iluluto para sa noche buena sa darating na pasko at mga regalo para sa exchange gift naming magkakaibigan sa mall.

I am now a senior high student, grade twelve, at nag-STEM ako. Sabi nila madali lang daw, pero bakit ang hirap? No choice na rin kaya pinili ko na lang ang kursong iyon.

Nung dati, si Asher lang ang naging kaibigan ko pero ngayon, nadagdagan ito ng tatlo. Sina Dale, Kael at Finn. Naging magkaibigan kami dahil sa isang project sa school, kaming apat nalang ang walang grupo kaya ayon.

Pero sa kanilang tatlo, kay Dale ako mas naging close dahil maingay din to, kagaya sa akin.

"Ako? Mahe-heartbroken ulit?!" Angas na sabi ko sabay turo sa aking sarili. "Sa gwapo kong 'to, baka sagutin na ako kaagad kung sino ang lalandiin ko sa simbahan mamaya."

Simula nung tumaksil sa akin si Andrei nung nakaraang dalawang taon, ang dami nang nagbago sa akin. Nag-glow up na rin, naging maayos na rin ako sa pananamit, at naggygym paminsan-minsan. Pero isa lang ang hindi nagbago sakin, ang pagkadaldal ko.

May dalawang rason kung bakit ako naggygym, para magka-muscle at tsaka sa mga lalaki. Joke lang.

"Ba't kasi sa simbang gabi ka naghahanap ng ijojowa mo, eh pwede naman sa mga dating apps like WeChat o Grindr." Dale suggested.

"Grindr?" Natatawang ko sabi. What the hell is his saying. "Hindi dating app ang grindr, isa iyong se–"

"I know." He said is a serious tone. "Baka lang kasi gusto mo sa lalakeng malibo–"

"Shut up, Dale." I cutted his saying. Kung ano ano na ang sinasabi ng kanyang bibig.

Ang dami kayang cat fishing sa ganyang app yung tipong maputi siya sa litrato pero sa totoong buhay hindi naman. Yung iba ninanakaw ang mga pictures sa internet at cineclaim na sa kanila.

Mas mabuti pa kung maghahanap ka ng taong para sayo sa totoong buhay. Malalaman mo ang uri kung anong tao siya.

"But seryoso, bakit sa simbahan ka naghahanap ng maijojowa mo?" He asked again.

This time, napaisip ako. Inilagay ko ang aking index finger sa baba at napaisip.

"Maganda lang kasi maghanap doon. Imagine kung naging kami, tapos doon pa sa simbahan na palagi kaming nagdarasal, tapos four years from now, doon din kami ikakasal. Di ba, memorable lang," nangangisi kong sabi na parang naka-drugs lang dahil ang lapad ng ngiti ko.

Nakita ko sa rearview mirror na parang nandidiri si Dale kaya inirapan ko siya.

"Ilugar mo yang pagkabading mo, Cooper. Ginawa mo nang dating place ang simbahan, eh.”

"Wow, hiyang-hiya naman ako sa'yo," sarcastic kong sabi at tinitingnan siya ng masama. Umiling lang siya at ngumisi. Mukhang alam ko nanaman kung ano ang sasabihin niya.

Say the magic word, Dale.

"Basta, balitaan mo lang ako kung merong gwapong sakristan doon ha," kinagat niya lang ang labi niya para mapigilan ang ngisi.

Ayan na naman siya sa mga sakristan. Dito kasi sa aming barangay, halos lahat ng mga sakristan ay pogi, kaya hindi na nakapagtataka na maraming nagsisimba para lang makasilip sa kanila.

Simbang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon